Chapter 14

326 11 8
                                    

Chapter 14

Rose POV

Pagkatapos naming kumain ay nagsipuntahan na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Nauna na ako kasi sila Kuya ulit naghuhugas ng pinggan. Bait ko diba? Hahaha.

Natapos ko nang ligpitin lahat ng gamit ko Hindi na ako nagtataka kung paano nakarating to dito ang nga gamit ko kahit wala naman kaming dinalang gamit pagpunta dito and I think ate Joy do this all pero kunti lang ang mga gamit ko, dahil most of my clothes nasa states, kunti lang ang dinala ko nong umuwi kami dito.

Umupo ako sa kama at tinitigan ko ang buong silid, malaki naman siya pero hindi kasing laki ng kwarto na nasa bahay namin. Wala namang pinagkaiba ito, pero may nahagilap ang mata ko sa ibabaw ng kama ni Kuya, it was a painting. Hindi ko ito napansin kanina. Kailan pa na hilig si kuya sa painting? Nilapitan ko ito, napanganga nalang ako sa nakita ko, napakahusay ng pagkakapinta.

Ang painting ang nakasabit sa ibabaw,

Ang una ay Isang batang babae at isang batang lalaki na parang naghahabulan. Makita sa mga mata nito ang tuwa at saya.

Ang ganda, parang totoo ang nasa painting. Parang kuha gamit ang camera. Subrang ganda talaga. Sino kaya nag paint nito.

Sa kabilang side naman ay nakayakap ang batang lalaki sa likod ng batang babae, nagkatitigan sila at makikita sa mga mata nila ang PAGMAMAHAL nila sa isa't isa.

Habang minamasdan ko ang dalawang paintings, may biglang yumakap saakin patalikod habang ang ulo nito nasa right side ng shoulder ko. Kahit hindi kona ito lilingunin alam ko na kung sino.

Sino pa bang ibang tao makakapasok dito.

"Ginulat mo ako" Sabi ko kay kuya, bigla bigla nalang kasing yumakap.

"Hmmmm, Naalala mo pa ba yan?" Tanong nito sakin, sabay turo sa mga larawan.

"hmmm" parang familiar kasi yung scene at yung dalawang bata sabi ko sa isip.

Hindi ko talaga maalala pero subrang familiar talaga ang nasa painting.

"Hmmm, yan yung araw na huli kitang nakasama. Bago ka inilayo sa akin nila mommy, at dinala ka sa states" malungkot na sabi niya, nanatili lang na tahimik si Rose habang inaalala ang nakaraan.

Ayaw man niyang marinig ang nakaraan, pero ito na ata ang pagkakataon na pag usapan nila at i open up ang nangyari noon.

Gusto ko din naman malaman kung ano nangyari kay kuya nong mga panahong umiiwas at pilit siyang inilalayo saakin. Ayoko man marinig pero kailangan para makapagpatuloy kami sa kanya kanya naming buhay.

"Sa araw na yan, huli kong nakita ang totoong ngiti mo, huling araw kong nayakap ka ng ganito, huling araw na nakalaro kita at huling araw na nakasama kita" sabi pa niya.

Naramdaman ni Rose na parang may basa, kaya napatingin siya kay Prince, umiiyak ito, at makikita sa mga mata nito ang lungkot. Kaya humarap siya kay Prince at nasa ganoon parin silang ayos, magkayakap at ngayon mas lalo niya pang hinigpitan.

"Sa araw na yan, pinagsisihan ko kung bakit kita dinala sa play ground, Sana hindi nangyari sayo yun, I'm sorry, sorry" patuloy parin ang pagtulo ng luha niya.

Kuya! Nasabi ko nalang sa isip ko. Humagulgol na siya. I feel his pain at nasasaktan na din ako.

"SORRY dahil saakin na kidnap tayo, SORRY dahil ang hina-hina ko, hindi man lang kita maprotektahan at naipaglaban. Ako sana yun eh dahil ako ang lalaki at mas matanda sa ating dalawa, pero baliktad ang nangyari. Ako yung prenoprotektahan mo, kaya ikaw yung sinaktan nila at binubug, SORRY dahil nandoon lang ako sa isang tabi umiiyak at nakatingin lang sa ginawa nila sayo" umiiyak paring sabi niya at humiwalay sa yakap saakin at sinabunutan ang sarili nitong buhok.

"No kuya, it's not your fault. Please stop, your hurting yourself" sabi ko habang pinipilit na kunin ang mga kamay nito na nasa buhok niya at niyakap ko siya ng mas mahigpit.

Pero nagpatuloy parin siya,

"SORRY dahil nandoon lang ako sa isang tabi umiiyak at nakatingin lang sa ginawa nila sa iyo na walang ginawa para protektahan ka sa mga salbahing tao, SORRY dahil saakin nagkaroon ka ng isang bangungut na hindi mo malimut-limut, kung hindi lang sana ako nagpilit na dalhin ka sa play ground, kasama sana kita tumuntong ng high school"

Kuya wala kang kasalanan,,, hindi mo kasalanan ang nangyari, kasalanan yun ng walang hiyang babaeng yun sabi ni Rose sa isip niya.

"Ang hirap, na magising ka sa umaga na wala kana, dinala ka na pala sa States. Nagalit saakin sila Mom and Dad, dahil sa kapabayaan ko, lalong lalo na si Kuya David, kinasusuklaman niya ako nong mga araw na iyon kaya si Ate Mae nalang ang karamay ko. Gabi - gabi akong umiiyak, nakakabakla man pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko, sinisi ko ang sarili ko sa nangyari sayo, napakaduwag ko at napakahina, *sigh* Nagalit pa nga saakin si Ate dahil hindi ako kumain ng maayos, nagkukulong lang ako sa kwarto natin at niyayakap ang mga unan mo, iniisip na ikaw yun, pero nagbago yun ng sabihin ni ate ito" sabi niya

-----------------------------------------------------------------

"My God Prince, Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, tingnan mo ang payat payat mo na at hindi ka na kumakain ng maayos. Paano kung magkasakit ka pa, dadagdagan mo pa ba ang problema nila Mom and dad. Sa tingin mo ba mawawala ang galit nila pagnalaman nila ang ginagawa mo sa buhay mo, sa tingin mo ba matutuwa si Princess pag nalaman niya to. God, wake up Prince, bumangon ka sa realidad, wag kang matakot na harapin ang problema. Nandito lang kami para sayo, ipakita mo sa kanila na mali ang ibinibintang nila sayo, na hindi ka mahina at mas lalong hindi ka Duwag. Prince magpalakas ka para kay Princess, para hindi na maulit ang nangyari" ito ang sinabi ni noon Ate Mae

----------------------------------------------------------------

"Pagkatapos sabihin ni ate yan, nagising ako sa katutuhanan na hindi na muling maibabalik ang dati kaya inaliw ko ang sarili ko sa painting, ikaw ang lagi kong iginuguhit para mawala naman kahit papaano ang lungkot na naramdaman ko. Nag-aral rin ako ng iba't ibang martial Arts, naging black belter ako sa taekwando, naging hasa sa paggamit ng iba't ibang patalim at iba pa. Gusto ko sa pagbalik mo, which is ngayon, wala nang sino mang makakapanakit at umapi sayo, at para narin maipaglaban kita sa kanila, I Love you Princess, Sana mapatawad mo ako"Sabi ni kuya

Hindi ko alam na nagdusa ka pala kuya sa panahong wala ako sa tabi mo. Patawad kong yan pala ang naramdaman mo at kailan man hindi kita sinisi sa nangyari, lalong lalo na hindi ako nagalit sayo.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

So how's my update? Still lame! Charr, thank you for reading my stories. I love you all.

Comment how you feel about this update and what can you say about this story. Your comments are highly appreciated.

🌻🌻 Don't forget to vote, comment and be a fan🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon