Chapter 20
Andito ako sa loob ng room. Nauna na ako kila kuya dahil may dinaanan pa sila sa office ni ate. Tumulong din ako sa mga kailangan gawin tulad ng paggugupit ng mga letters for the banner.
Mabait narin ang iba kong kaklase.
"Ross, paki-abot ng glue" utos sakin ni Anna. Masaya ko namang inabot sa kaniya ang glue.
Then nag-uusap ulit sila.
"Makikita ko na ulit maglaro ng basketball si Prince" masayang sabi ni Anna.
"Nako, pati si Nathan. Ang astig kaya nilang maglaro" Diane
"Sinabi mo pa, lalong lalo na pag naka three points shot sila lage" pumapalakpak na sabi ni Kate.
Habang ako ay patuloy paring naggugupit at nakikinig lang sa kanila. Masaya naman ako sa aking naririnig.
"Sino naman kaya ang inspirasyon ni Prince ngayong wala na si Kyla" Malungkot na sabi ni Jhem
Kyla? Sino yan?
Gusto ko sanang itanong pero nahihiya ako.
"Nako oo nga noh" Malungkot na saad ni Anna. "Kung hindi lang siya umalis sana may inspiration parin hanggang ngayon si Prince." Dagdag pa nito.
Nakakunot lang ang noo ko habang nakayukong nakikinig lang sa kanila.
Sinong Kyla? Wala namang nabanggit si kuya sa'king Kyla ah. Sino siya sa buhay ni Kuya. WTF, curiosity kills me. Hrggggg
"Nako, wag na kayo malungkot. Andyan naman si Rose eh" Sabi naman ni Kate.
" Oo nga, mas napapadalas ng ang ngiti ni Prince simula nong dumating si Rose at hindi narin ito nagsusungit." Jhem
"Agree tayo dyan. Pero kong ako papipiliin mas gusto ko si Rose kaysa kay Kyla. Ang sama ng ugali ng babaeng yun" parang may bahid ng galit na saad ni Jannah.
"Hoy baka marinig kayo ni Ross" sabi ni Fe
"Wala naman tayong sinabing masama sa kanya. Basta ako kay Rose ako." Si Jannah.
*Sigh* napabuntong hininga nalang ako.
Hindi ko na narinig ang iba nilang mga sinasabi. I know na masama ang makinig ng pag-uusap ng iba pero isa naman ako sa pinag-usapan nila e. Pero sino yung Kyla? Bakit walang na e kwento sa'kin si kuya na nag ngangalang Kyla. Is she Kuya's lover before? Did he hide something to me? But why?
Aimee's POV
"Aimee, kompleto na ba lahat ng players?" Tanong ni ate Mae sa'kin. On hand kasi kami sa pag-aasikaso ng mga manlalaro. May ibang school kasi na sumali sa sport feast namin.
As a secretary ako ang gagawa ng lahat, mag aasikaso dahil ayaw ko din naman mapahiya ang aming school.
Si Nathan and Prince, sila ang nag-aasikaso sa mga gamit, kong okay na ba, kompleto na ba or maayos na ba ang lahat.
Gusto kasi ni Prince yung walang problema kaya kami na mismo ang gagawa.
Sana nga lang ay walang mangyaring masama kay Rose, kampanti na kami kasi alam naming bumait na ang aming mga kaklase.
Tinitigan ko ang mga list kong ano pa ba ang kulang o kung may kulang pa ba.
Tama nga kayo, may isa pang kulang.
"Hindi pa ate, kulang ng isa sa volleyball." Sagot ko.
"Since umalis si Kyla kaya tayo kulang sa taong ito." Dagdag ko pa.
"Hala, oo nga pala. Hanap nalang tayo ng kapalit niya. Ikaw nalang kaya?" Tanong ni Ate Mae.
Gustohin ko man hindi naman ako marunong.
"Hindi ako marunong ate, magtatanong nalang po ako" sabi ko at paalis nang Office niya.
"Try to ask Rose" sigaw na pahabol ni Ate.
Huh? Si Rose? Pero kong wala akong mahanap sige tatanungin ko si Rose.
Pero marunong ba siya? Wala ng practisan to kaya sana yung mapili ay marunong.
Pagkakaalam ko, kalaban na namin si Kyla. Siya pa naman ang pinakamahusay na manlalaro namin sa larangan ng volleyball ngunit lumipat siya ng paaralan at ngayon ay kasangka namin.
Kinakabahan ako, dahil dala ng pangalan ng school namin kong sino ang mananalo. Kong alam ko lang paano maglaro, aakuin ko na.
Iniisa isa kong magtanong sa bawat classroom na madaanan kong sino gustong maglaro ng volleyball. Lahat ayaw dahil alam nilang ang makakalaban namin ay ang Austine Academy. Ang paaralan kong saan nag-aaral ngayon si Kyla.
Alam ng lahat kung gaano kagaling at kalupit si Kyla sa paglalaro kaya alam kong kaya ng iba ngunit takot lang sila makalaban si Kyla.
I know you're wondering who is she, but you will know in the right time.
Ilan na ba ang napagtanungan ko ngunit lahat sila ay umayaw.
Hanggang sa napunta ako sa room namin.
Nakita ko silang busy sa paggawa ng banner.
"Attention everyone" pagkuha ko ng atensyon nila. Lahat naman sila ay tumingin sa'kin. Na nasa pintuan.
"Bakit ms. Secretary?" Tanong ni Kate saakin
"Gusto ko lang malaman kung may interested ba ditong sumali ng Volleyball. Kulang kasi ng isa" Tanong ko sa kanila.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng room. Lahat sila ay busy pero napako ang tingin ko kay Rose na na kayoko. Nakayukom ang mga kamay at parang nakakunot ang noo. Anong nangyari sa kanya?
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Yan nalang po muna huh, sorry talaga sa tagal ng update at ang paasa ko. Ang dami kong todo. Babawi na talaga ako sa February.
Can you give some motivational Message?🥺 Nag breakdown na naman ako kagabi dahil sa dami ng gawain at di ko alam kong ano uunahin.🥺
Hope you will all still support me. Thank you.
Don't forget to hit the star at the bottom if you like my update.
-Myne
BINABASA MO ANG
My Over Protective Twin Brother
Dla nastolatkówJason Drek is so protective to his twin sister. He didn't want her to get hurt even if his sister don't like it. It just he didn't want to see her cry. But What will happened when one day, may isang pangyayari na sisira sa relasyon na meron sila? K...