Chapter 18

316 13 9
                                    

Chapter 18

After dinner, magpresinta si kuya na sila nalang ni Nathan ang maghuhugas ng pinggan. Pasimple akong lumapit sa kanya.

"Labas muna ako" mahinang tugon ko.

"Where do you think your going?" He ask. Sinamaan pa ako ng tingin but who cares.

"Kay ate Mae" I simply say it.

Tinitigan pa niya ako, sinisigurado kong nagsasabi ba ako ng totoo.

Napabuntong hininga nalang siya.

"Aimee!" Tawag ni kuya kay Aimee na nanonood ng tv sa sala.

"Bakit?" Balik na tanong nito.

"Ikaw muna tumulong kay Nathan sa paghuhugas dito. Sasamahan ko lang si Rose kay ate Mae" Saad ni kuya.

"No, ako nalang ang sasama kay Rose" sabi ni Aimee

"Wag na ako na. Just wait me here, mag papalit lang ako" sabi ni Kuya.

Pinigilan ko naman siya.

"No ako nalang, alam kong may pag me- meeting pa ako." Sabi ko kay kuya

"Tss" Saad niya at nagpatuloy papuntang kwarto namin. Haysttttt paano ko magagawa ang balak ko kong sasama siya. Eh alam kong sasalungat lang to.

Napabuntong hininga nalang ako at hinintay siya sa sala.

"Tara" yaya sa'kin ni kuya ng makababa na siya. Nauna na siyang maglakad habang nakapamulsa. Ako naman ay nakasunod nalang sa kanya.

Wala kaming imikan sa pagpunta sa office ni ate. Doon nalang kasi ito natutulog kasi may maliit na kwarto doon para sa kanya.

Kung tinatanong niyo kong may boyfriend na ba si ate? Ang sagot wala. Kung bawal ako, mas bawal si ate. Magagalit si kuya Dave. Saka nalang daw if natapos na ni ate ang pagdo-doctor niya.

Yeah, ate is a medicine student and a Principal here at the same time.

Ng makarating na kami sa office ni ate, walang katok katok ay pumasok kami sa office niya.

Sinamaan kami ng tingin ni ate. Hindi naman ito pinansin ni Kuya at agad kinuha ang cookies sa table ni ate at kinain ito.

Siya din ang pumalit kay ate sa kanyang upuan. Jusme kahit kailan talaga tong si kuya.

Sininyasan ako ni ate na doon kami sa kwarto niya mag-uusap. Ang gago sumunod din.

"Give us some privacy Prince" Saad ni Ate Mae.

"Tss" yan lang ang sinagot ni kuya at hindi nakinig kay ate. Nauna pa nga itong dumapa sa kama.

Napailing nalang kaming dalawa at sabay na natawa.

Umupo kami ni Ate sa sofa.

"Bakit mo nga pala ako gustong maka-usap?" Tanong sa'kin kay ate.

Kinakabahan man sa posibleng reaksyon niya ay tinanong ko parin siya.

"Totoo po bang tinanggalan mo ng trabaho si Ms. Martinez?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit?" Agad na sagot niya

"Ate may favor sana ako..." Tumigil ako sandali at bumuntung hininga ng malalim. "Wag mo sana gawin yun, bawiin mo 'yung ipinataw mong kaparusahan niya" saad ko

Nabigla naman siyang napatingin saakin.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya.

"Hindi naman ako ganun kasama ate para gustuhin ang nangyari sa kanya. Alam ko ate at alam kong alam mo ang kalagayan ng anak niya. Kailangan nila ng pera ate panggamot sa kanya" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Hindi naman ako naawa na mawalan ng trabaho si Ms. Martinez kung 'di sa anak nitong sa kanya lang umaasa na nakahilatay lang sa hospital. May sakit ito kaya kailangang ipagamot. Ayoko naman na mawalan ng supporta ang paggamot niya ng dahil nawalan ng trabaho ang mama niya.

Hindi ko pa man ito naranasan pero ramdam ko ang mga possibleng mangyayari. Ayoko ng ganun, hindi naman ako ganun kasamang tao.

"Nagi-guilty kasi ako ate, alam kong gusto mo lang akong protektahan pero hindi naman makatarungan yun. Ilang taon nang nagseserbisyo si Ma'am sa paaralan natin. Pero ng dahil lang sa'kin mawawalan siya ng trabaho. Hindi naman ganun ka grabe ang ginawa niya sa'kin para gawin niyo po ito" mahinang sabi ko.

Oo nagi-guilty talaga ako.

"Pero Princess I already said it. Tsaka hindi lang naman dahil sayo kong bakit siya matatanggalan ng trabaho. Oo nagalit ako sa ginawa niya sa'yo pero ito lang ang ginawa kong dahilan at tyempo para mapatalsik siya sa paaralang ito." Paliwanag ni ate saakin.

"Marami na ring nagrereklamo tungkol sa kanya. Sa ugali niya at kitang kita mo din naman iyon. Usually she treated people who is in nerdy looks kaya ka isa sa nabiktima niya. Alam ko din yung ginawa niya kanina sa'yo." Sabi niya.

"Ate pano?" Teka paano umabot kay ate. Wala akong niisang sinabihan tungkol sa pinturang nabuhos saakin.

"I have someone na inutusan kong alamin kung ano ang nangyayari sayo sa loob ng school habang wala sila Prince sa tabi mo. Hindi ko naman hahayaang may mangyari sa'yo." Sabi ni ate.

"Thank you ate" nginitian niya ako.

"Anong nangyari kanina na 'di ko alam?" Nakasalubong ang mga kilay ni kuya. Kahit kailan ang epal nito.

"Ate may narinig ka bang nagsasalita?" Maang maangang tanong ko kay ate. Alam na ni ate kong ano ang ibig kong sabihin. Nakisabay naman siya.

"Huh, wala naman. Wala akong narinig. Baka multo?" Tanong ni ate. Pinipigilan lang namin ang hindi matawa dahil pasimple naming tinitignan si kuya at nagkasalubong lalo ang kilay nito at di na maipinta ang mukha.

"Ah, ganun pala" saad ni kuya at bigla niya kaming hinampas ng malambot na unan ni ate.

Tawa lang kami ng tawa dahil lumaban din kami ni ate. Nag pillow war kami. Nakakamiss lang yung ganito. Yung magkasama kami at masaya lang.

Magkakampi kami ni ate at si kuya ang dehado. Dahil alam kong di niya kami kayang saktan ng malakas ni kuya. Kaya mas lalo kaming natawa ni ate.

"Final Wave!" Sigaw namin ni ate at sabay na dinamba ng kiliti si kuya. Tawa lang kami ng tawa ng biglang tumawag si kuya Dave.

Ang loko na-iingit dahil nasa Spain ito at hindi siya makakakulitan saamin.

"Pag-uwi ko, babawi ako" nakakalokong ngisi ang binigay ni kuya. Tinawanan lang namin siya at nag-usap usap kami.

Pero syempre hindi namin sinabi na nag nerdy look ako dahil siguradong lagot ako.

Bigla din tumawag sila mom at dad kaya nag video call kami. Ang saya lang dahil masaya kami hanggang sa mag end call.

Paalis na kami ni kuya dahil maggagabi na. Nilingon ko si ate.

"Yung favor ko ate, sana magawa mo" nakangiti kong sabi sa kanya

"Sure Princess kung yan ang gusto mo." Saad niya.

Finally, sana naman ay magbago kana Ma'am.

At natulog akong may ngiti sa labi habang yakap ko ang taong mahal na mahal ako.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Uwuuu, thank you for reading guys. I highly appreciated it. Thank you talaga


If you love mu update, don't forget to hit the little star at the bottom. It's really means a lot. If you have suggestions/questions kindly say it in the comment box.

Love,
Myne

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon