Chapter 5
"Ayusin mo" Sigaw ni Prince, nataranta na ang guro. Takot na takot na sa pagsigaw ni Prince. Yung sigaw niya rinig hanggang kabilang dulo, at ramdam mo talaga ang maawtoridad at galit sa boses nito.
"Wag na po, ayos lang saakin yun ma'am, hindi niyo na po kinakailangang mag sorry" mahinang sabi ni Rose. Dahil alam niyang hindi ito magsosorry sa kanya ng buong puso kasi ito na ata ang ugali nito.
Kahit sa loob looban niya hindi ok sa kanya pero ayaw naman niyang mag eskandalo ang kambal niya dito. Alam na niya kung ano ang mangyayari pag ganyan na kagalit ito. Pero masaya parin siya dahil kahit papano ay ipinagtatanggol siya nito pero ayaw niya talaga ng gulo, pero tong isang ito mukhang gulo talaga ang hanap, hanep.
"Tumahimik ka!" May kung ano sa boses nito na mapapatahimik ka talaga. Nagbaba na lang ng tingin si Rose. Galit na nga ang mokong.
"Ikaw na nga tong nilalait pero hanep ikaw parin itong mabait. Wag mong kunsintihin ang mga taong nanglalait sayo, dapat marunong kang lumaban para sa sarili mo" Galit na saad ng kapatid niya sa kanya, ang hirap na niyang kausapin kapag ganito na ito. Hindi na niya mapigilan ang mga luhang dumaloy sa mukha niya, alam niyang mahina siya pero hindi naman sa lahat ng bagay dapat tayong lumaban diba, dahil tayo mismo ang nakakaalam sa sarili natin at alam natin kung ano ang tama sa mali. Yumuko lamang si Rose habang nakatanaw sa baba, ayaw niyang makita ng kambal niya na umiiyak siya.
Ng may biglang sumabat sa usapan nila
"Hoy, Prince kay aga-aga ang lakas ng sigaw mo, abot hanggang office ko" Sabi ng kanyang ate "Ano bang nangyari dito, Prince huh bat mo sinisigawan si Miss Martinez" May diin na sabi ng kanyang ate , pilit na pinapakalma ang sarili dahil siya parin naman ang Principal na dapat maging modelo ng kanyang nasasakupan
"Tss" Umiwas lang ng tingin si Prince
"Hay nako ms. Martinez, ako na ang hihingi ng pasinya sa ugali ng kapatid ko, ganyan lang talaga ang ugali niyan" nanghihinhi ng pasinsiya ni ate Joy para kay prince ng napadako ang tingin nito kay Rose na nakayoko sa isang tabi at hindi parin pumasok sa loob ng klase
"Ouh, Ell---este Rose, anong ginagawa mo pa dito sa labas, kanina mo pa kinuha schedule mo sa office ko pati na ang mapa ng school. Wag mong sabihing naligaw ka nanaman" sabi ni Ate Joy, sa kanyang kapatid. Muntikan na niyang masabi ang isang pangalan nito
"Ammf, Kasi po Ma'am..." pagsasalita sana ni Rose ng sumabat si Prince, dahil alam na nitong pagtatakpan na naman nito ang kanilang guro. Ganyan lage ang ginagawa ni Rose noong nasa states pa sila lahat ng umaapi sa kanya pagtatakpan niya dahil ayaw niya ng gulo kahit na siya na yung nasasaktan at naaagriyabado.
"Hindi PA siya pumasok dahil hindi SIYA pinapasok ng isang tao dyan na sana mag turo ng mabuting pakikitungo sa kanyang kapwa. SIYA pa ang may ganang MANGLAIT AT HUMUSGA sa taong ngayon pa niya nakita." pag sasabat pa ni Prince, Galit na siya to the highest level.
"Ano bang pinagsasabi mo Prince" Naguguluhang tanong ng kanyang ate Joy , wala naman kasing sinabing pangalan kundi Siya lang.
"WALA, bat di mo tanongin yang taong nasa harap mo" Galit na sabi ni Prince habang masamang nakatingin kay ms. Martinez,
"Ano bang nangyari Ms. Martinez, ki aga-aga ay pinapainit mo ang ulo nitong lalaking to" sabi ni Ate Joy
"Ano po kasi Ms. Smith..."kinakabahang sabi ni Ms. Martinez kaya sumabat na si Rose, dahil alam na ni Rose na walang katapusan ang pagtatalo o usapang ito.
"Wala po Ms. Smith, na misinterpret lang po ng kapatid mo yung sinabi ni Ma'am na to. Sorry po kasalanan ko din naman po lahat, sana po matigil na po itong walang katapusang pagtatalo dahil nagsasayang lamang po tayo ng oras dito dahil walang magpakumbaba sa inyo kaya ako nalang po ang makiki usap. Salamat nalang po dyan sa KAPATID mo (habang nakatingin kay Prince ng masama, yes masama dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa nito) sa pagtatanggol sa akin pero Sana po bago siya manghimotok ng galit dyan SANA alam niya po kung paano rumespeto ng mas nakakatanda niya" Mahinahong sabi ni Rose habang naka sarcastic ng pagkakasabi nong tungkol na kay Prince ang usapan.
"Tss" Nasabi nalang ni Prince at pumasok na sa loob
"Hayysss. pagpasinsyahan mo na yung ugali ng kapatid ko, simula bata kasi ganyan na yan" Alam kong alam mo na ganyan na ang ugali niya, alam ko ang nangyari Ella at sasang-ayon ako kay Prince. idadagdag na sana ni Ate Joy sa kanyang sasabihin "Pero alam kong may problema kaya nagalit yun, kaya Ms. Martinez gusto kong makausap ka after your class"
"Ok po,Ms. Smith" mahinang sabi ni Ms. Martinez
"Okay, so pasok kana Rose. Ms. Martinez ikaw ng bahala sa kanya" At umalis na si Ate Joy
👉👈Omay, anong sasang-ayon kay Prince? Anong ibig sabihin ni Ate Joy? Abangan🙆
🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻
BINABASA MO ANG
My Over Protective Twin Brother
Fiksi RemajaJason Drek is so protective to his twin sister. He didn't want her to get hurt even if his sister don't like it. It just he didn't want to see her cry. But What will happened when one day, may isang pangyayari na sisira sa relasyon na meron sila? K...