Chapter 8

296 6 0
                                        

CHAPTER 8

Dumating na kami sa Secret Room kuno nila.

Maganda naman siya, para siyang mini house, haha di nga, para siyang maliit na bahay, may kusina, sala at kwarto, tatlong kwarto, grabe di ko akalain may paganito pa talaga sila pero ang ganda, completo lahat ng gamit. Hanip ni kuya di ako na inform, kaya tinignan ko siya pero umiwas lang ng tingin. Alam na ata kung bakit ako tumingin sa kanya. Akala ko sa dorm sila pero magkasama sila dito tsaka si Aimee lang babae?

Btw, diko nga pala nasabi sa inyo, itong SCHOOL nato, may dorm kaya di na kilangang umalis ng school, at para narin walang malalate.

"Welcome Besh, hayssttt, sawakas may kasama na akong babae" sabi ni Aimee nagulat ako doon ah, haha bigla naman kasing nagsasalita, nginitian ko nalang siya. Nilibot niya ako sa loob tsaka panghuli pumunta nalang kami sa kusina para maghanda ng pagkain, malapit na rin kasing mag lunch, habang naghahanda kami ng pagkain.

"Besh, ano yun huh" usisa nito saakin, ano na naman kaya?

"Huh?" diko naman talaga alam kong ano ang sinasabi nito

"Bat ngumiti sayo si Prince kanina? Kayo huh, may nililihim saamin" sabi nito. Awit, issuerist pala tong babaeng to.

"Ewan ko, masama bang ngumiti siya?" sagot ko rito, Di ko naman talaga alam kong bat yun ngumiti. Parang tanga lang, napaka big deal ba ng pag ngiti ni kuya ngayon?

"eh, bakit ang defensive mo masyado" Usisa pa nito

"Di ako defensive" naiiling kong sabi ang kulit kasi. Baka malintikan ako nito at masabi ko.

"weah, kaya pala kung e defend ka kanina ni Prince sa harap ni Ma'am Martinez, wagas" natatawang sabi ni Aimee. Tinignan ko siya

"Paano ba niya ako denefend? Big deal nayun?" Taka kong tanong sa kanya

"Oo naman syempre, ikaw lang ata ipinagtanggol nun. Kung ibang tao yun dadaanan lang niya kaso iba ka eh. Tsaka pag ako naman nabubully tinatawanan lang nila ako. Ang unfair, pero ano nga nginitian kapa?" Sabi niya, ganun pala. Kaya issue sa kanila ang pagtanggol saakin ni kuya at ang pagngiti niya.

"Ewan ko sayo, maghanda ka na nga dyan"sabi ko nalang, at ipinagpatuloy ang paghahanda, gutom na kasi kami. Hanggang natapos na kami sa paghahanda, tinawag na namin ang dalawang principe😊 habang kumakain tahimik lang kami walang kumibo, haha, ganito ba sila, ang boring naman, hanggang sa natapos na kaming kumain.

"Since kami ni Aimee ang naghanda ng pagkain" ako na ang bumasag sa katahimikan

"So?" Sabi ni kuya habang ang dalawa pa ay tumingin sa akin, patay, naiilang ako sa mga titig nila

"Kayong dalawa ang maghuhugas ng pinggan." Nakangiti kong saad. Lalo na si kuya alam na ni kuya ko ang ibig sabihin. Sinamaan niya ako ng tingin. Gusto ko siyang tawanan pero baka mahalata ng iba.

"Ano?" Gulat na sabi ng tatlo, ano bang nakakagulat sa sinabi ko?

"Bakit may problema?" Tanong ko sa kanila kung maka react wagas

"Ano kasi sis, ako nalang" nag alangang sabi ni Aimee.

"Why? may kamay naman sila para gawin yun diba?" nagtatakang tanong ko. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan itong si Aimee,

Bigla nalang akong hinila ni Aimee papunta sa sala habang ang dalawa patuloy sa pagkain sa hinanda naming dessert, psst.

"Ano bang problema mo" naiinis na sabi ni Aimee, what? wala naman akong ginawa bat naman siya maiinis sa akin. Ano naman ang kasalanan ko.

"Wala akong problema ikaw itong bigla nalang nanghihila" naiinis na rin ako dahil kanina ang jolly niya tapos ngayon bigla na lang naiinis sa akin hindi ko na siya naiintindihan.

Hindi ko alam kong ano ang kinaiinisan niya, pakipot pa ide sana diritsahan niyang sabihin kong ano yun.

"Bat ba kasi sinabi mo yun" Naiiritang sabi ni Aimee at hindi mapakali. Sinabunutan pa nga niya ang ulo niya.

"Huh, anong sinabi ko?" Tanong ko sa kanya

"Na sila ang maghuhugas ng pinggan" Oh? So ayon ang pinaghihimutok ng butchi nito. Ano bang problema ng sinabi ko yan. Wala naman ah tsaka tama din namn ako

"So? masama bang sabihin ang katagang yan? Dapat naman eh, di porket babae tayo, tayo na gagawa lahat ng gawaing bahay. Hindi tayo yaya nila para pagsilbihan sila ay bakit ka ba biglang naiinis dyan" sabi ko dito, nakakainis na talaga siya promise

"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh" Ipaintindi mo kasi para maintindihan ko. Paulit ulit ka eh, ayoko pa naman sa lahat ay yung pabitin.

"Paano ko maiintindihan kong hindi mo sinasabi kong anong mali sa sinabi ko" Sabi ko sa kanya na pilit pinapakalma ang sarili ko.

"F*ck Rose, ewan ko nalang kong san tayo ngayon, Hindi mo kasi alam eh, ang pinakaayaw ni Prince ang inuutusan siya" yes alam na Alam ko, ayaw niyang inuotusan, So what? Subukan lang niyang makipag argumento, malilintikan siya saakin.

"Sa ginagawa mong yan, siguradong galit na siya, at hindi mo alam kung paano siya magalit at tsaka wag na wag mo nalang alamin baka pag sisihan mo" Sabi niya, Yun lang bah, takot siya na magalit si kuya kaya siya na iinis sa akin, The f*ck, wala akong paki alam. Kasi di nman yun nagagalit saakin, oo minsan pero di naman niya kayang magalit saakin ng matagal.

"That's all?"

"Oo, kaya kung pwede tayo nalang para wala ng gulo, please" pag mamakaawa niya

"I don't care" iniwan ko siya at bumalik sa kusina

"Tapos na ba kayo dyan" sabi ko, tumingin lang sila sa akin

"Kung tapos na kayo, hugasan niyo ang pinagkainan natin. Una na kami ni Aimee sa classroom"sabi ko halata sa dalawa na nagulat

"Tss" si Kuya

"What?" Si nathan

"Narinig niyo naman sigurado ang sinabi ko at nakakaintindi naman siguro kayo ng tagalog" Sarkastiko kong saad, yun gusto ko lang inisin ang dalawang to. Nathan tsaka si Aimee. Napailing-iling nalang si kuya.

"She's right, we should be the one who will wash the dishes" Sabi ni kuya at sinimulan niya na ang pag huhugas.

"Nako prince, ako na nagloloko lang yan si Rose, baka mabasag mo lang yan" Sabi ni Aimee. Di niya alam expert si Kuya dyan. Ang dakilang taga-hugas pag kami lang.

"Go now, mauna na kayo. Susunod kami, tatapusin lang namin to." Saad ni kuya at pinagpatuloy ang paghuhugas.

I'm really lucky to have him, he can't resist my charm. Yey.

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻



My Over Protective Twin BrotherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon