Chapter 10

303 9 0
                                        


Nagsialisan rin ang mga tao sa paligid namin, yung nakisali sa pagbato ng itlog, harina at asukal sakin. Pero hindi ko maiwasan mainis sa kanila, hindi ba nila alam na nagsasayang sila ng pera, oo alam ko na mayayaman sila pero hindi dapat nila sinasayang ang paghihirap ng mga magulang nila.

Iyak lang ako ng iyak para akong batang inagawan ng laruan, nangyari na naman ulit, ano bang masama sa ginawa ko, hindi ba talaga pwedeng lumapit sa kambal ko.

Akala ko makakatakas ako sa ganitong buhay, akala ko maging mapayapa ang taong ito pero hindi pala. Mas lalala pa pala sa mga nangyayari noon.

Ano bang problema kong nerd ako, BIG DEAL bayun, ang sakit lang talaga, mga taong insecure at walang magawa sa buhay. Tumayo ako dahil nagmumukha na akong kawawa at pumunta sa malapit na silid na alam kong ligtas ako.

*Tok*Tok*tok*

Pagkatok ko sa pintuan alam kong nandito siya. Nakakasigurado ako, sa ingay palang na maririnig mo dito sa labas alam na alam ko na.

Biglang bumukas ang pintuan, walang sabing niyakap ko siya. Para akong batang sisiw sa kakaiyak, nanghihina na ako.

"Oh my God, Baby Rose?" Gulat na sabi niya, mas lalo akong napaiyak. Niyakap niya ako pabalik.

"My God, anong nangyari sayo, halika pasok baka may makakita saatin dito" sabi niya.

Tago kasi itong silid na ito, ewan ko kong bakit pero mabuti na rin yun, walang nakakaalam na dito ako pumunta. Ng nasa loob na kami pinaupo niya ako sa couch, hindi parin ako bumitaw sa pagkayap sa kanya at pati narin siya, nahihiya narin ako dahil pati siya nadumihan na.

"*Shhh* Baby tahan na" sabi niya sabay himas sa likod ko habang pinapatahan ko

"Ate *sob* " Yes tama kayo ng iniisip, nasa Principal office ako pumunta, layo pa kasi kong babalik ako sa Secret Room

"Ano bang *sob* mali *sob* saakin" tanong ko "Bakit ganito sila saakin? Hindi ko maintidihan kong bakit galit sila sa akin" dagdag ko

"Baby tahan na, walang mali saiyo, mabuti kang tao yun nga lang hindi nila nakikita, kaya tahan na" sabi niya pero patuloy parin ako sa pag iyak.

People are blind of your good deeds and see all your failure and mistakes. That's how life works now. It's hard to defined but it's real.

Prince POV

Natapos na kami ni Nathan sa paghuhugas ng pinggan, baliw talaga si Ella pero masaya ako na ganun. Masaya ako dahil bumalik na ang pagiging bossy niya na miss ko na. Pero kung di ko lang siya mahal, nako malalagot talaga siya saakin pero hindi ko talaga siya kayang tanggihan. Simula bata pa lang kami lahat ng gusto niya binibigay namin. Kahit yung mga pinakafavorite kong laruan pag gusto niya binibigay ko. Ako ang laging magpapa-ubaya dahil ganun ko siya ka magal pero masaya kami kahit na spoiled brat ang batang yun alam at alam niya parin kung ano ang tama.

Hindi na siya kailangan pang turuan dahil alam niya na yun. She is perfect for me and I can't leave without her. Ayoko na mawala na naman siya saakin. Ayoko nang maulit yung nangyari noong nakaraan.

I may be cold for everyone but I'm soft when it comes to her.

Lumabas na kami sa kusina at naghanda na pabalik sa classroom. Lalabas na sana kami ng bumaba si Aimee sa hagdan galing sa taas, bat andito pa to? Si Ella nasaan?

"Bat andito kapa? Si El---- I mean Rose?" malamig kong tanong sa kanya

"May kinuha lang ako sa taas, eh sabi niya mauna na lang daw siya" sagot nito

"NAUNA?" sigaw ko sa sanya

"WTF, bat mo hinayaan, baka mapano na yun" pagalit na saad ko

Wala akong paki kong anong iisipin nila basta ang mahalaga makita ko si Ella.

Alam kong may masamang mangyari. My guts is driving me crazy. I know that I'm over reacting but it was my lil sis we are taking about.

Nagmamadali akong lumabas para hanapin siya. Ang tigas talaga ng ulo mo Ella, sabing hrggg kung saan saan na kami nag punta wala paring Ella kaming nahanap. Nag alala na ako baka kung napano na siya.

*Ring*Ring*Ring*

Biglang tumunog ang Cellphone ko, istorbo naman ito.

"What?" bungad kong tanong sa taong tumawag. Wala akong pakialam kong sino man tong taong ito, istorbo hinahanap ko pa kapatid ko baka ano ng nangyari don.

"PRINCE" sigaw ng nasa kabilang linya, kahit kailan talaga ang tinis ng boses nito, mga babae talaga. Except kay Ella pero minsan nakakarindi rin pag sumubra na. But what I like her is she know her limit.

"Pwede ba ate wag kang sumigaw, nabibingi ako sayo" sabi ko, kahit na inis na inis na ako sa kanya dahil sa pagtawag niya.

May respeto pa naman ako sa kanya kaya pilit kong hindi ipahahalata na naiinis ako baka malaman pa niya na nawawala si Ella. Malalagot ako, kasi kung mahal nila ako mas mahal nila si Ella. Ella is like a precious vase for us, takot kaming mabasag o mawala man ito.

"Tss, Prince" seryosong sabi niya, napakamoody talaga ng babaing ito.

"Ano?" ano bang kailangan nito

"Diba sabi ko sayo na alagaan at protektahan mo si Princess, hinayaan kita sa decision mo na hayaan nalang siya dahil alam kong proprotektahan mo siya, but I'm wrong" seryosong sabi pa nito, bigla akong kinabahan, kahit na hindi deretsyahang sinabi ni ate, nafefeel ko na may masamang nangyari kay Ella.

"Nasaan siya?" tanong ko dito, gusto ko na siyang makita para makasigurado ako na mali ang hinala ko

"Sa Office ko, at--"hindi ko na siya pinatapos at pinutol na ang tawag.

Sesermonan lang ako nun, tss, Ella sana walang nangyaring masama sayo. Nagdadasal akong naglakad papuntang office ni ate. Walang salitang salita nakasunod lang saakin sila Nathan at Aimee na nakakunot ang noo. Alam kong nagdududa na ang mga ito at naghihinala, pero wala akong paki. Ang iniisip ko ngayon, kumusta na ang kapatid ko.

"Anong gagawin natin dito" Tanong ni Aimee sa akin ng nasa harap na kami ng pinto  hindi ko na siya pinansin patuloy akong pumasok sa loob, pagkapasok namin ay may bigla nalang yumakap saakin.

She was crying and it's hurt to see her like this. Parang piniga ang puso ko sa nakikita ko. Magtago na kung sino man ang gumawa nito sa kanya.

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon