Chapter 11

320 9 2
                                    

Chapter 11

"Jas" pagkapasok palang ni Prince niyakap na siya agad ni Ella, ginantihan naman ng yakap ni Prince kahit may pagtataka ang mukha nito.

Umiiyak lalo si Ella ng makita ang kambal niya, alam niyang sa mga bisig nito siya safe at walang sinumang aaway o mananakit sa kanya.

Kahit na ginusto niya ito, hindi din naman siya bato para hindi masaktan sa mga nangyayari. Pagod na siya kaya siya umiwas pero kakambal niya din ata ang malas.

Gusto lang naman niya ay mabuhay ng normal pero bakit ganito?

Ayoko na, sawa na ako sa toxic na buhay. Puro pagpapakitang tao lang ang nakikita mo sa paligid mo. Hindi mo alam kong sino ang nagpapakita ng totoo at totoong tao sa paligid mo.

"Tss, tahan na, your safe now" sabi ni Prince sa kanyang kapatid habang pinapatahan ito. Kahit na kating kati nasiyang tanungin kong ano ang nangyari kong bakit ito umiyak, kung bakit puno ito ng pulbo o harina dahil sa nagkakulay puti ang buhok nito at may mga itlog na nasa damit at iba pa, napasok na sa kanyang isipan na siguro na bully ito habang wala siya sa tabi nito.

Iyak lang ng iyak si Ella habang kayakap si Prince na pinapatahan siya, si Nathan at Aimee naman ay nasa kabilang upuan kita sa mga mukha nito ang pagtataka kung bakit nagkakaganito si Prince, ito ang unang pagkakataon na nakita nilang lumambot ang isang cold prince, at sa isang nerd pa na bagong dating.

Hindi na sila nagtanong pa kundi, tumahimik nalang sila sa tabi at pinapanood ang dalawa.

Ito ang nadatnan ni Joy Galing siyang main kitchen niya sa office niya, para kumuha ng tubig para kay Ella. lumapit siya sa dalawang nagyayakapan, she find it sweet pero sanay na siya.

"Ipainom mo muna to"sabay bigay ng tubig kay Prince, kinuha naman ito ni Prince at pinainum kay Rose, ininom naman ito ni Rose, nang mahimasmasan si Rose doon na nagtanong si Prince.

"Anong nangyari" mahinahong tanong ni Prince, ayaw niyang magpadala sa inis niya. Inis na hindi sa kapatid niya kundi sa mga taong gumawa nito sa kapatid niya

"Oo nga besh, para kang isang dukha dyan" komento naman ni Aimee habang si Nathan ay tahimik na pinagmasdan ang dalawang taong nagyayakapan.

"Wala" mahinang sabi ni Rose

"Wala?" balik na tanong ni Prince na may pagkainis na sa tono nito.

"Wala nga sabi" kahit na ganoon ayaw parin ng gulo ni rose kaya pipiliin nalang niyang tumahik, knowing her brother, gagawin nito ang lahat makahiganti lang sa ginawa sa kanya.

Kilalang kilala na niya ito at hindi niya gugustuhin pang umabot sa puntong to. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay.

Pero kahit kailan, her brother is always her brother. Kukulitin at kukulitin parin siya nito hanggang sa magsalita siya at sabihin ang totoo.

"Pagtatakpan mo na naman sila, nakita mo ba ang sarili mo at sasabihin mong walang nangyari sayo" Pagalit na sabi ni Prince, kanina inis lang ito ngayon galit na.

Ayaw niya ang ganitong ugali ng kapatid niya, na sa sobrang bait ng kapatid niya hinahayaan nalang niyang apiin ng kong sino man.

Hindi niya gusto yun, iniingatan at prinoprotektahan niya ito pero hahayaan lang ang ibang basagin at apak-apakan siya.

"Hindi naman sa ganoon, ok lang ako kaya please, ayaw ko nang alalahanin ang nangyari" sabi ni Ella

"Okay? sa lagay na yan ok ka? kung makaiyak ka nga wagas yan ang ok sayo?" Ok aminado ng galit si Prince kaya natakot na ang mga kasamahan nila, ito ang first time na makita nila si Prince na galit na galit.

Oo nakakatakot si Prince pag galit pero iba to. Mas nakakatakot ang mukha ni Prince ngayon. Yung feeling na parang mangangain na siya ng tao o gustong magwala pag hindi sasabihin ni Ella kong ano nga ba ang totoong nangyari.

"Tss, okay lang ako sabi eh, wala namang nangyaring masama sa akin. Look I'm perfectly fine, at tsaka umiyak lang naman ako dahil.." sabi ni Rose, pilit niya paring kinukumbinsi ang kapatid niya. Alam na niya ang mangyayari pag naging ganito na, tiyak na mag hihiganti ito pero hindi naman dahil dun eh.

"Dahil?" tanong ng kanyang mga kasama dahil sa tumigil ito sa pagsasalita. Mas lalo lang kasi silang nalito.

"Dahil sinasayang nila ang harina, itlog at asukal na ipinagbabato nila sa akin,eh hindi ba nila alam na ang mahal mahal ng mga bilihin ngayon at sinasayang lang nila. Sana sinabi nila para hiningi ko nalang sa kanila edi makapag bake sana ako" Sabi ni Ella, tila ba nanghihinayang ang tinig nito.

Tang*na, napamura nalang ang mga kasamahan niya sa sinabi nito.

"Are you out of your mind?" Takang tanong ni Nathan,

"No" Sabi ni Ella, na parang bata na itong umasta. Balik pagka childish na naman ito.

Napa-face palm nalang si Prince, bakit nga ba niya nakalimutan. Si Ella ito, at iba ang takbo ng isip nito. Haystttt.

"HAHAHAHAHA" sabay na napatawa si Ate Joy at si Aimee

"Besh ok ka lang, epekto ba yan sa nangyari sayo?" natatawang tanong ni Aimee, hindi kasi ito makapaniwala sa sinabi ni Rose.

Kahit sino naman ang nandun pag narinig mo ang rason na yun, matatawa sa rason kung bakit ito umiyak.

"Baliw" natatawang sabi ni ate Joy

"Hindi ako baliw, concern lang ako sa perang pinangbili nila don, eh alam ko naman na pinaghirapan ng mga magulang nila ang pera na pinanggasto nila, pero winawaldas lang nila ito at sinasayang"seryosong sabi ni Rose. Makikita mo parin sa mga mata at mukha nito ang panghihinayang.

"Problema mo ba yun!?" Tanong ni Prince na pinipilit na wag ngumiti.

"Oo nga besh, wag kang mag alala mayaman naman sila kaya ok lang yun" sabi ni Aimee

"Hindi. Ang mga magulang lang nila ang mayaman dahil ang mga magulang nila ang naghirap para mag ka pera, umaasa lang naman sila sa perang pinaghirapan ng mga magulang nila." pangatwiran pa ni Rose

"Your Impossible" nasabi nalang ni Nathan

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon