Chapter 2
Third Person Pov
Habang nasa byahe sila papuntang school, wala silang imikan dalawa. Hanggang sa tanaw na nito ang malaki at mataas na paaralan. Malapit palang sila sa gate ng
"Manong, ihinto niyo po muna tong sasakyan" Sabi ni Ella sa driver nito na si Manong Castor
"Ok po Ma'am" sabi ng matanda, tinatawag niya parin ng ma'am at sir ang kanyang amo kahit na sinasabihan na siya ng mga ito na tawagin sila sa kanilang mga pangalan, pero gusto parin ng matanda na yun ang itawag niya dito bilang pagbigay galang at respeto narin sa mga ito.
Sa paghinto ng sasakyan bigla nalang siyang lumapit sa kanyang kapatid na nagtataka kung bakit pinahinto ang sasakyan.
"I love you Kuya, bye" sabi nito at hinalikan sa pisngi ang lalaki, at bigla nalang itong lumabas at tumakbo palayo
"Ella, bumalik ka dito" May galit na sigaw ni Jason at dahil sa pagsigaw niya, napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao, maraming lumapit sa kanya , kaya hindi na tuloy niya nasundan ang kanyang kambal.
"Sorry kuya, kailangan ko tong gawin." Sabi ni Ellaine sa kanyang isip. Sa pag labas niya sa sasakyan at tumakbo nalang siya ng tumakbo dahil alam niyang susundan siya ng mokong na yun. Buti nalang sa pagsigaw niyo ay napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao at lumapit dito. Pero sa kanyang pagtakbo hindi niya na alam kong saan na siya napunta, basta ang alam niya lang papunta siya sa principal office. Buti nalang hindi siya naabotan ni kuya, kundi lagot talaga siya.
Jason Pov
"Omay, siya ba yung anak ng may-ari. Ang gwapo niya"
"Oy babe, hihimatayin ata ako nito"
"Shit, ang gwapo"Yan ang kadalasang naririnig niya ko sa paligid. Lintek ang ingay, nawala na sa paningin ko si Ella. ELLA humanda ka talaga saakin pag nakita kita. Nakaiirita ang mga tao dito ang iingay. Alam ko nang gwapo ako di na nila kailangang isigaw (Wow huh, Yabang). Hrrgggg..ayoko ng maingay
"All of you here, SHUT UP!" sigaw ko sa kanila at tumahimik rin. Kilangan pa talagang sigawan para tumahimik. Tss, nagmamadali akong pumunta sa Principal office, alam kong doon pupunta si Ella.
I'm cold pero madaldal ako sa isip ko.
Alam kong naOA kayo saakin, pero di ko lang talaga gusto na masaktan ang kambal ko. Kahit ikamatay ko gagawin ko para sa kaligtasan niya at siguraduhin kong maproprotektahan ko siya sa mga taong nang-aapi sa kanya. Ganyan ko siya kamahal, mas mahal ko pa siya kisa sa sarili ko. Di ko lang talaga gusto yung idea niya mag neardy look nanaman ito. Hanggang dito ba sa pinas gagawin niya parin ito. Hindi ba siya nadala sa nangyari sa states na siyang dahilan kong bakit lumipat sila ng school dito sa pinas. Di ko na talaga alam ang gagawin ko, sigurado pag-aabot to kila mommy, malalagot ako. Wala na naman kasi akong magawa kundi ang suportahan siya dahil alam ko na sa ginagawa niya dito lang siya sasaya. Ayaw lang kasi niya magkaroon ng kaibigan na kinakaibigan lang siya dahil mayaman sila.
Nagkaroon kasi ito dati ng kaibigan, Grade school palang kami nun. Tinuring na namin siyang kaibigan pero hindi namin alam na nililinlang lang kami nito. Hanggang sa nalaman namin na ginamit lang pala niya kami para magkapera sila at muntikan na rin na ibigay si Ella sa mga taong hindi namin kilala kapalit ang malaking halaga ng pera buti nalang naagapan at nailigtas namin si Ella. We are f*ucking 10 years old that time. Kaya wala akong nagawa para protektahan si Ella, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na ngayon magpapalakas ako para maproprotektahan ko siya at maalagaan. Hrrggg, ayoko ng balikan yung nakaraan dahil baka masira ang mood ko. Dahil doon takot na si Ella na magkaroon ng kaibigan. Pero di ko siya masisisi, pati na nga ako, nawalan na nang tiwala sa mga taong nakapaligid sa amin. Kaya kay Ella ko nalang sinasabi ang mga problema ko. Hayyssss...yun ang dahilan kong bakit gustong mag neardy look ni Ella dahil takot na siyang may kakaibigan sa kanya. Pero isang araw doon sa states muntikan na siyang mamatay. Grabe ang natamo niyang mga sugat dahil sa mga bully doon. Ilang araw itong hindi pumasok sa paaralan at hindi lumalabas sa kwarto niya. Grabe ang tindi ng takot na nararamdaman ko sa panahon na yun pero wala akong magagawa dahil kahit ako hindi ko siya malalapitan. Pag may magtangkang lumapit sa kanya, iyak lang siya ng iyak. Naaawa ako sa kanya. Kaya pagtulog na ito ko siya malalapitan. Araw araw itong binabangungot. Awang awa na ako sa kanya pero wala akong magawa..Kung sana nandoon lang ako sa tabi niya hindi yun mangyayari sa kanya. Kaya sisiguraduhin ko nalang na ligtas siya, alam ko naman na kahit saan ka magpunta may mga taong kulang sa pansin talaga kaya hindi ko na hahayaan na may manakit pa sa kanya.
Dumating ako sa principal office.
"Ouh, napunta ka dito" Taray na sabi ni Ate Joy, Ate Joy ay ang nakakatandang kapatid namin. Siya ang namamahala ng school na ito upang mapanatili ang kaayosan ng paaralang ito.
"Bawal?" Masungit at walang emosyon kong sagot nito "Akala ko dito pupunta si Ella" sabi ko dito
"What are you talking about? Hindi ba kayo ang magkasama papunta dito, don't tell me? Iniwan mo siya" sabi ni ate nag oover react na naman.
"F*ck ate.."
"Wag kang magmura, baka nakalimutan mo nandito ka sa opisina ko" Masungit na sabi nito
"Oo na, hindi na at di ko siya kayang iwan ate, alam kong alam mo yan. Bigla nalang kasi syang tumakbo at di ko na alam kong saan pumunta" Paliwanag ko dito
" Bakit hindi mo sinundan?" Nakataas kilay na tanong nito
"Susundan ko naman sana siya eh, kaya lang ang daming humarang sa harapan ko"
Shit, kinakabahan na ako. Baby, saan ka ba nagpunta. Pag may nangyaring masama talaga sayo malalagot saakin yung mga humarang kanina. Sh*t Asan kana.
👉👈🙂 Asan na kaya si Ellaine? Saan ito napunta? Napapahamak kaya ito sa unang araw pa lamang? Abangan at Sabay sabay nating subaybayan ang kanilang kwento.
🌻 Don't Forget to Vote, Comment and Share🌻
BINABASA MO ANG
My Over Protective Twin Brother
Fiksi RemajaJason Drek is so protective to his twin sister. He didn't want her to get hurt even if his sister don't like it. It just he didn't want to see her cry. But What will happened when one day, may isang pangyayari na sisira sa relasyon na meron sila? K...