Chapter 4

312 14 0
                                    

Chapter 4

Palapit na sila sa room nila, nauna na si Ellaine este Rose pala papunta sa classroom nila. Rose pala yung gagamitin niyang pangalan dito. Nakasunod lang sa di kalayuan si Jason sa kanya. Kahit kating kati ng sabayan siya ni Jason, nagpupumilit parin itong wag sumabay sa kanya baka iba ang isipin ng mga tao sa paligid niya at maging dahilan para mabully siya. Hindi niya talaga mapigilang kabahan habang papalapit siya sa pintuan ng classroom nila. At ng nasa tapat na siya ng pintuan,

Rose Pov

*tok*tok*tok*

(wag kayo, katok yan ng pinto)

May lumabas na matandang babae, siguro ay ito ang guro namin.

"Yes?" nakataas na kilay nito, ang sama ng tingin saakin. wahhh pinagpawisan na ako, parang terror na guro namin ito, lagot.

"Ammf, Good morning po Ma'am" Bati ko na may halong kaba, wahhh

"Anong kailangan mo? dinidisturbo mo lang ang klase ko, alam mo ba yun?" Galit na saad nito, wahh kuya help me, pero hayysss.. kaya ko to, ginusto ko to kaya harapin mo yan Rose!

"At tsaka hindi ako nag iintertain ng mga, " hindi na tinapos ang sasabihin nito, tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa at tumawa. Tumawa lang rin yung mga kaklase niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Napuno ng tawanan ang buong klase, kahit hindi nito sabihin ng diritsohan alam kong minamaliit at nilalait ako nito, may narinig akong mga bulungan

"Sino ba yan?"

"May bagong mabubully nanaman ba si Jane"

"Nerd nanga, pangit pa"

"Aswang siguro yan"

Nasaktan ako sa mga sinabi nila, pero ok lang, sanay na ako. Ganito naman lage eh, di ko na sila papatulan dahil wala silang alam kong sino ako at kong ano ako. Sakit na yan sa mga Pinoy, ang mapagkutya ng di muna inaalam kong sino ang mga taong nilalait nila. Ng may tumayo na babae at tumingin saakin.

"Miss, mali ata ka ng pinasukan, school ito. Alam mo bang bawal ang mga witch dito? Kung hindi mo alam, umalis kana, hindi ka nababagay dito" sabi nito at lalong nagtawanan ang buong klase

"Pwede ba miss, kung wala kang magawa sa buhay, umalis ka dito baka tumawag pa ako ng security para paalisin ka. Dinidisturbo mo lang ang klase ko, ito lang sasabihin ko, hindi ka nababagay dito kung gusto mong mag-aral dito, mahal ng tuition dito at lalong ang baba ng class mo"sabi ng guro nila na tila minamaliit siya , hindi na siya kumibo, wala na siyang masabi, nasaktan na siya ng husto, ang sarap nilang sumbatan pero wala siyang magagawa ginusto niya ito. Hindi ko to inaakala, akala ko iba dito. Hindi ako mapapansin pero papasok pa nga lang ako kung ano ano na natatanggap ko. Aalis na sana ako dahil sa kahihiyang nararanasan niya ngayon ng

"Miss Martinez, Ganyan mo ba sasalubongin ang mga bago mong estudyante?" Cold na sabi ng isang lalaki sa likuran, walang iba kundi sino pa, edi si kambal

"Prince Jason?" Gulat na sabi ng matandang guro. Takot naman pala to kay kambal eh.

"Ouh? Bat parang gulat ka?" Cold parin na pagkakasabi ni Prince

"Sorry po Prince. Sinasabi ko lang naman sa kanya ang totoo, baka kasi umasa siya sa wala at masaktan lang siya"Sabi nito na masama ang tingin kay Rose

"Baka nakalimutan mo MISS MARTINEZ (all caps lock para dama) Guro ka lang namin dito at wala kang karapatan na sabihin yan sa mga estudyanteng nag-aaral sa paaralan NAMIN, binabayaran ka namin upang magturo, hindi upang mang husga ng kapwa mo" Diing saad ni Prince. Yung subrang cold ng pagkakasabi niya at nakakatakot. Yung parang d mo alam kong gaano ka subrang lalim kong tinig niya, char pinapawala ko lang ang kaba lo.

Alam niyang galit talaga ang kambal niya dahil hindi niya nagustohan ang trato ng mga ito sa sa'kin. Kahit hindi naman ako o iba yung nasa posisyon ko ngayon, ganito at ganito ang gagawin niya. Oo cold man siya pero may puso siyang parang mamon, char na subrang lambot. Totoo naman. Ayaw niya lang talaga ng may nasasaktan at naapi.

Narinig lahat ni Prince ang sinabi ng guro nila, lahat lahat kaya. Kaya kumukolo ang dugo niya, dahil hindi niya ito magustuhan.  Kong hindi lang talaga tanga ang kambal niya edi sana hindi siya ganito kong laitin. Kung pwede lang rin na sabihin na itong nilalait nila ay ang may ari ng paaralang ito pero alam niyang hindi yun magugustuhan ni Ellaine.

"Baka gusto mong tanggalan kita ng trabaho, kung tutuusin labag kana sa patakaran ng paaralang ito"dismayadong saad ni Prince

"Sorry po Prince, hindi napo mauulit, wag mo sana akong tanggalan ng trabaho, ito lang kasi ang tanging bumubuhay sa pamilya ko" Nagmamakaawang sabi ng guro

"Hindi ka dapat saakin humingi ng tawad kung hindi sa KANYA" walang ganang sabi ni Prince

"SORRY na miss sa mga sinabi ko sayo" Bored na sabi ng guro. Anong klaseng guro ba ito. Tanong ni Prince sa isip niya.

"Ayusin mo" Sigaw ni Prince at dahil sa pagsigaw ni Prince nataranta na ang guro, takot na takot na sa pagsigaw ni Prince.

👉👈🙂 Omay, galit na si Prince. Matatanggal kaya yung walang yang guro na yun?

🙆 Dito muna, have a nice day. Biyernes na naman, saulian na ng mga modules at panibagong modules na naman. Ano kaya paba? Pero laban lang ta aning dapita.

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon