Chapter 6

287 6 0
                                    

Chapter 6

Pagpasok ni Rose sa loob, tumahimik ang lahat, pero ramdam niyang maraming masasamang tingin ang natanggap niya, ikaw ba naman ang ipagtanggol ng MAY ARI ng school, tas parang siya pa ang may ganang magalit nito dahil sa pag tatanggol nila.

Matapos niyang magpakilala ay lumakad na siya papunta sa isang upuan na bakanti sa tabi ni Prince. Nasa tabi ng bintana si Prince kaya siya ang next nito, parang walang may balak tumabi dito dahil narin sa masamang mood nito ngayon. Malapit na sana siya ng may isang paa na bigla nalang hinarang sa harapan niya kaya huli na para makaiwas siya. Madadapa na siya kaya pumikit nalang siya at hinintay ang pagbaksak niya. Pero ilang sigundong paghihintay nagtataka siya kong bakit ay hindi siya bumagsak. May mga kamay siyang naramdaman na sumalo sa kanya para hindi siya babagsak sa sahig.

"Thank you" bulong niya, sapat na para marinig ng taong sumalo sa kanya, kahit hindi niya kilala kong sino ito kasi hindi niya tinignan kong sino ito

"Tss. Next time be careful. Tsaka tignan mo ang dadaanan mo" Bulong nito sa kanya, kahit hindi niya makita kong sino yon alam na niya kung sino, walang iba kung di ang kanyang kambal, kahit na nagtataka siya kong paano ito nakapunta sa kinalalagyan niya ngayon, hindi niya maiwasang mapangiti

"Why did you do that?" Sigaw nito sa babaeng nagharang ng paa para sana siyay madapa, inalalayan siya ni Prince para tumayo ng matuwid.

"Ammf. Sorry po Prince hindi ko po sinasadya" sabi ng babae sabay irap kay Rose

"Tss. Papalampasin ko ang ginawa mo sa kanya, Pero ito ang tandaan niyo (tumingin siya sa lahat as in sa lahat pati na ang guro nila na si Ms. Martinez) Wag na wag niyo siyang sasaktan dahil pag nalaman kong may mangyari sa kanyang masama, wag na kayong magpapakita sa akin" diing sabi nito at bumalik sa upuan niya at isinubsub niya lang ang mukha sa upuan.

Ang mga kaklase naman niya ay nag-iwas ng tingin, at ang guro nila ay nagpatuloy na sa pagtuturo pero may nahagilap ang mata niya, isang babaeng parang clown na ang mukha sa kapal ng make up na nakatingin sa kanya. Nag irap ito sa kanya at masamang nakatingin sa kanya, hindi niya nalang ito pinansin at umupo na sa tabi ni Prince

Recess na. Kakatapos lang ng dalawang oras ni Ms. Martinez. Nagsi labas na ang kanilang mga kaklase habang siya ay nakaupo lang sa kanyang upuan. Wala siyang balak na lumabas. May kukunting tao pa naman siyang kasama ang kanyang mga katabi. Ang kuya niya at ang katabi sa left side niya.

"Hi" bati ng kanyang katabi yung nasa left side nakatungo pa kasi sa upuan ang kanyang kuya parang natutulog ito

"Hello" Nahihiyang sagot nito

"I'm Julie Aimee nga pala" masayang pagpakilala nito, kahit naiilang siya sinagot niya ito kasi ayaw niyang mapahiya ang babaw

"Rose nga pala" nahihiya paring sabi niya

"Alam ko. Nagpakilala ka kasi kanina, hahaha" Natatawang sabi nito, baliw ba to?

"ah ok"sagot nalang niya, iniisip nalang niya kilan ba ito aalis dahil na iilang na siya. Hindi siya sanay

"Ammf, Rose" parang nahihiyang sabi ni Aimee

"Bakit?" nagtatakang sagot nito

"Paano ko ba ito sasabihin" Bulong nito pero narinig parin niya tss "Ammf. Pwede ba kitang maging kaibigan" mahinhin nitong sabi, eh? Seryoso ako gusto niyang maging kaibigan?

"Bakit naman?" Tanong niya

"Ammf, Ano kasi?" Aime

"Ano?" Rose

"Wala kasi akong kaibigan dito na babae" sabi nito habang nakayoko, awit pinag tritripan lang ata ako ng babaeng to

"Weah, di nga" hindi makapaniwalang sabi ni Rose.

" Promise, hindi ako nagsisinungaling, kaya Please Can you be my friend?" tanong nito habang nag puppy eyes, ang Cute niya pero mas cute parin ako

"Bakit ako" tanong niya sa sarili niya pero hindi niya alam na nasabi niya ito ng malakas

"Dahil alam kong hindi ka tulad nila, na makikipag kaibigan lang sakin para mapalapit sa dalawang to" sabay turo sa kanyang kuya at sa lalaking nasa tabi niya, hindi niya namalayang may lalaki pala sa tabi nito at tulad rin ng kuya parang natutulog

"Ayaw ko ng ganoon, at tsaka yung iba ay ilag saakin dahil nga kaibigan ko tong dalawa. Takot kasi sila sa dalawang to dahil sa cold treatment nito sa mga tao, dami ring naiingit saakin dahil sa akin lang sila mabait at lage nila akong ipinagtatangol sa mga taong bully, kaya mahal na mahal ko silang dalawa dahil kahit kailan hindi nila ako iniwan" wow, sweet naman pero akala ko sakin lang, tinignan niya ng masama ang katabi niyang natutulog. Akala ko sakin kalang mabait, nagkakamali pala ako.

"Kaya minsan nakakasawa ako lang ang babae sa grupo, haha, kaya gusto kong makipagkaibigan sayo to try something new, alam ko naman kasi na hindi ka tulad ng iba dyan, at tsaka wag kang mag alala mabait yang dalawang yan, At pagpasinsiyahan mo na itong si Jason huh, sa ginawa niyang pagsigaw at pagiging rude sa ibang tao, ganyan lang kasi siya ayaw niyang may inaapi dito sa school pero promise mabait yan kahit cold" mahabang sabi nito , napatawa naman siya , sa isip niya siya pala si Aime at kung hindi siya nagkakamali ang lalaking katabi nito ay si Nathan. Di ko na pala kailangan mag selos kasi minsan na silang ikinukuwento ng kuya ko saakin.

👉👈😣 Sana all, may tagapag tanggol diba? At tsaka I hope you guys enjoy reading. I know wala pa akong readers pero ayos lang. Hindi naman ako sumusulat for fame. Pang stress reliever ko lang to

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon