Chapter 3

320 14 0
                                    

Chapter 3

"Tawagan mo!" Sabi ni ate "Ano ba yan, bat mo kasi hinayaan" Halata sa mukha nito ang pag-alala.

"Hindi ko naman siya hinahayaan, alam mo yun. Bigla lang kasi syang tumakbo"sagot ko rito

"Nako lagot tayo nila mommy pag napahamak siya, madami pa namang bully dito" Sabi niya

"Shit" bulalas ko ng may pangambang nararamdaman "Ate, hanapin natin siya dali, lagot baka mabully siya" kinakabahang na ako

"Huminahon kanga, walang mangyaring masama sa kanya, wari nalang kong" saad nito na napatitig sa kanya "Ganoon parin siya, tulad noon"may diing saad nito sa kanya. Hindi na mapakali si Jason "And base on your action and expression, it means yes, right?" Pangungumperma nito.

"Oo na Ate, wala akong choice, alam mo naman na kahinaan ko ang paglalambing nya, at ayokong nasasaktan siya"sagot nito

"Shit, oo alam ko, ayoko rin na masaktan siya pero sa ginagawa niyang yan baka mas malala pa ang mangyari, hrggg, ang tigas talaga ng ulo ng bunso natin, saan ba nagmana yun" Sabi ni ate, mukhang stress na mas lalong pumangit. "Tara hanapin na natin baka napahamak na siya" Humakbang na itong lalabas ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na babae.

Third Person's POV

"H-hi" utal na sabi ng babae sa dalawang tao sa harapan niya. Kinakabahan ang babae ng makita niya ang lalaking pinakaiiwasan niya dahil alam nito na galit ito sa kanya, pero nawala ang pangamba niya ng dambahin siya ng yakap nito.

"God, akala ko kung napano kana, bigla kang tumakbo, wag mo nang ulitin yun, huh" malambing na sabi nito, makikita mo talaga sa mukha nito na puno ng pag-alala.

"Hmmm, kuya di na ako makahinga" Sabi nito, kaya lumuwag na ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki

"Bakit kaba bigla-bigla nalang tumatakbo huh? Pano nalang kung nabully ka? di ka ba nag-iisip, iniwan mo pa ako doon, pano kita maproprotektahan kung sakasakali" Hindi parin nawawala ang pag-alala sa boses ni Jason

"Sorry na kuya, ano nalang ang isipin ng iba pag sumabay akong bumaba sayo, na may nerd kang kasama at talagang pinasakay pa sa kotse mo. I don't want them to judge you, wag kanang mag-alala, kaya ko ang sarili ko, hindi ko na hahayaan na mangyari ulit yun saakin, nadala na ako, pagod na akong masaktan at mas lalong pagod na akong umiyak" sabi ni Ellaine habang yakap parin nito si Jason. Mas humigpit ulit ang yakap ni Jason sa kakambal niya.

"Please kuya, alam ko ang ginagawa ko, hayaan niyo muna ako, please" at nagpapacute na saad ni Ellaine

"Oo na, wala na akong magagawa eh. Basta mag iingat ka, tumawag kalang saakin pag may masamang mangyayari huh" Sabi ni Jason "Saan ka ba pumunta bakit ang tagal mong dumating dito" dagdag nito na may kunting inis sa kanyang tinig

"Dyan lang, naligaw kasi ako kaya medyo natagalan ako ng dating" Mahinang sabi ni Ellaine habang nakatungo , alam kasi nito na may dalawang mata na masamang nakatingin sa kanya. In one, two, three

"Princess Ellaine Rose Smith" Galit na saad nito na walang emosyong pinapakita

"wahhh, Hi Ate" Bati nito, at nagtago sa likod ni Jason. Alam niya ang mangyayari sa likod ng walang emosyong pinapakita ng kapatid niya. Isa lang ibig sabihin nun, matakot kana.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo huh? Pano pag nalaman to nila mommy, pati kami madadamay"

"Ate, please di ko pa kaya na magpakilala sa harap nila bilang hrggg, Alam niyo na yun" sabi ko

"Tss, Oo na. At bat ba di rin kita matiis. Tsk, wag kanang magtago diyan sa kuya, hindi naman ako galit, basta alagaan mo lang sarili mo, ok na kami" masayang saad nito

"Salamat ate" sabi ni Ella at lumapit sa kanyang kapatid at yumakap dito

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito at niyakap din pabalik ni Mae si Ella

"Pwede po bang gawin niyong Rose Marquez yung name ko?" Kumalas sa yakap si Ella.

"Hmmmm, pwede naman at kung yan ang gusto mo" sabi nito

"Yeahhhhh, thank you ate, Love you😘" at humalik sa kanya si Ellaine

"I love you too, Princess. Everything that makes you happy, gagawin namin" Sabi nito.

"Punta na kayo sa room niyo, baka ma late kayo"

"cge ate, salamat bye!"

Pinapa una ni Ella si Jason na lumakad papuntang room nila. Baka kasi iba isipin ng mga tao pag nag sabay sila. At isa lang ang masasabi ni Ella. Ang swerte niya dahil may mga kapatid siyang maintindihin. Kahit ano man ang gusto niya ay sinusunod nila kahit labag ito sa rules ng pamilya nila.

👉👈🙆 Sana may kapatid din ako tulad ni Ella.

🌻🌻 Don't forget to Vote, Comment and Share 🌻🌻

My Over Protective Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon