6: Marjun Angelou dela Cruz

253 6 0
                                    

"She is happy"

Minsan may mga pangyayari talaga sa buhay natin na mahirap kalimutan. Kahit anong gawin mong pagtakas ay pilit ka pa rin nitong hahabulin. Hahanapin ka hanggang sa dumating ang pagkakataong hindi ka na makalabas sa katotohanan.


Limang taon kong pilit ibinaon ang nag-iisang parte ng aking pagkatao ang pangyayaring 'yun sa buhay ko. Limang taon akong nagtiis at pinarusahan ang sarili dahil sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Hinanap ko siya noong una pero hindi ko siya makita. Minsan kasi mahirap hanapin ang mga taong hindi naman nawala kundi nagtatago lang.


Matagal na siyang nakatago rito sa puso ko. Kahit anong gawin kong paraan para mawala na siya sa puso't isipan ay hindi ko pa rin magawa. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan.


Napangiti ako ng kaunti. Paano ko nga ba siya kakalimutan kung sa bawat pagpikit ko ay mukha pa rin niya ang naiisip ko?


Bakla ako sigurado ako don. Pero hanggang ngayon may nag-iisang babae talaga sa buhay kong ito na gumugulo pa rin sa pagkatao ko. Walang iba kundi ang asawa ko.


Oo, ikinasal na ako noon. Ilan lang sa pamilya at kakilala namin ang may alam kasi ang bata ko pa nang mangyari 'yun. It was a fixed marriage because it was arraged by my abuelo. Pero ang kasalan palang iyon ang siyang magiging mitya ng matinding trahedya sa pamilya namin.


Too much to my surprises, it made me lose myself. Kahit bakla ako ay nagawa ko pa rin siyang mahalin ng wagas at totoo.

But it also made my brother Miguel dela Cruz kill himself. That change everything in us, and I lose her because of it.


Siguro matatawa lang ang iba kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Paanong ang isang baklang katulad ko ay ikinasal na pala at nagkagusto sa isang babae? Paano nangyaring may minahal akong isang babae?


Siguradong magugulat talaga si Ivan kapag nalaman niya ito. Pero simula nang makita ko siya noong araw nang interview ko ay bumalik lahat sa akin.


Akala ko naging bato na ako sa lahat ng aking nararamdaman sa kanya. Akala ko sa loob ng limang taon ay nakalimutan ko na siya. But I was indenial all this time. It made me look like a fool, and I was just fooling myself.


Paano ko siya makakalimutan? Paano ko makakalimutan ang babaeng ito?


Kasalukuyan ako ngayong nandito sa Malaysia. Nasa napakalaking arena ako dito sa Kuala Lumpur at nanonood ng football game niya.


Mapait akong ngumiti habang tanaw siya sa malayo. I was relieved knowing she made her dreams come true even without me.


Masyado akong tutok sa mga negosyo namin sa America at hindi ko napagtuunan ng pansin ang pagpapahanap sa kanya. Nitong huli lang ako nakabalik at nalaman ko mula sa aking source ay sikat na pala siya sa Pilipinas. Nakilala siya dahil sa sports niya.


Nakapasa na rin pala siya sa board sa kursong Civil engeneering. Nasa isang high paying construction firm na siya nagtatrabaho. At the same time professional athlete na rin siya sa sports na soccer or football.


Naging parte siya ng National Team at heto nga nanonood ako ng personal sa isa sa mga International games niya.


Natupad na halos lahat ng mga pangarap niya sa buhay at heto ako hindi pa rin alam paano siya haharapin. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya noon.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon