36: Mikaela Santillan

102 4 0
                                    

" ikaw pa rin hanggang sa huli"

Napagdesisyunan kong manatili muna ng ilang araw bago tuluyang umalis sa islang ito. Hihintayin ko munang gumaling ang sugat niya. Siguro tama na iyong dahilan kung bakit nag-aalangan akong umalis ngayon.

Hindi ko alam siguro nakokonsensya lang ako dahil ako ang may gawa nun sa kanya. Tama yun nga ang dahilan at wala ng iba pa.

Nagising ako ng maaga ngayong araw na ito. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kung mananatili pa ba ako ngayong araw na ito o aalis na.

Agad kong hinanap kung nasaan si Mico. Sa pagkakaalam ko ay on leave muna siya dahil nga sa kalagayan niya. Kaya alam kong nasa bahay lang siya ngayon.

Nakita ko siyang nasa labas ng bahay at nakaupo sa may mahabang upuan. Tahimik lang siyang nakatanaw sa malaking dagat.

Kung titingnan siya animo napakalungkot niya talagang tao. Ngayon lang ba siya naging ganito dahil sa ginawa ko o dati na talaga siyang ganito at ngayon ko lang napansin dahil nga kinamumuhian ko siya noong una.

Hmm, Mika. Bakit ngayon ba hindi ka na galit sa kanya?

Masyado ka ba talagang nakonsensya ng husto sa ginawa mo sa kanya kaya kinalimutan mo na ngayon ang ginawang pagtatraydor niya sayo?

This man can't be trusted Mika. This man is emotionally unstable. Alam mo ba iyon? Kaya hangga't hindi pa siya bumabalik sa pagiging isang halimaw ay umalis ka na sa lalong madaling panahon!

Napailing naman ako dahil hanggang ngayon ang gulo pa rin talaga ng isip ko. Napabuntong hininga ako at lumapit na sa kanya. Umupo ako sa tabi niya.

" Aalis ka na ba ngayon?"

Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan talaga ako sa kalungkutang ipinapakita niya ngayon. Malulungkot ba siya talaga kapag umalis ako sa islang ito?

" Hindi na muna. Hihintayin ko nalang na gumaling iyang sugat mo. Para hindi naman ako makonsensya ng ganun sa ginawa ko sa iyo."

Hindi ko alam kung tama ba itong nakikita ko sa kanya. Bigla kasing gumaan ang mukha niya nang sabihin ko iyon sa kanya.

" Alam mo bang isang malaking pagkakamali ang desisyon mong iyan Mika."

Napanganga naman ako mula sa narinig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit umiba na naman ang aura nito ngayon. Bigla nalang kasing naging malamig ang kanyang mga tingin sa akin.

May nasabi ba akong mali?

Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinalik ulit ang tingin sa dagat.

" Kung ako sa iyo umalis ka na hangga't kaya ko pang tiisin na hindi ka makita ngayon. You want your freedom, right? Umalis ka na Mika."

Wala akong masabi mula sa narinig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit na fefeel kong parang ipinagtatabuyan na niya ako.

Ito na ba iyong feeling na binabasura na niya ako? Ayaw na ba niya sa akin? Ganito ba iyong feeling ng mga babaeng pinagsawaan na niya?

Hindi ko alam pero nahihiya ako sa sarili kung bakit naisipan ko pang manatili sa tabi niya ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot isipin na umabot na ako sa ganoong point na sawa na siyang paglaruan ako.

Ha? Mika? Talaga lang ha?

Nasa tamang pag-iisip ka ba ngayon? Bakit mo yan nararamdaman?

Na-addict ka na ba sa kanyang pagiging possessive? Gusto mo na ba talagang makulong dito habang buhay kasama siya? Paano na ang mga pangarap mo?

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon