33: Mico Saavedra

143 4 0
                                    

" Miguel dela Cruz"

Anong ginawa ko?

Alam kong masama talaga ako magalit pero hindi ko akalain na mawawalan ako sa kontrol kanina.

Dahan-dahan akong umalis sa tabi niya at tiningnan siyang mabuti.

" Mika..

Hindi ko alam anong sasabihin sa kanya. Hindi ko alam..

" Mika..

Pero hindi siya sumagot.

" Mika...

Hindi siya makatingin sa akin.

I see her sleeping already.

Napatingin ako sa namumula niyang leeg at napapikit ng husto dahil hindi matanggap ang kagaspangang nagawa kanina.

Mabilis ang ginawa kong pagbangon at agad na pumunta ng banyo. Mabilis ang ginawa kong pagpaandar ng shower at doon ibinuhos ang lahat ng galit sa sarili.

Shit! Shit!

Shit! Miguel!

Anong ginawa mo sa kanya? Bakit mo iyon ginawa sa kanya?

Mas lalo mo lang pinatunayan sa sarili mo kung gaano ka kasamang tao!

Sinuntok ko ang pader ng banyo habang walang tigil ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Kahit ano pa ang gawin kong paglunod sa lakas ng tubig hindi pa rin maaalis nun ang lahat ng ginawa ko sa kanya.

Hindi ko akalain na magagawa ko iyon talaga. Pero nagawa ko na. Ipinakita ko na sa kanya kung anong klaseng halimaw ako.

Bakit ba ako umabot sa puntong magalit sa kanya ng husto?

Masakit ba tanggapin na tama siya sa lahat ng sinabi sa'yo, Miguel?

' I'm sorry.. I'm sorry'

Nang makalabas ng banyo, nakita ko si Mika na mahimbing na natutulog. Mabilis ang ginawa kong paglapit sa kanya.

" Mika. ."

Pero nang mapansin na napakalalim ng tulog niya dahil sa sobrang pagod ay binitawan ko na siya. Kinuha ko iyong kumot at nilagay ito sa kanya.

May nakita akong ilang butil ng luha na lumandas sa kanyang mga pisngi.

Napapikit naman ako ng mariin dahil sa nakikita.

Dahil sa ginawa ko sa kanya..sigurado akong kamumuhian pa niya ako ng husto ngayon.

Mabilis ang ginawa kong paglabas ng kwarto niya at nagbihis para pumasok agad sa resort. Alam ko masyado pa itong maaga para sa duty ko pero gusto ko lang makalayo sa kanya.

Hindi ko alam anong gagawin.

Ganun ka na ba talaga ka sama Miguel, na ang isang walang kamuwang-muwang na babae ay tratuhin mo ng ganyan?

Hindi ko alam kung paano makawala sa lahat ng pagsisisi ng aking diwa. Hindi ko alam kung paano haharapin muli si Mika lalo na sa mga nagawa ko sa kanya.

" Ang aga mo yata, Mico."

Nakita ko si Nick na bumaba mula sa kwarto niya. Naka roba lang siya. Mukhang hindi pa ito natutulog. Nandito ako sa labas ng guest house niya. Nasa harap ko ang napakalaking infinity pool.

" Bakit hindi ka pa natutulog?"

Tumabi siya sa akin ng upo at kumuha na rin ng maiinom sa lamesa. Sinabayan niya ako sa pag-inom.

" Anong nangyari sa mukha mo? Parang kinalmot ng pusa ah. Napakalaking pusa."

Makahulugan siyang ngumiti sa akin pero hindi ko magawang patulan ang mga ngiti niya.

" You're losing yourself again Mico for a girl."

Masama ko siyang tiningnan mula sa sinabi pero hindi ko magawang magsalita o umangal man lang dito. Alam kong tama siya sa sinasabi.

" Hindi ako nagkulang sa paalala sayo Mico. Alam mong kailangan na natin siyang ibalik kay Julio."

Napahigpit ang hawak ko sa aking baso. Tumigas bigla ang panga ko.

" Pero mukhang wala ka ng planong gawin yun."

Nakikita ko mula sa repleksyon sa pool ang pag-iling niya.

" Kahit anong gawin mong pagtatago at pagbabago ng buhay..hinding hindi ka pa rin makakawala sa dati mong sarili..Miguel dela Cruz."

" Alam mo yun Nick..sinubukan ko naman na kalimutan ang nakaraan pero biglang dumating ang babaeng yan.."

Bago ipagpatuloy ang sasabihin ay lumagok muna ako ng alak.

" Akala ko matatakasan ko siya pero kusa siyang dumating sa bagong buhay kong ito, Nick. At hindi ko alam anong gagawin sa kanya..dahil ang totoo ..ayoko siyang pakawalan Nick."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nick mula sa sinabi ko.

" Sinong mag-aakala na magkikita at magkakakilala kayo sa ganitong sitwasyon. Tsk. Poor Julio. He is crazy looking for her daughter not knowing that she's with her dead fiancé now."

Wala akong masabi sa mga narinig sa kanya. Gustong gusto ko ng lunurin ang sarili sa alak upang makalimutan ang lahat ng nangyari.

" Ibalik mo na siya Miguel. Gawin mo na yun as soon as possible. Kapag nangyari yun ay nakahanda na ang lahat at aalis tayo agad sa bansang ito. Paniguradong hindi tayo patatahimikin ni Julio kapag nalaman niya ang ginawa mo sa nag-iisang anak niyang babae."

Napapikit ako ng mariin sa mga sinabi niya.

" Kapag ipinagpatuloy mo pa ito..parang binigyan mo lang ng pagkakataong mabuhay muli si Miguel dela Cruz. This scandal will surely shock your family. If the world knows what you've done..malaking gulo ito Miguel lalo na sa mga Santillan."

Pero kahit ano pang sabihin ni Nichol, wala pa rin sa isip ko ang gawin ang lahat ng sinabi niya.

Ayoko.

Ayokong bumalik sa dati kong pagkatao..

Pero..

Pero ayoko ring ibalik si Mika sa kanyang papa.

Pero anong gagawin ko kung alam kong si Mika ang siyang susi sa totoo kong pagkatao.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon