47: Abbygail Monteclaro

145 4 0
                                    

" The same love"

Katatapos lang ng photoshoot ko at nasa school palang si Me-an. Andito ako ngayon sa pool namin. Nagsasun bathing. Isa ito sa pinaka na miss ko talaga sa bahay na ito. Ang magbilad sa araw dito sa likod ng aming bahay.

"The audacity to do that here in this house."

Napadilat ako at napagsino ang lumapit. Nakita ko si Ivan na inis na nakatingin sa akin. Naka two-piece bikini ako ngayon.

Tinanggal ko ang shades at nginitian siya.

" Oh hey there. Anong kailangan mo?"

Matalim lang siyang tumitig sa akin.

Napangiti naman ako. Well, hindi ko siya masisisi. He expected na masosolo ulit niya si Jun sa America dahil akala niya annul na talaga kami.

Tsk. The audacity of this one to think that I will let that happen.

Nitong nakaraang araw mula nang maghiwalay kami ni Jeff at matanggap ang annulment papers namin ni Jun ay may malaki akong narealize.

I maybe hate Jun for what he did to us way back before, but I can't undeniably hide the fact that I still and do love him

Despite for whatever it takes, the truth keeps on haunting me all this time. Kaya kahit may mga pangamba pa rin dito sa puso ko ay ayun nga napagdesisyunan ko na bumalik sa kanya rito.

Trying to fix this marriage and trying to start all over again with him.

But his bisexual secretary who obviously is head over heels over him and is so madly inlove with him is here trying to torment me again.

" Do you think you can lure Angelou again? Kung ano man ang mga pinaplano mo ngayon, binabalaan kita. Tigilan mo na. Kung plano mong saktan na naman si Jun, ako ang makakalaban mo."

Nawala yung ngiti ko sa kanya. Sumeryoso ako ng tingin sa kanya.

" Kung ano man ang nasa isip mo, sinasabi ko sa iyo wala kang karapatan na manghimasok sa amin. Dahil sa simula't sapol palang secretarya ka lang niya at ako ang asawa."

Tumayo na ako at kinuha na ang roba ko. Sinuot ko ito at nilagpasan siya.

" Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi na maibabalik ang lahat sa dati. Na hindi mo siya mapapatawad. Bakit ngayon andito ka? Dahil ba iniwan ka ng kabit mo?"

Nagpanting yata ang tenga ko don. Inis akong humarap sa kanya. Malamig ko siyang tiningnan.

" Jun is my friend. He is so important to me. I love him more than you think I can. Ako ang nandyan sa kanya nang mga panahong iniwan mo siya habang nagpapakasarap ka sa mga lalaki mo!"

Ngumiti ako ng mapait sa kanya. The nerve. Ang kapal ng mukha niya na sabihin yan sa akin.

" Do you think I do not know you? Hindi mo naman talaga siya mahal! Fixed marriage lang yun sa inyo. Bakla siya at hindi ako naniniwalang minahal mo talaga siya! Wala kang ibang ginawa kundi ang saktan lang siya at pahirapan! "

"Tapos ngayon? Ano? Babalik ka na parang ganun lang kadali ang lahat? Ang kapal ng mukha mo! Bakit? Dahil wala na kayo ng kalaguyo mo at ngayon babalik ka na sa kanya? Hindi nga ako nagkamali. Ang mga katulad mo na anak sa labas at..

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila minamaliit pa.

"You are just a gold digger bitch who enjoy toying people because it serves to your interest."

Napataas ako ng kilay sa kanya. I smirk at him.

Lumapit ako sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla ko siyang niyakap. I mean hinawakan ko ang ulo niya at inilapit ang bibig ko sa tenga niya.

" Alam mo bang hindi lang ikaw ang unang taong nangmaliit sa akin? Do you think you know everything just because you're with him all these years?"

Lumayo ako bahagya sa kanya at tiningnan siya sa mga mata.

"Do you think just because you claim that you love him gives you the right to assume that I don't love him? "

" Wag kang mag-alala. Naiintindihan kita. That love you feel right now is the same love that I feel for him before..and even until now. You just don't know what it takes in me just to forget him. You just don't know."

Alam kong natigilan siya sa mga sinabi ko sa kanya. Pero sa pagkakataong ito ay wala na akong pakialam pa sa mga sasabihin ng ibang tao. Basta ang alam ko ayoko ng tumakbo. Ayoko ng magtago. Ayoko ng magsinungaling.

Ang alam ko lang gusto ko ng bumalik.

Pagtalikod ko sa kanya ay nakita ko si Jun. Nagtataka ang reaksyon niya sa nasaksihan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy nalang sa pagpasok ng bahay.

" Anong nangyari, Abby?"

Hindi ko siya sinagot bagkus nagtuloy-tuloy lang ako sa taas.

Ilang sandali pa nang matapos akong mag-shower at makapagbihis ay sumunod na sa akin si Jun dito sa kwarto.

" Pasensya ka na kay Ivan. Minsan kasi overprotective lang siya sa akin."

Napangiti naman ako ng mapakla sa kanya.

" Good for you. You have someone like him all these years comforting you while me is suffering enough from your foolish decisions. Good for you. You have him while I was all alone on that time bearing everything the consequences of my actions. Good for you, you're with him while I am suffering for the loss of our children."

Nakita ko siyang napaawang ang bibig dahil sa gulat sa mga nasabi ko.

" Abbygail...

" Pasensya ka na Jun. I am trying here to forget everything, but whenever I see you..I still ..

Hindi ko na maituloy ang sasabihin pa. Bumuntong hininga nalang ako. Maybe all these coming back thing is not the best decision at all.

Hanggang ngayon ang hirap pa rin ibalik sa dati ang lahat. Kung alam mong matagal ng may lamat ang relasyon niyo.

Hindi na siguro maaayos ito. Mali na bumalik pa ako. Kasi hanggang ngayon sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko lang ang lahat.

Pero alam ko sa sarili na gusto ko rin itong ginawa ko. Gusto ko na talagang bumalik sa kanya dahil ang totoo mawasak man ako ng ilang beses, siya at siya pa rin ang mamahalin ko.

" I know ..hindi magiging ganun kadali ang lahat na ibalik sa dati. Pero kahit hindi mo ako mapatawad basta manatili ka lang sa tabi ko ay sapat na iyon para sa akin."

Wala akong masabi sa mga narinig sa kanya.

" Wag kang mag-alala. Titiisin ko kahit gano pa kasakit iyon. I am so sorry for giving you up on that time. Pangako hinding-hindi na iyon mauulit kahit ano pa ang mangyari."

Tumango lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kung makakaya ba namin ito. Matapos ang lahat nang napagdaanan namin. Alam ko hindi talaga magiging ganun kadali ang lahat.

Sana..isang araw mahanap ko na rito sa puso ang kapatawaran para sa kanya.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon