24: Mikaela Santillan

146 5 0
                                    

" Sudden blackmail"


Katatapos ko lang mag work out sa kwarto ko. Mukhang maganda naman iyong panahon kaya tatambay muna ako sa may dalampasigan pero hindi na ako lalayo. Baka maulit na naman kasi ang nangyari noong isang buwan.

Ilang linggo rin akong hindi umapak malapit sa dagat at ni tingnan ito mula sa malayo ay nagdudulot pa rin iyon ng kakaibang kaba sa akin. Mukhang na trauma na talaga ako sa nangyari.

Sino ba naman kasi ang hindi matutrauma kung muntik ka ng mamatay sa nangyari? Haysst. Ang tigas kasi ng ulo mo Mika.

Natuto na talaga ako. Simula nang mangyari yun ay sinusunod ko na ang mga sinasabi sa akin ni Miko.

" Halika na Mika, kakain na tayo."

Ang nanay ni Mico. Naka-duty pa kasi si Mico. Mukhang umaga na iyon kung uuwi. Sa mga panahon kasi na ito lalo na kapag summer ay maraming pupunta sa resort. Pick season na naman kaya busy ang mga restaurant ng buong resort.

Kung hindi lang talaga ipinagbabawal ni Mico ay ang sarap talaga bumalik doon. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang ganda ng lugar. Bilib na rin ako sa Nick na iyon. Paano niya naisip na magtayo ng isang resort sa kambal na islang ito?

Ang galing ng ideya niya.

Teka, Mikaela? Kailan ka pa nagka-interes sa mga ganyang klase na negosyo?

Tumayo na ako at pumasok na sa loob ng bahay. Kahit kailan ang sarap talaga ng mga luto ng nanay ni Mico. Mukhang alam ko na ngayon kung saan ito nagmana.

Pero di ba sabi niya sa akin na hindi niya mga totoong magulang sina nanay Taling at tatay Imer?

Natahimik naman ako bigla nang maisip na oo nga pala, hanggang ngayon hindi ko pa rin masyadong kilala si Mico.

Sino ka ba talaga Mico?

Bakit parang may kutob akong katulad ko tumakas ka rin sa totoong buhay mo? Kaya nga ba tinutulungan mo ako dahil magkapareho tayo ng sitwasyon ngayon?

" Mika, hindi ba masarap iyang luto ni nanay Taling mo?"

" Ahh.. nako masarap po. May iniisip lang po ako."

" Ah, ano naman iyon?"

" Ah wala lang po."

" Hmm. .namimiss mo na ba ang mga magulang mo iha? Gusto mo na bang umuwi sa kanila?"

Agad akong napalingon kay nanay Taling mula sa tanong niya. Nako nanay kung alam mo lang po na kaya nga ako andito sa poder niyo ay dahil nagtatago ako sa kanila.

Natapos ang hapunan na iyon na kahit papano matiwasay naman. Hindi na rin nila ako kinulit tanungin tungkol sa pagkatao ko. Nagpapasalamat naman ako at mukhang naintindihan nilang ayoko talagang pag-usapan iyon.

Nasa labas ako ng bahay ngayon at nagpapahangin. Kahit paano sa halos dalawang buwan ko na pananatili rito ay nasanay na ako sa tahimik na buhay dito. Kahit ang hampas ng alon ay tila nagsilbi ng hele para sa akin upang makatulog ng mahimbing tuwing gabi.

Kahit sa kabila ng mga napagdaanan at kinakaharap na mga problema ngayon ay heto ako buhay pa rin at patuloy na kinakaya ang lahat.

" Bakit hindi ka pa natutulog? Hinihintay mo ba ako?"

Nagulat ako sa biglang nagsalita. Si Mico at dumating na pala siya. Napalunok ako nang mapansing mag-isa na naman siyang umuwi.

Simula nang muntik na akong malunod ay ni minsan hindi na siya ulit nagdala ng babae rito.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon