35: Mikaela Santillan

118 3 0
                                    

" Empty Eyes"

" Nasaan pala sila nanay Taling at Tatay Imer? Bakit ikaw ang nagluluto diyan?"

I see him sitting beside the table in the kitchen. Mukhang binabantayan niya ang niluluto kasi nakatunganga lang ito habang tinitingnan ang kumukulong sabaw sa kaldero na nasa gas stove. Hindi ko alam kung nasa niluluto nga ba ang atensyon nito kasi mukhang tulala lang ito at parang nakatitig sa kawalan.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insedenteng iyon. Sa awa ng Diyos wala namang masamang nangyari sa kanya. Mabuti at hindi naman ganun kalalim ang naging sugat niya. Mabuti na lang at agad na dumating si Nick at dinala niya si Mico sa resort upang magamot.

Ngayon mukhang magaling na nga siya at nagluluto na siya ulit.

Nitong nakaraang araw ay naging awkward ang lahat sa aming dalawa. Siguro nang dahil na rin sa mga nangyari sa amin.

I don't know if I can call it even because since then that I attempted to kill him, everything changed in him. He never once forced himself again to me or even try to do it now. Pero hindi pa rin ako dapat makampante kasi baka nag-iipon lang ito ng lakas dahil nga may sugat siya ngayon at baka kapag magaling na ito ay gagawin na naman niya ulit iyon.

Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong kinabahan na baka mangyari ulit iyon at kapag hindi ako makapagpigil ay baka mapatay ko na talaga siya.

" Lumuwas muna sila ng siyudad. May dinalaw lang na kamag-anak. Baka sa susunod na buwan pa ang balik ng mga iyon." He said it to me in a tired voice while still staring at the stove.

Napakurap naman ako bigla. Ano raw iyon? Isang buwan na mawawala ang mga magulang niya?

Hindi ko alam pero mas kinilabutan yata ako malaman iyon.

Tiningnan niya ako at nahalata naman niya na bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit may kalungkutan akong nakikita sa kanya mula sa naging reaksyon ko.

" Kung natatakot ka na baka may gawin na naman akong masama sa iyo. Wag kang mag-alala hindi ko itatago ang mga kutsilyo sa kusinang ito. You can kill me whenever you want to."

I don't know why he is saying it to me with those empty eyes. Ano bang nangyayari sa kanya? Kung dati kapag ganitong tinatakot o pinaglalaruan niya ako ay mahahalata mo ang tuwa sa kanyang mga mata. Bakit ngayon wala na akong makitang kasiyahan sa mga matang iyon?

Ito na ba talaga ang totoo niyang mukha?

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

" Ganun ba? Kung yan ang gusto mo..eh..wala na akong magagawa pa. Binabalaan kita sa oras na may gawin ka na naman na masama sa akin..hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin."

I try to sound it convincing while threatening him. But I end up sounding like a trilled cat who is still afraid to do so.

I saw him smirk from what I said. Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga siya matatakot.

Napalabi siya at bumuntong hininga. Napakunot naman ang noo ko mula sa katamlayang pinakita niya sa akin. Masama pa rin ba ang pakiramdam niya?

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at lumapit sa kanyang mga niluluto.

Nakita kong mukhang nahihirapan siya sa ginagawa. Isang kamay lang kasi ang gamit nito dahil sugatan pa nga ang isa niyang kamay.

" Ako na diyan." Hindi ko alam kung bakit ang hina ng pagkakasabi ko nun sa kanya. Nahihiya ba akong sabihin iyon?

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon