8: Mikaela Santillan

145 6 0
                                    

"A different you"


Ilang linggo nang tulala si Angela mula sa nalamang pagbubuntis niya. Alam ko hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya lalo na sa kalagayan niya.

Mula nang maisugod siya sa hospital at makaligtas sa unos na iyon sa buhay niya ay siniguro ko na talagang hindi na niya uulitin ang nangyari.

Ibenenta ko pa ang mga natitira niyang gamit dito sa bahay upang matustusan ang pang-araw-araw namin. Tinatabihan ko siya sa pagtulog baka kasi magpakamatay na naman siya.

Hindi ko na siya binibigyan ng pera at sinisiguro kong walang alak at sigarilyo siyang makikita sa buong bahay.

Mukhang nakatulong naman yung sitwasyon niya ngayon kasi hindi na rin ito nagmamatigas na gawin ulit ang mga bisyo niya. Mukhang iniisip na nito na may buhay nang nakasalalay sa kanya.

Okay naman ang baby niya at salamat sa Diyos mukhang hindi ito naapektuhan mula sa mga pinagagawa niya.

Bilib din naman ako sa anak niya. Ang tapang. Kung gaano ka hina ang ina ay ganon naman katibay ang anak. Kumakapit pa rin kahit na ang kanyang kinakapitan ay sumusuko na.

" Alam mo Angela, lumaban ka naman. Alalahanin mo ang isang anghel na nasa sinapupunan mo ngayon. Kahit na sa ginawa mo sa katawan mo ay hindi pa rin siya bumitaw. Sana ganon ka rin."

Nakatulala pa rin siyang nakatitig sa kawalan. Sinusuklayan ko siya habang sinasabi 'yun sa kanya.

" Wala ka bang balak bumalik sa inyo Angela? Anong balak mo ngayon? Ipapaalam mo ba ito sa kanyang ama?"

Mukhang nagsisi pa ako sa tinanong sa kanya. Nakita ko kasing tumulo na naman ang kanyang mga luha. Umiiyak na naman ito.

Palagi nalang siyang ganyan.

Haysst. Ang tabil naman kasi ng dila mo Mika.

Ilang buwan pa ang lumipas akala ko wala na talagang pag-asa si Angela na magbago kahit na sa kalagayan niya.

Pero minsan isang araw nagulat nalang ako nang paggising ko wala na siya sa tabi ko. Nag-aalala akong pumunta ng banyo baka kasi ginawa na naman niya iyon.

Kahit na sabog pa ang maikli kong buhok ay mabilis akong lumabas ng kwarto niya. Nakita kong wala ring tao ang sala.

Pumunta ako ng kusina at laking gulat ko nang makita siyang nagluluto.

Hindi ako makapaniwala sa nadatnan. Si Angela ba ito?

Nang mailapag niya ang fried egg at sinangag sa mesa ay maikli siyang ngumiti sa akin.

" Halika Mika. Kain tayo."

Kahit na nagtataka ay agad naman akong tumalima. Maang ko siyang pinagmasdan talaga.

Ano kayang nakain nito? Bakit bigla nalang itong nagbago?

Gusto ko pa sanang magtanong pero mas pinili ko nalang ang kumain. Napadilat pa ako sa aking mga mata. Ang sarap ng niluto niya!

" Angela? Totoo bang nangyayari ito ngayon? Ikaw ba talaga yan?"

Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

" Pwede ba, kumain ka nalang diyan. Wag ka nga ngumiti."

Napangiti na talaga ako lalo dahil sa sinabi niya. Natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Mukhang unti-unti na siyang nagbabago talaga.

" Kurutin mo nga ako. Baka kasi panaginip lang ito."

Pero inirapan lang niya ako. Tahimik lang siyang kumakain.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon