68: Abbygail Monteclaro

193 4 0
                                    

" Revenge"

" Mommy? Saan tayo pupunta?"

Tahimik lang akong nagmaneho at inignora ang kanina pa na mga tanong ni Me-an sa akin. Kaaalis lang namin galing party.

Nakita ko siyang nawawala sa may garden at mukhang hinahanap ang kanyang totoong ina.

Hanggang ngayon kahit hindi ko sinasadya ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip na hindi ko totoong anak si Me-an. Sa dalawang taon na naging guardian niya ako ay tinuring ko na talaga siyang totoong anak.

Alam kong mali na angkinin ko siya na akin at napakamali na maging selfish ako sa kanya pero mas umigting lang ang pagnanais kong makuha siya simula nang malaman ko ang totoo kay Mika.

Pagkauwi ni Mika ay agad ko siyang pinuntahan sa kanila at doon na nga nalaman ni Mike na si Me-an ay ang pamangkin nitong matagal na niyang itinatanong kay Mika kung nasaan.

Halatang nagulat siya sa ipinagtapat ni Mika kung paano kami nagkakilala. Hindi ko na sana nais ipaalam iyon kay Mike pero hindi na talaga mapigilan si Mika sa pagsabi ng totoo.

Nalaman ko rin ang nangyari kay Mika noon. Nalaman ko na nakilala niya pala si Miguel at nagkaanak pa sila.

Napangiti ako ng mapakla sa lahat.

Ang walang hiyang Miguel na 'yun. Kung inaakala niyang makakalusot siya sa nagawang kasalanan ay nagkakamali siya!

Kung akala niya mapapalampas ko ang lahat. Tsk. Anong karapatan niyang magkaroon ng buong pamilya kung napaka-unfair ng lahat ng ginawa niya sa amin ni Jun!?

Ilang araw na kaming nagtatalo ni Jun tungkol sa kuya niya. Ang gusto ko ay putulin na niya ang anumang koneksyon kay Miguel pero ang isa pang walang hiya ay basta lang nito tinanggap ulit si Miguel at pinatawad sa lahat.

Nagsisisi akong bumalik pa ako sa kanya kung hanggang ngayon binabalewala pa rin niya ang nararamdaman ko nang dahil sa kapatid niya.

Alam kong let bygones be bygones, but the hell I care! Kung sa tingin nila ganun lang kadali na tanggapin ko ang lahat na parang wala lang nangyari, tsk. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa lahat!

If he thinks he can have his happy ending with his complete family now, well, I will make sure that will not happen. Gagawin kong bangungot ang maganda niyang panaginip! Wala akong pakialam kung madamay pa rito si Mika. Magbabayad ka Miguel! Magbabayad ka!

Napatingin ako sa cellphone ko sa dashboard. I silence it pero alam kong kanina pa ito tumutunog.

" Mommy..where po tayo—

" Would you please shut up, Me-an!"

Narinig ko siyang biglang napaiyak sa pagsigaw ko sa kanya. Medyo lasing na rin kasi ako at parang nahimasmasan naman ako bigla nang marinig ang pag-iyak niya.

" Shhh.. I'm soryy baby. I'm soryy." Parang maiiyak na naman ako isiping ang gulo-gulo na talaga ng lahat.

Hindi ko alam saan kami pupunta basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay lumayo at makasama siya.

" I want mommy Mika. " Napapikit ako sa sinabi niya.

" She's not your mom! Ako ang totoo mong ina!"

" Noo!!!" Mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa manibela at mas binilisan ang pagmamaneho. Napakalakas ng ulan at madulas na ang daan.

" Mommyyyy....

" I said shut up!!!"

Kahit na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa lakas ng ulan pero mas binilisan ko pa talaga ang pagpapatakbo.

" I want my mom! I want my momm!!"

Huminga ako ng malalim at napaiyak na naman.

Alam ko naman na hindi tama itong ginagawa ko. This is kidnapping. But the hell I care. All these years I suppress myself from trying to be strong. From trying to be good. But I am so fucked up now!

Akala ko kayang hilumin ng panahon ang lahat ng sugat dito sa aking puso. Akala ko kaya ko na talagang pakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga anak ko ay heto ako, bumabalik sa dating kumunoy na kinasasadlakan.

Heto pa'rin ako patuloy na nawawala. Patuloy na nalulunod.

" Mommy...mommyyy...

Tila bingi ako sa mga iyak niya. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagkakaganito.

Pero masisi niyo ba ako kung wala ng ibang ginawa ang mundong ito kundi saktan ako? Kundi kunin lahat sa akin?

" Mommmyy!!!"

" I said shut the fuck up!!" Nilingon ko siya at pinandilatan. Hindi niya inasahan 'yun at imbes na tumahimik sa kakaiyak ay mas lumala pa ang pagngawa niya.

Sumakit lalo ang ulo ko sa ingay niya.

" Me-ann! Please..baby—

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang marinig ang malakas na busena na iyon. Paglingon ko ay napapikit ako bigla sa malakas na sinag ng ilaw na nagmumula sa track na papalapit sa amin.

Sandali akong natigilan at nataranta sa mga pangyayari hanggang sa sabay nalang kaming napasigaw ni Me-an.

Mabilis ang ginawa kong pagyakap kay Me-an upang maprotektahan siya.

Napapikit ako habang hawak ng mahigpit si Me-an. Isang malakas na pagbangga ang narinig ko hanggang sa maramdaman ang matinding sakit na iyon.

Parang may tumama sa aking ulo at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

I never know that my impulsive revenge could turn out this way.

I'm sorry Me-an. I'm so sorry, anak.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon