48: Mikaela Santillan

116 4 0
                                    

"Stay with me"

Katatapos lang ng isinagawang check up sa akin ng OB ko dito sa resort. Grabe talaga ang resort na ito. Sinong mag-aakala na may maliit ito na hospital at kompleto pa sa doctor. Hindi ko akalain na ganun pala ka-class ang resort na ito.

Sinamahan ako ni Mico kanina at mahigpit kaming pinagsabihan na huwag akong magpapastress.

Halos isang buwan na rin ang nakalilipas at nasa pangalawang buwan na itong dinadala ko. Medyo masilan itong pagbubuntis ko. Napakarami kong nararamdaman na mismo ako naninibago kasi buong buhay ko I am so wild and free. Not this time na parang may gawin lang akong mabigat ay may nararamdaman na agad ako.

Dumating na rin pala ang mga magulang ni Mico. Nagulat man sila noong una at labis na nag-alala sa nalamang kalagayan ko pero kalaunan ay naging masaya naman sila sa sitwasyon ko. Labis silang natuwa isiping magkakaroon na rin sa wakas ng bata sa munting bahay nila.

Gusto ko sana maging masaya katulad ng nararamdaman nila pero hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sa akin ang lahat.

At nakikita ko rin naman kay Mico na mukhang naninibago pa rin siya. Hindi ko alam anong plano niya sa akin at sa magiging anak namin. Palagi siyang tahimik at may iniisip.

Minsan kinompronta ko siya kung hindi ba niya kaya akong panagutan at ibalik nalang sa papa pero tumutol naman agad siya. Mahigpit niyang sinabi sa akin na dumito muna sa isla.

Muna? Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong panghawakan. Paano na ngayon ang buhay ko? Ang buhay ng magiging anak ko?

At isa pa, paano na ngayon eh may parte pa rin dito sa aking sarili na hindi komportable sa kanya lalo pa at alam ko napakarami niyang tinatago sa akin. Suma total paano ako nagpabuntis sa isang taong hindi ko talaga kilala?

Mababaliw yata ako sa kaiisip sa lahat. Nakita ko siya sa kusina na nagluluto. Nang maamoy ko kaagad ang niluluto niya ay alam ko ito iyong pagkain na gustong-gusto ko kainin sa mga panahong ito. Ang adobong baboy.

Kahit minsan naiilang pa rin ako sa kanya lalo na sa sitwasyon namin ngayon pero sa tuwing nakikita ko naman na tinatry niya ang kanyang best na alagaan ako at ibigay ang mga gusto ko ay nakakalimutan ko ang lahat ng agam-agam dito sa aking puso.

Kahit paano tinatry ko na rin ang best na alagaan ang sarili. Pero sa totoo lang hindi pa rin nawawala ang takot dito sa puso ko. Sa sitwasyon ko ngayon wala akong ibang nais gawin kundi ang makasama muli ang mama. Makita ang kuya.

Umupo ako sa hapagkainan at hinihintay siyang matapos. Nasa labas muna ang mag-asawa. Kumukuha ng supply ng groceries sa kabilang isla.

Hinainan na niya ako at naupo sa tapat ko habang pinagmamasdan akong magiliw na kumakain. Ilang sandali pa ay medyo nailang na ako kasi naman tutok na tutok talaga siya sa akin.

" Hindi ka ba kakain?"

Umiling lang siya. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagkain pero gutom na gutom na talaga ako kaya naman bahala na siya kung ano pa ang isipin niya basta maubos ko lang ito lahat.

Ilang sandali pa ay hindi ko na makayanan ang sobrang katahimikan kaya nagsalita na ako ulit.

" Dati ka na bang magaling magluto? Saan ka natuto nito?"

Alam ko medyo personal na itong mga tinatanong ko sa kanya. Pero kailangan kong isipin ngayon na siya ang ama ng magiging anak ko kaya mas mabuting malaman ko kung sino talaga siya.

Akala ko hindi niya sasagutin kasi nag-iwas lang siya ng tingin sa akin at napayuko.

" All my life I live independently, that is why I learned to cook for myself."

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon