42: Mikaela Santillan

111 4 0
                                    

" Parasite"

" This is all your fault. Kung hindi ka sana dumating sa buhay niya. Hindi mangyayari ito sa kanya."

Napakurap ako mula sa narinig kay Nick. Tahimik na ngayon na nagpapahinga dito sa kanyang kwarto si Mico habang naka dextrose. Sabi ng doctor hindi na kailangang e-admit siya. Hindi na kasi lumala ang impeksyon sa kanyang sugat. Humupa na rin ang kanyang lagnat.

" Sabihin mo na ang gustong sabihin. Wala akong pakialam."

Wala na akong pakialam talaga sa mga sasabihin pa niya. Basta ang importante okay na ngayon si Mico.

" Kung ibabalik mo ako ngayon sa papa. Bahala ka."

Inis siyang napalingon sa akin.

" Wow ha. Ngayon willing ka na talagang bumalik? Pinaabot mo pa sa ganito."

Napahigpit ang hawak ko sa palda ko. Nako naman. Mukhang ibabalik nga niya ako. Ngayon ko lang na realize na totohanin nga niya ang mga banta sa akin.

Sabagay noong nakaraan nga nang naisipan kong umalis na rito sa isla ay alam ko ibabalik niya talaga ako sa papa.

" Hindi ka ba nahihiya Mika. You ran away from your home. Trying to seek refuge in stranger's places and keep on inconveniencing them. Are you that parasite?"

Naikuyom ko bigla ang kamao. Grabe. Masakit man tanggapin pero alam ko totoo nga iyong sinabi niya sa akin.

" You ran away just to prove to your parents that you can stand on your own. Then all this time you keep on leeching other people just to survive. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, Mika?"

Pinipigilan ko ang sarili na hindi mapaiyak mula sa mga sinabi niya sa akin pero ano pa man ang gawin kong pagpipigil alam ko tumagos talaga dito sa puso ko ang mga masasakit na salitang iyon.

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero hindi mo masisira ang kumpyansa ko sa sarili na magpatuloy sa buhay na ito. Wala kang alam sa buhay ko kaya wala kang karapatan na husgahan ako ngayon. You never know how I really wanted this freedom."

Natigilan naman siya sa mga sinabi ko.

Pinahid ko na ang ilang butil ng luha na tumulo sa pisngi ko saka lumabas na ng kwarto. Lumabas na rin ako ng bahay para ilabas lahat ng tensyon na namuo dito sa puso ko.

That selfish jerk! How dare him say whatever he likes to say to me?!

Tsk. Palibhasa totoo nga naman ang mga sinabi niya sa akin. Kung totoo man na naglayas din sila sa kanilang mga totoong buhay noon at least sila prepared.

Masakit aminin na all this time mula nang umalis ako sa amin, I keep on meeting people that I think I can depend on.

Tsk. Ang lakas ng loob kong sabihin na I can stand on my own. That I can be successful on my own. Pero heto pa rin ako parating napapahamak.

Bakit ba hindi umaayon ang mga gusto kong mangyari sa buhay sa mga nangyayari sa akin ngayon? Bakit kailangan kong makisampid sa ibang tao?

Kaya hanggang ngayon patuloy pa rin akong nawawala dahil ang totoo hindi ko naman talaga alam kung saan patungo.

Kung hindi pa rin ako ibabalik ni Nick sa panahon na hindi pa magaling si Mico, isa lang ang ibig sabihin nun. Binibigyan niya ako ng pagkakataong mamili. Kung mananatili ba ako rito at hintayin na ibalik niya ako o aalis na ako ng kusa at aasang makakatakas pa rin ako at mahanap na talaga ang sarili ko.

Nalulungkot akong isipin na kailangan ko na talagang iwan ang islang ito at siya.

Ha? Mika?

Anong siya?

Napapikit ako ng mariin. Hindi na panahon ngayon para mag-isip pa ng kung ano. Ang importante kapag magaling na si Mico ay tuluyan na akong aalis sa islang ito.

Tama. Iyon nga ang dapat mong gawin, Mika.

Pumasok na ako ng bahay at tumungo agad sa kwarto ni Mico. Wala na pala si Nick.

Hmm..buti naman.

Bwisit kasi siya eh. Hayyyst.

Lumapit ako kay Mico at tiningnan siya ng maigi. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya pala lalo kapag natutulog.

Alam mo iyon. Ang sarap niyang titigan kapag ganitong tulog lang siya. Kasi alam ko kapag ganitong payapa lang siyang natutulog malayo sa Mico na hindi ko maintindihan. Feeling ko kasi na ang totoo niya kapag ganitong tulog siya.

I mean..kapag ganitong payapa lang siyang natutulog feeling ko wala siyang mga tinatago sa akin.

Hindi ko alam simula nang araw na nakita ko siyang umiyak dahil sa malalim na sakit na nararamdaman ay mas lalo lang ako na puzzle sa totoo niyang pagkatao. Hindi ko alam mas lalo lang akong nagka-interes na alamin kung sino talaga siya.

Kaya siguro nag-aalangan pa akong umalis sa islang ito. Masyado kasi akong nacucurious sa kanya.

Sino ka nga ba, Mico? Ha?

Mabilis naman ako nagbaba ng tingin nang mapansing unti-unti na siyang nagigising. Nako baka isipin pa niyang tinititigan ko siya habang natutulog.

" Mika..

Napakahina ng boses niya halata talagang hindi pa okay ang kalagayan niya.

" Ma..."

Ha?

" Mama.."

Ha? Mukha ba akong nanay sa hitsura ko ngayon?

Tiningnan ko naman ang sarili. Ay oo nga pala. Suot ko nga pala ngayon ang mga damit ni nanay Taling. Nawala kasi lahat ng mga damit na binili niya sa akin kasi nahulog sa dagat noong tumalon ako.

Nako. Kahit pang nanay ang suot ko pero alam ko ang ganda ko pa rin naman nu. Ito naman pasalamat ka may sakit ka kundi matagal na kitang nasapak. Grabeh ka.

" Mama...

Pero kumunot naman ang noo ko. Mama?

Si nanay Taling ba ang tinutukoy niya? Hindi naman mama ang tawag nito kay nanay Taling ah.

Natigilan naman ako.

" Angelou..

Ha? Sino naman si Angelou??

Sinalat ko ulit ang noo niya. Shets! Ang init na naman niya. Kaya naman pala kung ano na ang mga sinasabi.

Nataranta ulit ako. Mabilis akong tumayo at kumuha ng palanggana.

Nako Mico.. gumaling ka na please nang makaalis na ako rito.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon