50: Abbygail Monteclaro

123 4 0
                                    

" Truth about Me-an"

Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa hospital. Halos paliparin ko ang sasakyan mula nang matanggap ang tawag ni Jun.

Hindi na nga ako nakapagpaalam sa coach namin at ni makapagbihis ay hindi ko na rin nagawa.

Nang makarating ng hospital ay agad akong nagtanong sa receiving area kung nasaang kwarto naka confine si Me-an.

Mabilis akong napatakbo patungo sa kwarto niya. Nang makarating ako roon ay nakita ko si Jun at ang mga kaibigan niya pati na rin ang teacher ni Me-an.

Agad akong napatakbo sa higaan ni Me-an.

" Kumusta na ang kalagayan niya?" Nag-aalala kong tanong kay Jun na noon ay alalang-alalang nakatingin sa akin.

" Stable na ang kondisyon niya. Sabi ng doctor, mamaya ay magigising na siya."

Napahawak ako bigla sa kamay ni Me-an at umiiyak na nilagay iyon sa aking mukha. Sobrang nakahinga ako ng maluwag mula sa nalaman.

Hindi ko alam paano patawarin ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanya.

Nang mahimasmasan ay napansin kong marami silang nakatingin sa akin. Nakita ko ang mga kasama ni Jun na sobrang nanlumo sa nakikita sa akin.

Wala akong masabi. Ngayon lang ulit kami nagkita ng mga ito. Alam na kaya nila na bumalik na ako kay Jun?

" I'm sorry talaga Abbygail..kasalanan ko."

Nakita ko si Bubbles na umiiyak.

" Kasalanan ko ang nangyari..

Nagtataka man ay nakita kong lumapit si Jun dito.

" No..it's not your fault Bubbles. Kasalanan ko. " Saad ni Jun sa kaibigan.

Napatingin ulit ako kay Me-an. Wala na akong pakialam kung ano ang nangyari ang importante ngayon ay okay na siya.

Pero ilang sandali pa ay napalingon ulit ako sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mike.

Anong ginagawa niya rito?

Nasa tabi niya ang asawang si Jasmine na noon ay seryosong nakatingin sa akin. Nakita ko na may bata siyang hawak sa kanyang tabi. Isang batang lalaki. Tingin ko ito na siguro ang anak nila ni Mike.

Napatingin ulit ako kay Mike na mariing nakatitig kay Me-an.

Natigilan ako at napatingin ulit kay Me-an. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya.

Napapikit na ako ng mariin.

Anong gagawin ko? Namukhaan kaya niya si Me-an? Nakilala ba niya ito?

" Anak mo ba talaga siya Abby?"

Napatingin ako ng puno ng kaba kay Mike. Hindi ko akalain na iyon agad ang kanyang sasabihin.

Paano na? Anong gagawin ko?

Napatingin naman si Jasmine kay Mike.

" Honey, what's wrong?"

Nakita kong parang natauhan si Mike nang marinig ang kanyang asawa at biglang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.

" Ah wala.. I am just curious..if anak ba talaga nila ni Jun ang bata.."

Hindi ko alam pero halata na talaga ang pagkabalisa ko ngayon mula sa tanong ni Mike at napansin iyon ni Jun.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

" Of course..anak namin si Me-an." Seryoso nitong saad kay Mike.

" Jun..mauna na kami. Babalik nalang kami bukas. Balitaan mo nalang kami sa bata."

Hindi ko alam paano pasalamatan ang kaibigan ni Jun na si Charmaine na mukhang ngayon ay syota na ni Ms. Tuazon.

Salamat talaga at bigla itong nagsuhesyon na umalis na sila.

Mabilis namang tumalima ang mga kasama nito.

" Jun..Abby..mauna na kami sa inyo." Saad sa amin ni Bubbles.

" Pasensya ka na Bubbles..nagulo pa ang birthday mo."

" Nako Junababe..ako nga itong dapat magsorry dahil sa nangyari...

" It's okay Bubbles. Pasensya ka na at nagulo pa ang kaarawan mo." Hindi ko na mapigilan ang magsalita na rin.

Sa totoo lang nahihiya na rin ako sa kaibigan ni Jun dahil sa abalang nagawa ng anak ko sa kaarawan niya.

" Again..sorry talaga Abbygail. Balitaan niyo ako ha kapag nagising na siya." Tumango naman ako.

Ilang sandali pa ay inihatid na sila ni Jun sa labas at naiwan si Ivan dito sa kwarto kasama namin.

" Wag ka ng mag-alala. Magigising rin si Me-an." Narinig kong sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya at napatango.

" Pasensya ka na Abbygail if I doubted you. I'm sorry pala sa mga nasabi ko sayo noong nakaraan."

Lumapit siya sa amin at tiningnan si Me-an.

" Hayaaan mo. Babawi ako. From now own..aalagan ko na rin si Me-an na parang tunay kong anak. Kung kayo ang rason ng pagiging masaya ni Angelou..ay gagawin ko ang lahat maprotektahan kayo."

Puno ng senseridad na saad niya sa amin. Hindi ko alam kung paano o kung bakit naririnig ko ito sa kanya.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili na mapaiyak ulit.

" Salamat.." Tanging iyon lang ang lumabas sa aking bibig.

Hinawakan niya ako sa aking mga kamay at nginitian.

" Jun is so lucky to have you, Ivan. He deserve you more than me. Pasensya ka na kung dahil sa akin nasasaktan ka ng ganyan."

Napatingin siya sa akin ng puno ng lungkot.

" You are his happiness. His life and everything. Sino ba naman ako para ipagkait iyon sa kanya. You both deserve each other. Afterall what happen, you been through so much..you both deserve to be happy."

Kahit na sa mga luha sa aking mga mata ay nagawa ko pa ring ngumiti kay Ivan.

Ilang sandali pa ay dumating na si Jun at nagsimulang nagpaalam na rin si Ivan.

" Your dad called me. Alam mo na..tatawagan nalang kita kung ano iyon. Basta pakatatag lang kayong dalawa."

Nang makaalis na si Ivan ay hindi ko na napigilan ang sarili na yakapin ng mahigpit si Jun.

" I'm sorry, Abbygail. I'm sorry."

Pinahid niya ang mga luha ko.

Umiling ako sa kanya at tiningnan siya ng maigi.

" I should have told you everything.. I should have told you all about Me-an."

Nakita kong nagtaka siya bigla sa sinabi ko.

Napatingin ako ng seryoso sa kanya.

Ilang sandali pa ay napaupo na kami at sinimulan ko na sabihin sa kanya ang lahat. Kung sino si Me-an at kung paano siya napunta sa akin.

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon