66: Miguel dela Cruz

110 2 0
                                    

" Do not judge someone's stupid decision."

Nasa itaas ako ng bahay dito sa loob ng library ng papa na dating private office ng lolo.

Kasalukuyang ginaganap ang welcome back party para sa akin sa aming malawak na garden. May nakatunog na kasi sa media na ang dating business tycoon na si Miguel dela Cruz ay buhay pala at nakabalik na ng San Alfonso.

In order to control the commotion from the shock of the people, this party was organized. Mahirap na at baka kung ano pa ang maling balita na kakalat tungkol sa nangyari sa akin at gamitin pa ito ng mga kalaban namin sa negosyo.

Nakalabas na rin ng hospital ang lolo at ngayon nga ay nasa harap ko na siya. For five years na hindi kami nagkita, hindi ko akalain na ang laki ng ibinagsak ng kanyang katawan. Malayo na siya sa dominante at makapangyarihang Don Emelio dela Cruz na kinatatakutan ng lahat noon.

Nakaupo siya ngayon sa isang wheelchair at may nakakabit na oxygen sa kanyang ilong.

" Apo..

Napahigpit ang hawak ko sa baso na may alak. Mas pinili ko kasing umalis agad sa party matapos e-announce ng pamilya ko ang balita.

Siguro hindi na ako sanay sa napakaraming tao. Mga taong makikiusyuso lang naman sa pribado kong buhay.

Hindi ko akalain na sinundan niya pala ako rito. Pinaalis muna niya ang kanyang private nurse upang makapag-usap kami ng masinsinan.

" Patawarin mo ako Miguel."

Walang emosyon ang mga matang tiningnan ko siya. Alam kong dapat maawa ako sa kanya lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Maluha-luha ang mga mata niyang itinaas ang kanyang mga kamay. Tila gusto niya akong yakapin pero ni hindi niya magawa kasi hindi siya makatayo sa kanyang wheelchair.

It's funny to think that the life of a person will only just pass in this world. Nobody warns us from the start that this life is fleeting.

Our positions in this life are nothing. Just who we are after our good job? We are all the same people here on Earth with one common denominator in the end. All of us will just die, and that does not make our great wealth capable of saving us. We need to be sure that everything we do does not make us any less human.

Siguro kung hindi ako tumakas at lumayo, mananatili pa rin akong nakakulong sa anino niya.

" Bakit lolo? Why you choose this kind of life for us?"

Binaba niya ang kanyang mga kamay at seryosong tumingin sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin. Kahit na gustong maiyak ng puso ko pero wala na akong luhang mailalabas. Siguro pagdating sa kanya ay naging bato na itong puso ko.

" Hindi mo man ako mapatawad Miguel. Pero hinding-hindi ko pinagsisihan ang mga naging desisyon ko sa buhay. I just needed to do of what I think is right for our family."

Huminga ako ng malalim at walang emosyon na tumitig sa langit Nakatayo kasi ako ngayon sa may veranda ng kwartong ito.

" Pero bakit? Bakit mo kailangan isakripisyo ang kaligayahan ng pamilyang ito para sa ambisyon mo? Pera lang ba talaga ang importante sayo?"

" Hepokrito lang ang taong hindi naniniwala sa magagawa ng pera, Miguel. Lets be realistic. Walang totoong kasiyahan sa kahirapan."

Maaring magkaiba kami ng prinsipyo pero alam kong paninindigan niya pa rin ang pinaniniwalaan. Hanggang ngayon kahit alam niyang malapit na siyang mamatay ay nagmamatigas pa rin siya.

Afterall, he will not become Don Emilio dela Cruz for no reason.

" Siguro isa ako sa mga hepokritong iyon lolo. At hindi ko pinagsisihang umalis ako."

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon