58: Mikaella Santillan

97 1 0
                                    

" Lost Child"

Kapag ba nawala ang isang bagay na napakaimportante sa iyo, natural lang ba na hanapin mo iyon? Paano kung ang sarili mo ang nawala? Mahahanap mo kaya ito sa mundong wala ng ginawa kundi ang saktan at sirain ka?

At bakit may mga pangyayari sa buhay na ito na hindi mo alam na posible pa lang mangyari talaga at kapag nangyari na hindi mo alam kung paano ito matatakasan.

Tatakas ka nalang ba lagi? Tatakbo na naman ulit? Wala na bang katapusan ang lahat ng ito?

Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito sa akin? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng sakit na iyon? Deserve ko ba talaga ang mga nangyayaring ito sa buhay ko?

Bakit nakita ko pa siya? Bakit... bakit.. bakit..

Isang malakas na iyak ng bata ang nagpagising sa akin sa realidad.

Oo nga pala nasa kwarto ako ngayon namin. Halos limang buwan na ang nakalilipas simula nang makapanganak ako. At sa limang buwang iyon ay hindi ko mahanap ang sarili.

Alam kong dapat tanggapin ko na ang lahat para sa anak ko. Dapat hindi ako sumuko alang-alang sa batang ito. Pero..pero..

May isang parte dito sa aking sarili ang nasaktan ng sobra at alam ko kailanman hindi na iyon magagaling pa ng kahit ano.

Umiiyak ng malakas ang bata pero tila bingi akong tinitingnan lang siya.

Umiiyak akong nakatingin sa kanya. Alam ko dito sa aking puso hindi ko matanggap na siya ang naging bunga ng lahat. Siya lang ang nagpapaalala sa akin sa mga kamalian ko sa buhay na ito.

Siya..siya ang rason kung bakit...

" Mika!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si nanay Taling na mabilis na kinuha ang bata sa kama at sinayaw-sayaw ito.

" Bakit hindi mo pa siya pinapadede? Nagugutom na ang anak mo!"

Pero tila wala sa sariling napatayo ako at napalapit sa bintana. Tulala akong napatitig sa labas habang tanaw ang dalampasigan.

Napapikit ako ng mariin.

Gusto kong tumakbo. Tumakbo ulit. Mawala ng tuluyan. Gusto kong mawala sa buhay na ito.

Umiyak at umiyak lang talaga ako hindi alam kung gaano na kaseryoso ang nangyayari sa paligid ko. Wala akong pakialam kung may anak akong dapat atupagin. Basta ang alam ko gusto kong umalis. Gusto kong mawala sa islang ito.

" Sege na nay..ako na ang bahala rito. Magpahinga muna kayo."

" Iho, sigurado ka ba? Mukhang hindi pa talaga okay ang asawa mo.."

Napalingon ako kung sino ang dumating. Malamig ang mga titig na tiningnan ko ang pinakapuno't dulo kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon.

" Kumusta ka na, Mika?"

Ibinaba niya sa kanyang crib ang bata. Nakita kong hindi na umiiyak ang bata at tahimik na ito ngayong nakadede.

Lumapit siya sa akin at napaatras naman ako. Mabilis akong napayuko, hindi masalubong ang tingin niya ng deretso.

Limang buwan na kaming ganito. Limang buwan ko na rin siyang hindi kinikibo.

" Kumusta ka na? Kumain ka ba ng mabuti?"

Napatingin siya sa hinanda niyang almusal kanina para sa akin. Gabi na at hindi man lang iyon nabawasan ng kahit kaunti.

" Mika..hanggang ngayon ba hindi ka pa rin kumakain sa tamang oras?"

Hindi ko siya sinagot kahit nahihimigan ko na ang matinding frustrations sa boses niya.

Isang malalim na buntong hininga lang ang narinig ko sa kanya.

Lumapit uli siya sa akin at sinubukan akong hawakan pero lumayo ulit ako. Pero hindi na ako nakaiwas pa nang bigla niya akong yakapin.

Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng yakap niya talaga sa akin.

" Bitawan mo ako! Hayop ka! Bitawan mo ako!"

Umiiyak na ulit ako pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Hindi na nga ako halos makahinga sa ginagawa niya.

Ilang sandali pa ay may narinig akong humihikbi.

Natigilan naman ako at napalingon sa bata pero tahimik lang itong natutulog na.

Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

" Please..wag kang mawala sa akin."

Napahinga ako ng malalim mula sa narinig sa kanya.

Umiiyak siya?

Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang damit kasi hindi ko akalain na masasaktan din siya ng ganito.

Kahit na nagagalit ako sa kanya pero bakit parang pinipiga ang puso kong marinig siyang umiiyak?

Pero napailing ako. Huli na ang lahat para sa aming dalawa.

Masyado ng masakit ang mga nangyayari. Hindi na..

" Mika..please..wag kang mawala sa akin."

Inulit na naman niyang sabihin iyon na tila nahihirapan pa talaga ang boses.

Pero imbes na madala na naman ulit ay mabilis ko siyang tinulak. Buong lakas kong ginawa yun upang magkaroon man lang ng kaunting espasyo sa pagitan namin.

Nakita ko siyang nahihirapang nakatingin sa akin. Gusto kong maguluhan kong bakit naapektuhan akong makita siyang nasasaktan ngayon. Sa kung tutuusin ay kasalanan niya naman lahat to.

" Stop giving me that kind of look. Alam mong hindi na maayos sa dati ang lahat ng ito." Matigas kong saad sa kanya.

" Mika..patawarin mo ako. Ano bang gusto mo? Gagawin ko ang lahat maging okay lang tayo."

Umiling ako sa kanya. Hindi makapaniwala sa desperasyong nakikita sa kanya ngayon.

" Ibigay mo sa akin ang kalayaan ko."

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.

" Mika..Please. Don't go..

Sinubukan niyang hawakan ulit ako pero isang malakas lang na sampal ang binigay ko sa kanya. Nagulat siya sa nagawa ko pero ilang sandali pa ay nagpursige pa rin siyang lapitan ako at yakapin na naman ako ng mahigpit.

Sa ilang sandali kong pagpupumiglas ay napatigil na rin ako. Kahit ano pang gawin ko ay alam ko hindi niya ako bibitawan at kapag nagpumiglas pa ako ay masasaktan lang ako ng husto.

" Alam mo bang buong buhay akong nakakulong? Alam mo bang sa ginagawa mo lalo mo lang akong sinasaktan. Please..maawa ka..pakawalan mo na ako."

Hindi ko alam kung paano ko yun nabitawan ang mga salitang iyon. Napapikit ako ng masyado at umiyak na naman ng todo.

Kailan pa ba matatapos ang lahat ng ito? Kailan pa ako makakawala sa kanya?

Bakit ang sakit nalang ng lahat ng nararamdaman ko ngayon?

Bakit tila hindi ko na alam kung ano ang totoo sa aking mga nararamdaman? Bakit puro nalang ito sakit? Bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman kong ito?

LOST WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon