Chapter Seventeen

266 24 1
                                    

The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOne

Today is the day. Ito na ang araw ng pageant. Maaga pa lang ay nandito na kami sa resort upang makapag- handa. May mga kanya- kanya kaming mga silid na kasama din sa sponsorship. Bawat isa naman sa amin ay pwedeng mag- sama ng isa o dalawang tao. Pero sa punto ko, tanging si Jemimah lang ang kasama ko. Hindi ko na pina- sama pa sina Mama dahil ayaw kong ma- stress sila sa dami ng tao dito mamaya. Isa pa, takot ako sa magiging reaction nila kapag hindi ako nanalo. Kaya naman, okay lang na hindi sila kasama.

Nitong mga nagdaang araw ay hindi ako tinigilan ni Gem. Halos sa tuwing mag- kikita kami ay nangungulit sya para lang pumayag ako na tulungan sya. Pero sadyang matigas ako at hindi ako natinag. Pakiramdam ko kasi, kapag ginawa ko iyon ay tinaraydor ko na ang matalik kong kaibigan. Mayaman naman sya kaya, sya na ang gumawa ng paraan. Aanhin nya ang matataas nyang patasan ng pera kung hindi nya gagamitin 'di, ba?.

Hindi ko alam kung bakit pero, kanina pa ako kinakabahan. Kakaiba itong nararamdaman ko. May kung anong hindi ko maipaliwanag. Para bang may mangyayaring hindi maganda. Basta, hindi ko ito gusto.

"Shan, let's go na." Ani ni Jem na abot langit ang ngiti.

Tinanguan ko lang sya. Hinawakan nya naman ako sa braso sabay hila sa akin palabas ng room namin. Pinayagan kasi kami na mag- gala at mag- saya ngayong mag- hapon. Wala din kaming practice kaya naman, wala akong iintindihin. Free time naman daw naming mga kandidata ito.

Napag- kasunduan namin ng bruha na libutin ang buong resort. Malawak at maganda ang dalampasigan nito. Pino at maputi din ang buhangin na akala mo ay nasa isang paraiso ka na. Mayroon din itong private pools na exclusive lamang sa mga VIP. Hindi naman iyon kasama sa aming sponsorship package. Kaya naman, heto kaming dalawa ni Jem, binabaybay ang kahabaan ng seashore.

"Kinakabahan ka, beshie?." Tanong nito.

Inirapan ko sya. "Ikaw kaya ang rumampa sa harap ng madaming tao."

"Sabi ko nga, oo." Natawa sya. "Tara doon sa bar."

Hindi pa man ako nakaka- sagot ay nahila na nya ako papunta doon. Mayroon kasing bar sa may gilid na napapaligiran ng ilang mga gazebo. Sa kabilang dako naman ay may mga ibat- ibang food stands na nakatayo. At sa bahagi naman na malapit sa may dalampasigan ay may naka- kalat na mga sun loungers. Perpekto talaga ito para sa mga taong gustong mag- saya at mag- liwaliw.

Nang makalapit kami sa may counter ng bar ay kaagad na um- order si Jem ng dalawang low alcoholic drinks. Pagka- tapos ay nag- tungo na kami sa isa sa mga gazebo. Naupo kami dito at masayang tinanaw ang payapang mga alon.

"Shan- shan, there's a big bee!." Bigla namang tili ng bruha.

Napa- arko naman ang kilay ko at kaagad na hinanap ang sinasabi nitong bubuyog. Pero ng maikot ko na ang kabuuan ng gazebo at wala akong nakita, sinamaan ko na sya ng tingin.

"Ano bang sinasabi mo, Jemimah." Anas ko dito.

She waved her hand. "Not the insect, bee. But the papansin at bida- bidang jollibee." Sabay nguso sa may likuran ko.

Nilingon ko naman ang sinasabi nyang jollibee. At ang napaka- ayos kong araw, bigla na lamang gumuho. Here comes the queen wanna be na kaklase namin noon. Sa kasamaang palad, papalapit sya sa amin ngayon.

The Gangster's Boss is my Teacher and my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon