Chapter Eight

377 38 2
                                    

The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOne

Apat na araw na, simula noong dinala ko dito si Ariella. Pero hanggang ngayon, hindi pa sya nagigising. Ang sabi ni Doc ay maayos at naghihilom na ang kanyang mga natamo. Siguro daw ay masyadong napagod ang katawan nya kaya naman, hindi pa ito nagigising. Pero hindi na ako makapaghintay pa. Gusto ko na syang mayakap. Miss ko na ang kanyang mga ngiti. At ang kanyang mga labi.

"Still asleep?." Tanong ko dito.

Naupo ako sa tabi nya, kagaya ng lagi kong ginagawa.

"Hey, gising ka na. I miss you." Ani ko pa.

I always do this. Palagi ko syang kinakausap kahit pa wala naman akong nakukuhang sagot.

"I truly miss you, Ariella." May bahid na ng lungkot ang boses ko.

Bakas pa din sa katawan at mukha nya ang mga galos at pasa. At sa tuwing nakikita ko ang mga ito, hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili. Kung sana ay pumasok ako sa klase ko, hindi siguro mangyayari ito.

"Sleeping beauty.." Sambit ko.

Tunay na maganda sya habang tulog. Pero napatawa ako ng mapagtantong hindi tugma ang sinabi ko sa pangalan nya. Little mermaid dapat. Saulo ko ang mga Disney princesses dahil sa mga kapatid ko. Kami- kami lang kasi noon ang magkakasama kaya pati akong lalaki ay nadadamay. Children movie o story daw pero nagki- kiss. Bawat sumpa ay halik ang kasagutan. Teka.. How about... Halikan ko kaya itong babaeng ito. Baka sakaling magising. Wala, ehh. I madly miss her. So, dahan- dahan, inilapit ko ang aking mukha sa kanya. I brushed my thumb on her lips to her chin para mapaawang ng kaunti ang mga labi nito. And then, I kiss her.

"Princess..wake up.." Sambit ko.

Para na akong tanga dito. Wala namang imposible di' ba?. Sandali ko pang tinitigan ang payapa nyang mukha ng bigla itong magmulat. Muntik na nga akong mahulog mula sa pagkakaupo ko dahil sa gulat. Fuck! She's awake!. Gumans ang katangahan ko.

"A-ariella?." Kinakabahan kong tawag dito.

"Ang ingay mo."

Napangiti ako. Bukod sa hindi ko inaasahan ang isinagot nya, na miss ko din ang boses nya.

"Gising ka na." Ani ko.

Tumingin sya sa akin. "Ikaw kaya ang matulog tapos ako ang mag- iingay. Hindi ka ba magigising don?." Sinamaan nya ako ng tingin.

Napatawa ako. "Oo nga." Kamot sa batok. "Kamusta ang pakiramdam mo?."

Sandali syang napatitig sa akin pero dagli ding nag- iwas. Napatitig sya sa kawalan na parang may malalim na iniisip. Pagkatapos ay may mga butil ng luhang umagos mula sa mga mata nya. Kaagad ko syang nilapitan at iniupo. Isinandal ko sya sa headboard ng kama.

"May masakit ba?. Tatawag na akong doctor." Natataranta kong bitaw.

Nilabas ko ang Cp ko at hinanap ang numero ng private doctor namin. Pero ng pipindutin ko na ang 'call', isang malambot na kamay ang pumigil sa akin.

"Thank you." Sambit nya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na magpapasalamat sya. Akala ko galit sya dahil wala ako sa tabi nya noong mga panahong iyon. Sinalubong nya ang aking mga titig at bakas doon ang sincerity.

"Salama--___...."

Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sinakop na ng labi ko ang mga labi nya. Kahit gaano ako nanggigigil ay kinalma ko pa din ang sarili ko. I kissed her with all my love. Sa umpisa ay hindi sya tumutugon. Pero, maya- maya pa ay sumabay na din sya sa akin. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko inaasahan na tutugon sya sa halik ko. I really missed her so much. Bago pa ako matuksong hubadan sya, ako na ang unang kumalas. Pinagdikit ko ang aming mga noo.

The Gangster's Boss is my Teacher and my LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon