Dedicated to:
Your_QueenAnonymous
Thank you for supporting and reading my story.The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOneNangangatog ang mga tuhod ko habang pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag sinabi ni Papa na sasabay sya sa akin papasok sa school. Todo- todo ang kaba na namumutawi sa aking dibdib.
"Good morning, Ariel." Bati ni Mama.
"Morning, Mama." Balik ko. "N-nasaan si Papa?." Nag- aalangan man, kailangan ko pa ding itanong.
"Nauna na. Maaga daw sila, ehh." Sagot nito.
Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman. Tinanguan ko sya at nginitian. I kissed her sa kanyang pisnge for my goodbye. Hindi ko din kasabay si Ella dahil kaaalis lang daw nito noong bumaba ako. So, mag- isa lang ako. Good. Need ko din ng time para makapag- isip. Ang dami kasing gumugulo sa utak ko. Naha- haggard na ang beauty ko sa mga problemang ibinigay ng dyosa ng tadhana. Ipagtanggol mo naman ako, dyosa ng kagandahan. Hayst.
Ang ganda ng sikat ng araw. Kung sa ibang araw nya piniling sumikat ng ganyan, siguro na appreciate ko pa sya. Pero, dahil wala ako sa mood para sa mga ganyang bagay, sorry ka na lang haring araw. Need kong mag- isip kung paano ko maitatago kay Papa na nabu- bully ako dito sa school. Hayst. Anong gagawin ko?. Dyosa ng katalinuhan, maki- cooperate ka naman ngayon, ohh. H'wag ka namang magdamot. Masyado nyo naman akong pinagtutulungan, ehh. Ano ba yan?!.
Napataas ang kilay ko ng marating ko ang university ng walang asungot na nanggugulo. Hindi nya ako sinundo ngayon. Mabuti naman. Madali din pala syang kausap, ehh. Siguro nga ay tumigil na sya. Sana naman. Sana. Dahil kung pati sya ay susulpot sa harap ko ngayon, baka mabaliw na ako. Psh. Idagdag pa itong mga alagad ng dyosa ng mga chismosa at mapanghusga. Ang aga- aga, kung makatingin sa akin akala mo naman may ginawa akong krimen. Hindi pa nakuntento sa pagtingin, aba, nagbubulungan pa. Sapakin ko kaya sila isa- isa?. Hmm. Nope. H'wag na lang. Ayaw kong mag- aksaya ng oras sa mga taong kagaya nila. What the hell I care, di, ba?. Tss. Mainggit sila. Ipamukha ko pa sa kanila, ehh. Isigaw ko kaya sa mga tenga ng mga ito na 'Ang pinagpapantasyahan nyong si Sir. Bayer ay ihinatid ako kagabi.' with matching flipping of my hair pa. Tss. Mga chismosa!.
"Good morning, Shan." Bati ni Jem.
Nakatayo sya sa labas ng pintuan ng classroom namin. Sa pagkakakilala ko dito sa babaeng ito, sinadya nyang hintayin ako.
"Morning. Anong meron?." Balik ko.
Umiling sya. "Wala naman." Sinabayan nya ako papasok sa loob. "Oo nga pala. I saw Tito kanina."
"Ohh.." Sambit ko.
Naupo na ako sa pwesto ko. Tinabihan naman nya ako.
"Isa pala sya sa mga napiling trabahador na gagawa sa bagong itatayong building, ehh. Edi, hindi nyo na mamimiss ang isat- isa nyan." Pagpapatuloy nya.
Bakit parang sumakit ang ulo ko?.
"Tinanong ko nga kanina kung bakit hindi kayo magkasabay pumasok, ehh. Sabi nya, maaga daw ang oras na ibinigay ng namumuno sa kanila." Pagku- kwento nya pa.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
General FictionWhat if magulo ang buhay mo dahil lang sa pagdating ng bago at substitute teacher nyo?. I am Lexshawna Ariella, and this is my not so good story when The Gangster's Boss becomes my Teacher and my Lover.