The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOneWalang nangyaring masarap este kamanyakan. Pero tunay na mas masarap yata ito. Dahil nandito kami ngayon sa lugar kung saan ako unang hinubog ng mundo. Sariwang- sariwa pa sa aking ala- ala ang lahat. Mula sa simoy ng hangin, sa magagandang tanawin at sa pamilyar na mga daan. Hindi ko akalin na makakabalik pa ako dito. Bukod sa malayo ay wala din kaming pera para sa pamasahe. Kaya naman, simula noong nakita ko ang signage sa may intersection ay hindi ko na mapigilan na ngumiti. Oo nga at simpleng "This way to Batangas" lamang ang nakasulat doon. Pero sa isipin na masisilayan kong muli ang ganda ng probinsyang kinagisnan ko ay talagang nagbibigay na sa akin ng saya. Mas lumawak pa ang ngiti ko ng mapatunayan ko na tama ang aking hinala ng lingunin ko si Edson. Sa kanyang pagtango at pag- ngiti ay nasagot na nya lahat.
Walang pag- lagyan ang kaligayahan ko ng makita ko na ang arko ng bayan na aking sinilangan. Bagamat malayo at matagal ang biyahe ay sulit lahat ng pagod dahil sa ganda ng tanawin dito. Malayo pa lamang ay tanaw mo na ang napaka- ganda at ipinag- mamalaki naming bundok. Idagdag mo pa ang mga nagtataasan na mga puno at mga bahay na may kalumaan na ngunit maganda pa din.
"Welcome home." Biglang ani ni Edson.
"How did you know?" Tanong ko.
"I have my ways." Buong kumpiyansa nyang sagot.
Linya yata iyon sa isang palabas sa T.V. Teka, saan ko ba narinig iyon? Psh. Bahala na nga si Batman. Ang importante ay mahalaga at ang mahalaga ay importante. Charot.
"Thank you." Sambit ko.
Ewan ko kung narinig nya. Mahina lamang kasi iyon at hindi din ako nakatingin sa kanya. Wala din naman akong intensyon na iparinig sa kanya. Tumingin na lang ako sa may bintana at masayang pinanood ang mga tanawin sa labas. Ilan taon na ba simula noong huling punta ko dito? Mahigit pitong taon na siguro. Kamusta na kaya sina Tatay at Nanay doon? Ano na kayang itsura ng munti naming tahanan? Hay, mahal kong mga dyosa. Super, super, thank you talaga! Akala ko, tuluyan nyo na akong pinabayaan. Iyon naman pala ay may paganito pa kayong nalalaman. Hay nako naman talaga. Kinikilig ako.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil naka- idlip pala ako. Nagising lang ako ng biglang tumunog ang cp ko. Tamad ko naman itong dinukot mula sa bulsa ko at kaagad na sinagot ang tawag.
"Bakit?" Bungad ko sa kung sinomang nasa kabilang linya.
May narinig akong munting tawa sa kabila. "Look around you."
Naka-kunot ang noo kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Ngayon ko lang din napansin na hindi na naandar ang sasakyan. Wala na din si Edson sa driver's seat. Kaya naman, mabilis pa sa kidlat akong bumaba ng kotse.
"Welcome home, baby." Ani pa ng nasa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa aking pagka- bata. Mula sa magagandang halaman na maayos na naka- hanay, sa sariwang simoy ng hangin, hanggang sa magandang hagdan na yari sa bato. Dito pa ako ilan ulit na gumulong noon dahil sa kalikutan.
"Ariella."
Nilingon ko ang lalaking hindi ko inaakalang tutupad sa isa sa mga pangarap ko. Naka- tayo sya sa ibaba ng hagdan, marahil ay kagagaling nya lang sa itaas. May maganda syang ngiti sa kanyang mga labi habang hawak nya ng kanyang kanan na kamay ang cellphone na naka- tapat sa may tenga nya at nasa bulsa naman ang isa pa.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
General FictionWhat if magulo ang buhay mo dahil lang sa pagdating ng bago at substitute teacher nyo?. I am Lexshawna Ariella, and this is my not so good story when The Gangster's Boss becomes my Teacher and my Lover.