The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOne
Tulala akong nakaupo sa dulong bahagi ng kama ko. Kanina pa ako nakauwi. Hinatid nya ako dito sa bahay at sinabing nagsimba lang kami at may ginawang biglaang activity sa mga magulang ko. Naniwala naman ang mga ito na ikinaikot ng mata ko. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa din ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko iyong mangyari. At ang mas ikinalilito ko ay kung bakit nya ginagawa ito sa akin."Hoy, Ate!." Sigaw ni Ella na nasa harapan ko na pala.
"B-bakit?." Maang kong tanong.
"Kanina pa akong kumakatok pero hindi ka sumasagot." Ani nya. "May problema ba?."
Napailing ako. "W-wala!. Wala naman. Bakit?. May kailangan ka ba, Ella?."
Sumimangot ito. "Sabi ko, sorry. Ako kasi ang nagbigay ng number mo kay Kuya Eson."
Napangiwi ako. "O- okay lang. Sige na. Magpahinga ka na. Tutulog na ako. May pasok pa tayo bukas."
Nag- aalangan syang ngumiti sa akin. Pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto ko. Napahinga naman ako ng malalim. Wala ng sense kung sisisihin ko pa si Ella. Kasalanan ko to. Hayst. Nasabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa inis. Nahiga ako sa kama ko at nagkakawag. Para na akong isda dito na nawalan ng tubig.
"Nakakainis!." Singhal ko sa hangin.
Gulong dito, gulong doon, gulong everywhere. Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa. Suntok sa hangin, sabunot sa buhok at sigaw sa unan ang paulit- ulit kong ginagawa. Hindi din ako dalawin ng antok dahil sa mga paulit- ulit na pagpasok ng eksenang iyon sa aking isip. Para tuloy ayaw kong pumasok bukas. First subject pa naman namin sya. Nakakainis!.
Kagaya ng inaasahan, hindi nga ako nakatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ay ang gwapo nyang mukha ang aking nakikita. Hindi ko na itatanggi na pogi sya dahil totoo naman. Pero ako, ang panget ko na. Nangingitim ang ilalim ng aking mga mata. Mukha na akong panda. Jusko, halatang halata na wala akong maayos na tulog. Tss. Nakaayos na ako at naka uniporme na. Naglagay ako ng kaunting make- up para takpan ang eyebags ko. Nakakahiya kasi. Baka kung ano pa ang isipin nila.
"Good morning, Ate." Bati ni Ella ng makababa ako.
"Nasaan sina Mama?." Tanong ko.
Tanging sya lang kasi ang nandito sa kusina. Wala si Papa para batiin ako at si Mama para sa almusal namin.
"Maaga silang umalis. May bagong papasukan si Papa. Si Mama naman, may pupuntahan daw na important client." Sagot nya.
Tumango lang ako dahil wala ako sa mood. Naupo ako sa pwesto ko at kumuha ng pagkain. Nakahain na kasi ang almusal ng dumating ako. And I'm sure na si Mama din ang nagluto nito. Ininit lang ni Ella, hindi naman kasi sya marunong magluto.
"Ate, ayos ka lang?." Biglang tanong nito.
Tumango ako. "Oo."
BINABASA MO ANG
The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
General FictionWhat if magulo ang buhay mo dahil lang sa pagdating ng bago at substitute teacher nyo?. I am Lexshawna Ariella, and this is my not so good story when The Gangster's Boss becomes my Teacher and my Lover.