The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOneEDSON SANTIAGO BAYER POV
Fuck!.
"Boss, nakawala daw si Carolile sa Doomfield." Sabi ng isang tinig mula sa suot kong earpiece.
Napahampas ako sa manibela dahil sa galit. Si Carolile Gem San Diego ang pinaka- tusong nilalang sa buong gangster world. Alam nya ang lahat ng pasikot- sikot sa mundo namin. Sangkot din sya sa lahat ng illegal business sa buong mundo. Hindi na nakakapagtaka na nakawala sya sa security ng Doomfield. Dito ikinukulong at nililitis ang mga gangster na napatunayan na may sala. Need pa pala naming maghigpit ng security.
"Wala ng makitang kahit anong bakas nya, Ed." Ani pa muli ng isa pang tinig.
"Hayaan nyo na." Sagot ko sa mga ito sabay patay ng tawag.
Wala na akong pakialam sa hudas na iyon. May mas importante pa akong kailangang gawin kaysa sa kanya. My girl needs me. Nakatanggap ako ng limang missed call kanina mula kay Jemimah noong nasa meeting ako. Hindi ko ito nasagot dahil masyadong confidential ang topic na pinag- uusapan namin. Pero nang text na ang natanggap ko, mabilis na akong umalis. Kanina pa daw nya hinahanap si Ariella. Malakas daw ang kutob nya na may masamang nangyari dito. Kaya naman, here I am, halos palipadin ko na ang sasakyan ko marating lang ang school. Mabuti na lang at tumila na ang ulan, hindi na masyadong madulas ang daan. Wala na din akong pakialam kung hindi pa tapos ang meeting. Magalit na sila kung magagalit, I'm a boss, anyway. They can't defy me. Not now or never.
Wala pang limang minuto ng marating ko ang parking lot ng school. Kaagad akong bumaba ng sasakyan at mabilis na hinanap ang matalik na kaibigan ng babaeng mahal ko. Hindi na sya um- attend ng sunod nyang mga klase dahil sa pag- aalala kay Ariella.
"Sir...." Bati nya sa akin.
Kaagad syang tumayo ng makita ako. Nandito sya sa isa sa mga gazebo na malapit sa may parking.
"What happened?." Seryoso kong tanong.
"They planned everything. Nagtaka nga ako kung bakit ako ang inutusan ni Mrs. Himala, ehh. Alam kasi nila na hindi ko iiwanan si Shan." Tugon nya na mangiyak- ngiyak pa. "Kanina ko pa sya hinahanap. Naikot ko na ang buong school. Pero wala."
"Who did this?." Tanong ko pa.
Kung sino man ang may kagagawan nito, maghanda na syang harapin ang impyerno. Walang sinoman ang pwedeng manakit sa babaeng mahal ko.
"Ang pambansang higad. Si Shellarina."
That bitch. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang inilaan nilang opisina para sa akin. Inutusan ko din si Jemimah na sunduin ang babaeng higad at dalhin dito. Hindi ko pamamatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari kay Ariella. Nangako akong poprotektahan ko sya. Sinabi kong pagbabayarin ko ang mga nangbu- bully sa kanya. Pero, hindi ko nagawa. Anong silbi ng pagiging makapangyarihan ko kung ang mismong mahal ko ay hindi ko maprotektahan?. Tss.
"Siguraduhin mo lang na nandito si Sir, Jemimah. Kung wala, malilinti-....~~."
BINABASA MO ANG
The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
General FictionWhat if magulo ang buhay mo dahil lang sa pagdating ng bago at substitute teacher nyo?. I am Lexshawna Ariella, and this is my not so good story when The Gangster's Boss becomes my Teacher and my Lover.