The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
by: HanaIchiOnePanibagong araw, bagong kamalasan na naman. Hindi ko nakita si Jemimah sa gate or dito sa classroom. Kanina ko pa sya hinahanap. Wala din ang mga gamit nya. Imposible naman na um- absent ang babaeng iyon dahil ayaw nya na may nakakaligtaan syang mga lectures. Hindi ko din kasabay si Papa o si Ella kanina. Nauna na silang dalawang pumasok. Talaga daw kasing maaga ang schedule nina Papa, sinabi nya sa amin kagabi. Pabor naman iyon sa akin dahil hindi kami nagkakasabay. Iwas issue.
"Nag- iisa ka yata ngayon, bitch."
Who the hell is that?. Sino pa nga ba?. The higad queen, Rina.
"Please lang, Rina. H'wag muna ngayon." Ani ko.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Hindi mo ako mapapakiusapan, bitch. Ako ang reyna dito. Ako ang masusunod." Anas nya.
"Ano ba gusto mo?." Tanong ko.
"Gusto kong sumama ka sa akin. Patunayan mo na wala kang ginagawang mali." May paghahamon sa boses nya.
"Wala akong panahon sa mga ganyan, Rina. Tumigil ka na. Wala akong ginagawang masama." Dipensa ko.
Mapakla syang tumawa. "No. Sa ayaw mo man o gusto, ako ang masusunod. See you later, bitch."
Kasunod nyang umalis ang dalawa nyang alalay. Ito talagang higad na ito, ang aga manira ng araw. Tss. Dahil sa maaga pa, nagpunta muna ako sa cr. Pagkatapos kong umihi ay nag- ayos muna ako ng sarili ko. Nang matapos ako ay naglakad na ako palabas. Medyo matagal pa bago tumunog ang bell. May kaunting oras pa ako para mag review at hintayin si Jem. Nang makabalik ako sa classroom ay isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko. Nandito na sya. Nasa katabing upuan ko na ang mga gamit nya. Pero wala sya dito. Malapit na magsimula ang unang klase kaya naman, naupo na ako sa pwesto ko.
"Good morning." Bati ni Mrs. Himala. "Ituloy nyo ang mga sinasagutan nyo kahapon."
Bakit ang aga naman nya?. Hindi pa nga tumutunog ang bell, ehh. Excited sya masyado. Nako. Nako. Nako. Katulad ng kahapon, isa- isa nya muling ipinamigay ang mga booklets. And as usual, masama na naman ang tingin pagdating sa akin. Teka nga. Bakit hindi nya iniwan ang booklet ni Jem?.
"Ma'am, excuse po." Pagtawag ko sa atensyon nya.
"Bakit?." Taas kilay nyang tanong.
"Iyong kay Jemimah po." Tugon ko.
Tinitigan nya ako. "She is excuse. May inuutos ako sa kanya."
Napatango ako. "T-thank you po." Nahihiya kong saad.
Inismidan nya pa ako bago sya magpatuloy sa pamimigay. Kung ganun, si Jem pala ang napagtripan nitong balyenang ito. Tamad kasi si Mrs. Himala. Palagi nyang inuutos sa amin ang mga bagay na dapat ay siya ang gagawa. Ginagawa nya kami ng secretary dahil sa mga pinapasulat nyang mga reports, pinapa check-an na mga test papers at pagta- type ng mga lesson plan. Minsan na nya akong nautusan. Nakasalubong ko sya sa hallway noon, tapos bigla na lang sya akong tinawag at pinasunod sa office nya. Pinagsulat nya ako ng madaming mga reports at modules. Sa sobrang dami nito, inabot ako ng maghapon.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Boss is my Teacher and my Lover
Fiction généraleWhat if magulo ang buhay mo dahil lang sa pagdating ng bago at substitute teacher nyo?. I am Lexshawna Ariella, and this is my not so good story when The Gangster's Boss becomes my Teacher and my Lover.