Kabanata 18

5.9K 203 14
                                    

Kabanata 18

Nagseselos

Lumipas ang mga araw at ganoong pa rin ang sitwasyon ng kapatid ni Vizier. Hindi siya lumalabas ng kwarto niya dahil ayaw niyang nakikita si Cion lalo pa’t palagi siya nitong pinagsasabihan ng masasakit. Ang mga kasambahay nalang dito sa bahay ang nagdadala ng pagkain sa kanya. Naging ayos na rin iyon kay papa lalo pa’t mas mabuting hindi muna siya lumabas ng kwarto at bahay.

Time passed, but my stomach become big. Indicated that our child is growing faster. Hindi ko na rin nakita ang mga pinsan niya dito sa bahay. Siguro umuwi pagkatapos ng nangyaring problema sa pamilya niya. Ang balita ko’y bumalik na sa Manila ang pinsan niyang nag-aasikaso ng kompanya. Ang mga tito’s and tita’s naman niya ay umuwi na sa mga bahay nito. Kaya ngayon, kami nalang ang nandito.
Natanong ko na rin si Vizier kung may balak pa siyang bumalik sa posisyon niya sa kompanya, ang sabi’y hindi na muna sa ngayon.

Hangga’t hindi pa ako nanganganak hindi daw muna siya babalik sa trabaho. Gusto niya akong alagaan lalo pa’t sensitibo ang pagbubuntis ko ngayon. May mga araw kasing nag-aaway kami kahit ang babaw ng mga rason. Hindi ako papayag na hindi siya napapagalitan kaya ang resulta, nag-aaway kami ngunit nagpapatalo naman siya.

Dumalaw na rin si papa at Jonesar sa akin dito. Noong nakaraang araw, basta ko nalang sila nakita sa sala at nakaupo sa sofa kaya nagulat ako. Niyakap ko silang dalawa at kinamusta. Si papa tumanda ng kaunti at ang kapatid ko naman ay lumaki na. Konting panahon nalang at magiging binata na siya. Iyon ang naging peace offering sa akin si Vizier ng magtalo kami. Hindi ko kasi talaga siya pinansin ng ilang araw at naging malamig ako sa kanya kaya ang tanging ginawa niya ay papuntahin dito ang pamilya ko.

May mga araw rin na gusto kong mapag-isa. Like, ayoko siyang makita o maamoy manlang. Yung tipong hindi ko siya papapasukin sa kwarto namin. Hindi ko siya papatulugin sa tabi ko at minsan sa sahig siya matutulog. Oo, nagiging masamang buntis ako sa kanya. Pinapahirapan ko talaga siya kaya sa huli, kinakain ako ng awa para sa kanya. Tulad ng nangyari kahapon, ayaw ko siyang matulog sa tabi ko kaya wala siyang choice kundi matulog sa sahig.

Gamit ang makapal na banig, unan at kumot doon nga siya natulog. Umirap ako sa inis at galit. Talagang doon siya matutulog? Bwesit! Padabog akong tumayo pasado alas-onse na ng gabi. Hindi kasi ako makatulog dahil gusto ko siyang katabi ngunit ayaw ko naman. See? Sobrang komplikado ko! Kaya minsan nasasagot niya ako at nagiging rason kung bakit kami nag-aaway. Nakasimangot akong umupo sa tabi niya. Huminga ng malalim bago nagpasyang humiga at gawing unan ang braso niya. Umirap pa ako sa nararamdamang inis. Bwesit talaga!

Nagising siya sa ginawa ko kaya ng minulat ang mata, nagtataka siyang tumingin sa akin. Umiling-iling ako at siniksik ang mukha sa kili-kili niya. Bumuntonghininga siya sa pagiging komplikado ko.

“Malamig ang sahig, Chacel. Doon nalang tayo sa kama matulog. Gusto mo na ba akong makatabi hmm?” he asked gently.

I sighed.

“Oo. Nakikita mo namang nakayakap na ako sayo diba? Tsk!” mataray kong sabi.

Napailing nalang siya sa akin. Walang nagagawa sa pagiging siraulo ko. Well, ito naman talaga kasi ang nararamdaman ko e. Pasaway din yata ang magiging anak namin!

“You are so complicated, Chacel.” pagod niyang sabi.

Inangat ko ang mukha at tinitigan siya. Nasa akin ang buong atensyon niya, titig na titig sa akin.

“Your child makes me complicated too.”

He sighed and nodded.

“Sa kama nalang tayo humiga.”

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon