Kabanata 10

6.9K 206 20
                                    

Advance Merry Christmas everyone :-)
----------------------------------------

Kabanata 10

Boldly

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang papasok sa apartment. Hindi mapigilan ang sarili na lumuha habang paulit-ulit na pumapasok sa pandinig ko ang boses nila kanina. Sino 'yun? S-sino ang babaeng iyon? Bakit sila magkasama ni Vizier? At bakit ang tawag ng babae sa kanya ay babe? B-bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sikip, ang sakit at hindi ako makahinga ng maayos.

Bakit ako umiiyak ngayon? Ano 'to? Nasasaktan ba ako kasi nakita ko siyang may kasamang ibang babae? O, nasasaktan ako kasi nagseselos ako? Bakit naman? Mahal ko ba siya? May nararamdaman na ba ako sa kanya? Ano? Bakit ganito? Bakit hindi ako makahinga ng maayos? At bakit patuloy na tumutulo ang luha ko sa mata?

Hearing the sweet voice of that woman makes me insecure to death. And seeing her snake her arm to Vizier makes me bleed to jealous! Oh damn, I'm fucking jealous! Nagseselos ako dahil nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Nagseselos ako dahil kanina ang lambing-lambing niya sa akin sa tawag tapos ngayon malalaman kong nakikipag-date siya sa ibang babae. How could he do this to me? How can he hurt me like this?

My heart is bleeding, and damn it! Rinig na rinig ko pa rin ang boses ng babae habang nagsasalita ng malambing sa kanya. Pakiramdam ko lalabas ang dugo ko sa galit, inis, selos! The way she talk to Vizier is fucking damn not good! Pinahid ko ang luha habang nakasubsob ang mukha sa kama. Umiling-iling ako habang hindi pa rin tumitigil ang luha sa pagtulo.

Bakit pa kasi nakita ko sila? Bakit sa lahat ng makikita ko sa araw na ito, sila pa? Anong relasyon meron sila? Siya na ba yung pinalit sa akin ni Vizier? Siya na ba yung babaeng palagi kong sinasabi sa kanya sa tuwing gusto kong umalis? Siya na ba yung papalit sa akin? Buong akala ko kapag dumating na iyon, hindi ako masasaktan ng ganito pero bakit lumuluha ako ngayon? Bakit ang sakit-sakit? Bakit parang pakiramdam ko, hinihiwa ang puso ko sa nakita? Bakit ganito?

Hindi ko namalayan ang oras, nakatulog ako sa sobrang pag-iyak. Sinubukan kong kalimutan ang nakita kanina, kahit pa umiiyak ang puso ngayon pinilit kong tumayo at pagbuksan ang kumakatok sa pintuan ko. Matamlay kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang delivery boy. Napahinga ako ng malalim, wala sa mood para harapin ang lalaking ito. He smile like usual.

"Good evening ma'am. Nandito po ulit ang food delivery sayo." nakangiti niyang sabi.

Napahinga ako ng malalim.

"Pakisabi sa nagpapadala na sa susunod hindi na ako tatanggap ng binibigay niya. May pera ako at kaya kong bumili ng sariling pagkain." malamig kong sabi.

Nagulat ata siya sa inasta ko. Umirap ako at walang gana na pinirmahan ang delivery form. Ngumiti pa rin siya kahit sinungitan ko.

"Thank you, ma'am. Enjoy your meal." he said happily.

Agad akong sinampal ng konsensya dahil sa ginawa. What have I done? Ginagawa niya lang ang trabaho niya kaya dapat hindi ko siya sinusungitan! He is just working and do what's the order from them.

"I'm sorry." mahina kong sabi.

He nodded and sighed.

"Okay lang ma'am. Sanay na ako dyan, sa tagal ko bilang delivery, marami na akong na-encounter na ganito." mahinahon niyang pagkakasabi.

Bumuntonghininga ako at tumango nalang. Hindi rin naman siya nagtagal na, pagkatapos ng pag-uusap namin, umalis siya para sa susunod na dedeliveran. Napaupo naman ako sa upuan at nilagay sa lamesa ang pagkain na pinadala na naman niya. Umirap ako habang kaharap iyon, ano sa tingin niya ang ginagawa? Bakit pa siya nagpadala nito? Bakit may lakas ng loob pa siyang padalhan ako ng pagkain ah?

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon