Kabanata 2

6.6K 226 18
                                    

Kabanata 2

Softly

Naging ganoon ang mga sumunod na araw. Palagi niyang binibili ang ice candy na nilalako ko. Bagama't may pagkakataong gusto ko ng magtanong kung bakit niya inuubos ang paninda ko, pero hindi ko magawang maitanong dahil nga kinakabahan ako at natatakot. Napapahinga nalang ako ng malalim, at hinahayaan nalang siya sa ginagawa.

Hinahayaan ko siya kasi ayokong mawala ang pagiging suki niya sa akin. Atsaka wala pa naman siyang ginagawa na masama sa akin. Pero hanggang ngayon, naiisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni papa. Hindi ko iyon makalimutan, hindi pa rin makuha ang ibig niyang sabihin. Napahinga nalang ako at pagod na umupo sa kawayan naming upuan. Kakauwi lang namin ni Jonesar, natapos ang klase ngayon na maayos naman. Kahit medyo nahihirapan ako sa mga ibang asignatura, ginagawa ko pa rin ang makakaya ko para mairaos ang pag-aaral.

Naunang pumasok sa kwarto si Jonesar, pinapahinga ko naman ang binti ko dahil sa pagod. Wala ngayon si papa, siguro nasa Costiño Farm siya ngayon. Kapag ganito kasi, isa lang ang nasa isip ko.  Nasa farm siya at nagbabantay. Tumayo ako at pumunta sa kusina para magluto ng pagkain. Hindi ko pa napapalitan ang uniform ko, nagsaing muna ako pagkatapos hinugasan ang mga pinggan. Hinintay kong maluto ang kanin, nang maluto ay pumasok muna ako sa kwarto para magpalit ng pambahay.

Tinignan ko muna ang sarili sa maliit kong salamin, maayos naman ang itsura ko kaya lumabas na ako. Pagkabukas ng pinto, bumungad agad sa akin si papa na parang nagmamadali. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya, hingal na hingal at animo'y hinabol ng kabayo. Ano kayang nangyari sa kanya? Bumaling siya sa akin, napahinga pa ng malalim.

"Anak…" he said while sighing heavily.

I tried to smile, but it doesn't mean it. Lumapit siya sa akin na ganoon pa rin ang itsura, parang nagmamadali.

"Bakit po, papa?" tanong ko.

He sighed heavily.

"Magpalit ka ng damit, inimbitahan tayo ni sir Hermes para sa birthday ng anak niya. Kailangan ko kayong isama ni Jonesar." wika niya.

Kumunot ang noo ko, sinong may birthday?

"Sino pong nagdiriwang ng kaarawan pa?" tanong ko ulit.

Napakamot siya ng batok. Nitong nakaraang araw, napapansin ko kay papa ang pagiging balisa. Para bang may lihim siya sa akin. Hindi ko man maitanong pero nararamdaman kong parang may lihim siya sa akin.

"Si Vizier, yung panganay niyang anak." maikli niyang sagot.

Ah? Teka, bakit niya naman kami i-imbitahan? Okay, sabihin nating nagtra-trabaho si papa sa kanila pero kailangan pa ba iyon? Kailangan pa ba kaming imbitahan sa kaarawan ng birthday niya? Para kasi sa akin, hindi naman kailangan. As long as my father work for them appropriately.

"Kailangan pa ba, papa?" ika ko.

He nodded and sighed.

"Oo, anak. Gusto kayong papuntahin ni sir Vizier sa birthday niya." sagot niya.

Hindi ko makuha ang punto ng lalaking iyon! Is it really necessary to invite us in his birthday? Hello, farmer lang naman si papa sa kanila! Tsaka mamaya, mga bigating tao pala ang nandoon! Nakakahiya na!

"Pa, pwedeng ikaw nalang. Parang hindi ko kasi gustong sumama e." pag-amin ko.

Mabilis siyang umiling, para bang sumasalungat siya sa sinabi ko.

"Hindi pwede, hija!---"

Natigilan siya sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto namin. Mas lalong kumunot ang noo ko, sino naman ang panauhin namin? Bumukas ang pinto at bumungad sa aking paningin si Vizier Costiño, nakasuot ng formal, seryoso ang mga mata at lalaking lalaki ang tindig. Napakurap ako, nagulat sa kanya. Bakit naman siya nandito?

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon