Kabanata 8
Real
Hanggang ngayon, bumabalik pa rin sa aking alaala ang text kaninang umaga. Kahit kanina pa ako nood ng nood sa mga senior cashier, hindi ko pa rin makuha ang ginagawa nila. I was really occupied by that fucking text message. Malakas talaga ang kutob ko na galing iyon kay Vizier! Sa uri palang sa pagkakatipa ng mensahe, ganoon kung magtext si Vizier sa akin. And I can even sense it! Kahit hindi pa naman ako sigurado, malakas talaga ang kutob ko na siya ang tao sa likod ng text message.
Huminga ako ng malalim, pinagpatuloy ko ang panonood at pag-obserba sa mga kahera. I can’t even get how they punch the order properly. Sobrang bilis nila sa ginagawa, na maging ako ay napapamangha talaga. Kung gusto ko talagang magtagal sa trabahong ito, kailangan kong matutunan ang ginagawa nila. I need to put more effort so that, I could do it alone.
In regarding with my manager, he give me a breaktime. Kanina nung sumapit ang alas-dose, sinabihan niya akong mag-break na muna ngunit hindi ko iyon sinunod. Wala rin naman kasi akong ganang kumain atsaka kailangan kong ibigay ang buong atensyon sa pagkakaha. Kanina sabi ng nakausap kong kahera, minsan daw ang laki ng short nila. Minsan naman ay wala. Kumbaga, swerte ka kung swerte ang duty mo pero kung malas, aba’y iiyak ka talaga sa sobrang panghihinayang sa mawawalang pera.
Doon palang kinabahan na ako. What if it happens to me? What will I do? Syempre hahawak na ako ng sarili kong kaha kaya dapat maging responsable ako sa pagtrabaho. Bawal mong iwanan ang counter mo, minsan kasi yun ang nagiging simula ng shorting e! Mabuti nalang at may nagsabi sa akin ng ganoong paalala. At least, I have a background knowledge in case it happen. Hindi na ako mangungulelat sa pagtatanong at syempre matatakot kapag nangyari nga.
Hanggang alas-dos lang naman ako, yun ang sabi ni sir Josef. Ang trainee daw ay hanggang alas-dos lang, kapag maging official worker ka na, doon ka magdu-duty hanggang eight hours. Sabi rin ng nakausap kong kahera kanina, baka bigyan ako ng regular contract since hindi naman ako nag-aaral. Iyon daw ang patakaran kapag hindi nag-aaral, you have to sign regular contract. Well, hindi naman siguro. It depends to the person who will work. Malay natin gusto niya palang hindi pumirma ng kontrata, pwede naman daw sabi ni sir Josef. As long as you will take your duty on time.
Sumiklab nga ang kirot sa puso ko ng malaman na kalahati pala sa cashier ay mga working student. Doon palang kinain na ako ng inggit. How I wish I could continue my studies amidst of what happened to me. Hindi pa ako sigurado kung makakabalik ba ako sa pag-aaral. Sa ngayon, ang main focus ko ay magkaroon ng income at buhayin ang sarili. Napag-isip ko kasi na kapag may ipon na ako, pwede ko ng kunin si Jonesar sa probinsya namin. Oh God, sobrang miss ko na yung kapatid kong iyon! Sana sinama ko nalang siya dito.
Ngayon naman, bumalik sa isipan ko ang box kanina. Ang laman na bagong cellphone at tatlong makapal na pera. Nanginginig pa rin ang isipan ko ng makita ang brand ng cellphone, gosh bagong labas na apple cellphone iyon. At alam kong mamahalin yun! Isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon e, posibleng si Vizier iyon! Sino naman kasing tanga-tanga ang magbibigay ng ganoong halaga ng cellphone at pera? Sa panahon ngayon, walang tao ang gagawa no’n! Maliban nalang kung baliw na baliw talaga sayo ang taong iyon.
And that’s conclude everything, si Vizier nga! Tama! Siya ang nagbigay no’n sa akin! Siya lang ang lalaking gagawa no’n sa akin! Bakit ngayon ko lang naisip ito? Siya lang kasi talaga ang may kapas na gawin iyon. Mayaman, laki sa ulo at nasusunod ang mga gusto! Tiyak na isang sabi niya lang sa papa niya, siguradong susundin iyon! Pag-aaral ko nga namanipula niya, ito pa kaya! Napailing nalang ako, hinayaan ang mabigat na iniisip.
Napatingin ako sa orasan ng kaha, isang minuto nalang at lalabas na ako. Napahinga ako ng malalim, dumating si sir Josef na may ngiti sa labi. Napansin ko agad ang pamumula ng pisnge ng mga babaeng cashier. Doon palang nakuha ko agad ang ibig sabihin no’n. Siguro may lihim silang pagtingin sa manager namin. Umiling nalang at hinarap si sir.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceScylding Vizier Costiño, a crazy and obsess man who fall deeply in love to an ice candy vendor girl. He wait for so long, until one day the fate is in his arms now. Would he make the girl stay with him? Or he'll cage the girl in his arms obsessively.