Simula

12.7K 296 21
                                    

Simula

"Anak, ikaw nalang ang pag-asa ng pamilya natin. Sana naman, matapos mo itong kolehiyo sa Manila." Punong-puno ng pag-asang sabi ni papa.

Ngayong araw ang tulak ko papuntang Manila para makipagsapalaran ng pag-aaral doon sa kolehiyo. Fresh na fresh pa ang pagkakatapos ko sa senior high ko. Bitbit ang mataas na award na nakuha ko sa senior high, isa ako sa mapalad na nabigyan ng iskolar ng pamilya Costiño para sa anumang kursong kukunin ko. Nung una, nagtataka ako kung bakit sa Manila nila inalok ang iskolar at hindi dito sa aming probinsya.

Matatandaang, taga dito sila sa Samar at halos lahat ng negosyo nila ay umiikot dito. Malaking katanungan sa akin kung bakit sa Manila nila binigay ang iskolar ko. Kahapon ko pa nakilala ng personal si Mrs. Estrecia Costiño , ang asawa ng nirerespeto at tanyag na si Hermes Gaddiel. Humanga ako sa kagandahan ni ma'am Estrecia, magandang maganda kahit simple lang. Tinawagan kasi ako ng staff nila na kahapon ang last day para kunin ang plane ticket at allowance maging ang certificate para sa iskolar nila.

Masaya naman ako kasi malaking oportunidad ito sa akin. Manila is the dream of every student in our province. Maswerte nga ako at isa ako sa nabigyan ng malaking pinto sa pag-aaral e. Huminga ako ng malalim habang ngumiti naman ang bunso kong kapatid. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay katatapos ko palang sa senior ngayon ay makikibaka na naman ako sa kolehiyo.

"Opo naman pa. Maniwala tayo sa himala ng diyos." Magalang kong sabi.

Ngumiti ang ama ko, matanda na din siya at hirap na para pagtapusin ako sa kolehiyo. Isa sa mga rason kung bakit tinanggap ko itong iskolar ay dahil sa ama ko. Awang-awa na ako sa kanya dahil kitang-kita ko ang paghihirap niya sa pagtrabaho para lang may pang allowance ako at pagkain.

Ako talaga ang pag-asa niya lalo pa't maaga kaming iniwan ni mama. My mother died because of giving birth to my youngest brother. Dalawa lang kaming magkapatid kaya inaalagaan talaga kami ng husto ni papa. He want the best for us.

Ngumiti ako sa katapid kong sampung taon na. He looked like my father, while I am a carbon copy of my mother. Jonesar, my brother is teary eyes while looking at me. Malapit kaming dalawa sa isa't-isa, nung grade ten ako, tinutulungan niya akong maglako ng ice candy sa paaralan namin. Sobrang malaki ang naitulong niya lalo pa't minsan siya nalang ang nagbebenta kapag may long quiz kami o paparating na exam. Nakakatuwa nga kasi naiintindihan na niya ang buhay namin. Hindi siya malarong bata, hindi din siya mahilig sa mga laruan kaya malaking bagay iyon, at least hindi na kami bumibili para lang sa plastic na mga bagay.

"A-ate balik ka kaagad huh!" Naluluha niyang sabi.

Tumango ako at hinalikan siya sa pisnge. Naaawa din ako sa kanya dahil hindi niya manlang nasilayan ang ina namin. Hindi niya manlang nakapiling si mama, at maski ang mukha ay wala siyang alaala.

"Oo naman, Jone. Pagkatapos ni ate sa pag-aaral, uuwi ako dito at ipapa-ayos natin itong bahay. Bibili tayo ng maraming gamit at magkakaroon ka na ng sarili mong kwarto. Maghintay ka lang kay ate huh!" Mahina kong sabi.

Tumango siya at ngumiti ng malungkot. Si papa naman ay pinapahid na ang luha sa mata. Alam kong nahihirapan siya ngayon kasi wala na si mama. Sampung taon man ang nakalipas simula ng iwan kami ni mama, hindi kailanman tumingin ng ibang babae si papa. His loved still on my mother.

"P-pa, alagaan mo 'tong si Jonesar huh! Dapat pagbalik ko dito ay malaki na siya at gwapo na." Pagpapanatag ko ng loob nila.

Tumango si papa at muling pinahid ang luha sa mata. I hate seeing man being fragile, crying like a lady. Feeling ko kasi, hindi nila kayang maka-survived sa buhay. Proud na proud ako sa kanya dahil napalaki niya kami ng maayos. Hindi niya kailanman napagbuhatan ng kamay si mama at inalagaan niya kaming lahat. Ngayong tumatanda na siya, mas lalo kong gustong makatapos para sa kanya.

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon