Kabanata 5

6.8K 218 25
                                    

This is a present day, be informed.
-------------------------------

Kabanata 5

Run

Pawis na pawis ako habang tumatakbo, hinahatak ng puso ang katawan sa kapaguran. Hindi ako tumigil hanggang sa makalayo sa condo niya. Tumutulo ang luha, pinipilit ang sarili na makayanang makaalis sa syudad na ito. Nanginginig na rin ang tuhod ko, basang-basa ng ulan. Rinig na rinig ko pa rin ang madilim niyang boses na sumisigaw sa akin. Umiling ako, takot na takot.

Pinunasan ko ang mata habang tumigil sa lilim ng punong mangga. Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Wala pang saplot ang paa ko, basang-basa na rin dahil sa malakas na ulan. Mabilis ang pagtibok ng puso ko, kabadong-kabado sa ginawang pagtakas. Muling tumulo ang luha ng maalala ang mga pinagdaanan sa kamay niya. Tinakpan ko ang bibig dahil sa hikbing lumalabas. Sariwang-sariwa pa rin ang mga nangyari sa akin, ramdam ko pa rin ang bawat haplos niya sa katawan ko.

Napatago ako sa puno ng makita ang mga kalalakihang naghahanap sa akin. Tumigil sila sa harap ng puno, hawak-hawak ang flashlight habang pinapalibot iyon sa paghahanap. Siniksik ko pa ang sarili sa puno para lang makatago. Ayokong makita nila ako! Ayoko ng bumalik sa kanya! Ayokong ng makita pa siya! Natatakot ako, takot na takot ako sa kanya! Hindi ko kakayaning makasama pa siya ng matagal! Tama sila, delikado siya! Masama siyang tao! Katulad din siya ng ama niyang marahas! Tama si Aling Rose, delikado ang pamilya nila!

Bakit nahumaling pa ako sa binigay na scholar ng pamilya niya? Bakit hindi ko naisip na maaaring kasama siya sa scholar na iyon! Bakit hindi ko iyon naisip? Bakit sobrang kong tanga! I can't believe it happened to me! Kung sana...sana naniwala nalang ako sa mga sabi-sabi! Sana wala ako sa sitwasyong ito kung pinaniwalaan ko ang sarili! I am so naive! I am deceived by their faces! Masama sila! Tinago ko pa ang sarili para hindi nila makita.

"Ano, wala diyan?" tanong ng isa.

Basa na rin sila dahil sa ulan.

"Wala e! Yari tayo kay senyorito nito!"

Umiling ang ibang lalaki habang patuloy na naghahanap.

"Hindi pwede! Kailangan natin siyang mahanap!" sagot ng isa.

Napahinga ako ng malalim ng umalis sila habang naghahanap pa rin. Pinikit ko ang mga mata, pagod na pagod sa ginawa. Napaupo ako sa damuhan habang nahihilo, kumalam din ang sikmura ko dahil sa gutom. Niyakap ko ang sarili sa gitna ng kahirapan. Sinikap kong tumayo para makaalis na rin at makalayo sa lugar na ito. Ginawa ko ang pagtakas na ito dahil ayoko na siyang makasama. Masama siyang lalaki! Hindi niya manlang nirespeto ang pagkababae ko!

He forced me! He forced me to do that I don't want! He fucked me relentlessly! He took me every part of his condo! I felt like I am in hell and suffering my life. Maamo lang ang mukha niya pero demonyo siya! Masama siyang tao! Ayoko ng bumalik pa sa kanya. Ayoko na talagang makasama ang katulad niya. Ayokong pweni-pwersa niya ako sa lahat ng bagay! Ayokong maramdaman ang baliw niyang pagmamahal!

Baliw siya! Oo, baliw na baliw siya! Nalaman ko kahapon na may mental issue siya. He was diagnosed having obsessive love disorder! Nalaman ko ito ng marinig ko siyang kausap ang kapatid niyang babae sa phone. Nag-aaway sila habang malakas ang boses ng kapatid niya. I can even remember what they're talking about.

"Kuya, you are just being obsessed with that woman! You don't love her! Akala mo lang mahal mo siya pero hindi! Stop fooling yourself and unchain that woman." his young sister said.

Umiling si Vizier habang kuyom na kuyom ang kamao.

"Hindi! Mahal ko si Chacel! Akin siya! Simula nung una hanggang sa huling hininga ng buhay ko, akin siya!" he said obsessively.

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon