Kabanata 14

6.1K 188 7
                                    

Kabanata 14

Arms

Hindi ko mapigilan ang ngisi habang pinagmamasdan ang asawa ko na hindi na maipinta ang mukha. Kanina pa kasi kami libot ng libot dito sa mall at sa tuwing pumapasok kami sa mga iba’t-ibang establishment, bumibili ako ng mga gamit. Ngayon, punong-puno na siya ng mga pinamili ko. At kanina pa nakasimangot ang mukha niya.

“Seriously? Bakit ang dami mong binibili, Chacel?” he asked while pouting.

I smirked.

“Bakit ba? Nagrereklamo ka?” balik-tanong ko.

Bumuntonghininga siya bago umiling sa akin.

“Hindi naman. Nagtataka lang ako kung bakit ang dami mong binibili. May pagbibigyan ka ba?”

I rolled my eyes. Bakit? Kapag ba marami ang binibli ibig sabihin may pagbibigyan? Ganoon ba iyon? Hindi ba pwedeng gusto ko lang mamili dahil nagugustuhan ko? Honestly, gustong gusto ko talaga yung mga napipili ko kaya binibili ko. Atsaka minsan lang naman ako magwaldas ng pera niya e.

Well, nasa akin naman ang mga atm niya. Pati yung black card niya ay nasa akin din kaya ako yung mayaman sa aming dalawa. May cash rin ako sa wallet dahil bigay niya kaya hindi ko mapigilan ang sarili na magwaldas ng pera dahil minsan ko lang ito maramdaman.

“Wala akong pagbibigyan! Ayaw mo bang winawaldas ko ang pera mo ah?” akusa ko.

Mabilis siyang umiling sa sinabi ko.

“No. That’s not what I mean! Wala akong pakialam kung waldasin mo man ang pera ko, it’s yours anyway. Ang akin lang, bakit ang dami mong pinapamili? Marami ka naman mga damit sa bahay, para saan pa ito hmm?” he said softly.

Umirap ako. Talaga ba? Pwede kong waldasin lahat ng pera niya? Seryoso?

“Gusto ko yung mga binili ko. That’s it.” sagot ko.

He sighed.

“Okay.”

I smirked again. Hinayaan ko nalang siya sa likod ko. Bigla kong naisipan na pumunta sa pharmacy para bumili ng PT. Saktong-sakto dahil nasa harap na namin ang isang kilalang pharmacy kaya iyon agad ang naisapan kong gawin. Hinarap ko muli si Vizier at nginitian.

“Baby, can you buy snack for us? Nagugutom na kasi ako e.” pagdadahilan ko.

Tumango siya at ngumiti.

“Alright. Ilalagay ko lang ‘to sa kotse and then wait me here.”

I nodded while smiling.

“Sure.” masigla kong sabi.

Lumapit siya sa akin para halikan ako sa labi. When I felt his soft lip, my heart tremble again.

“Behave, baby.” makahulugan niyang sabi.

Ngumisi ako.

“Mas lalong mag-behave ka.”

He smiled saccharinely.

“Of course.” sagot niya.

Tumango ako. Tumalikod naman siya kaya mabilis akong pumasok sa pharmacy, pumunta ako sa counter at hinarap ang pharmacist.

“Good day ma’am.”

I smile.

“Good day. Miss, may pregnancy test kayo dito?” tanong ko.

She smiled.

“Yes ma’am. Bibili po kayo?”

I nodded.

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon