Kabanata 20
Sulitin
As what Salvacion said, nag-impake kami ng maraming damit. Sinabi kasi sa akin ni Vizier na maganda daw ang Caluwayan Island. May beach and swimming pool daw doon at maayos ang accommodation ng hotel kaya mas lalo akong na-excite. Ngayon pa’t hindi pa ako nakakapunta sa mga beach and resort kaya mas lalo akong kinain ng kagustuhan na pumunta doon.
Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pag-iyak ni Salvacion habang pinagmamasdan si Hermesia at ang lalaki nitong mahal. Ayoko namang tumalon sa konklusyon agad e. Baka mas lalo kong masira ang samahan ng pamilya nila at magdulot pa iyon ng kasiraan sa kanilang dalawa. Ngunit hindi pa rin ako makunbinsi ng sarili na hayaan nalang iyon. Siguro masaya lang siya dahil tanggap ng pamilya ni Vizier ang sinapit ng kapatid at anak nila. Maaaring tears of joy dahil nakatagpo ng lalaki si Hermesia na kaya siyang panindigan.
Pilit kong pinapasok sa isip ang mga rason na iyon. Ayokong magkamali, baka maging sanhi pa ng kasamaan. Kaya kung ano pa man ang tumatakbo sa isip ko, hinding-hindi ko iyon ipapaalam kay Vizier. Pero posible kayang…may ugnayan si Salvacion at Crix?
Napahinga ako ng malalim at umiling-iling sa sarili. Tinapos ko nalang ang pagsusuklay ng buhok para makababa na kami. Ako nalang kasi ang hinihintay sa baba kaya dapat bilisan ko ang kilos. Narinig ko pa naman kagabi sa kainan na mauuna ang pamilya ni Salvacion sa venue para ayusin ang rooms na gagamitin ng pamilya. Tumulong pa si Crix sa pag-aayos ng venue dahil kilala niya ang may-ari nito. Bukod sa discounted, we are free to use the premium rooms in the island. Sabagay, hotel and resort pala ang negosyo ng pamilya nila kaya siguro magkakakilala.
After combing my hair, I put my thin towel on my tummy. Proteksyon sa anak namin ni Vizier. Hindi naman malayo ang Marabut sa amin, pero kailangan ko pa ring gawin ito para hindi pasukin ng hangin sa katawan. At syempre, hindi ako pinayagan ni Vizier na magsuot ng swim suit o kahit anong pangpa-sexy na damit kapag naliligo. Well, he has the point to not let me use those dress but fuck…anong gusto niyang isuot ko? Pajama at rash guard na damit? Damn it!
Kagabi pa kami away ng away tungkol sa susuotin ko. Talagang hindi siya papayag lalo pa’t buntis daw ako. Ang tigas-tigas ng ulo, ayaw patalo sa akin.Kaya hindi ko siya pinapansin hanggang ngayon dahil sa suot ko. Shit, I am wearing pajamas and long sleeve. Iyon ang bumungad sa akin pagkagising ko kaya wala akong choice kundi suotin iyon. Tapos ang loko, ni-lock ang wardrobe namin para hindi ako makakuha ng ipapalit. Shit talaga na malutong e! Anong alam niya sa damit ng babae? Really? Pajamas and long sleeve for beach and resort? Oh God!
Tapos nag-iwan pa siya ng manipis na tiwalya para sa tiyan ko. Wala na! Nasira na ang mood ko sa suot. Grabe siya! Sobrang tigas ng kukute! Shit! Kaya imbes na ngumiti sa magaling kong asawa, inirapan ko siya pagkababa ko ng kwarto. Taas ang kilay ko, hindi kailanman tinapunan ng tingin ang lalaking nakahawak ngayon sa baywang ko. Umiling-iling ako at nagpupumiglas sa kanya.
“Ano ba ah? Bakit ka ba nanghahawak ah?” inis kong bulyaw.
Narinig ko ang tawa ng mama niya sa likod namin. Mas lalo akong umirap at nag-inarte. Shit talaga siya!
“Bakit ba? Bawal na ba kitang hawakan ngayon hmm?” malambing niyang sabi.
I rolled my freaking eyes to his face.
“Bawal! Tsk!” bulyaw ko.
He chuckled sexily.
“Why naman baby?” nagpapaawa effect niyang sabi.
Mas lalo tuloy akong nainis at nagalit sa kanya. Kaya binilisan ko ang lakad hanggang sa hindi ko na maramdaman ang kamay niya sa baywang ko. Padabog kong binuksan ang pinto sa likod, van ang sasakyan namin para kumasya lahat. Ngayon pa’t kasama namin ang lalaki ni Hermesia, kailangan namin ng mas maluwag na sasakyan. Nakasimangot pa rin ako ng umupo sa bintana, hindi kinikibo ang lalaking katabi ko habang may ngisi sa labi.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)
רומנטיקהScylding Vizier Costiño, a crazy and obsess man who fall deeply in love to an ice candy vendor girl. He wait for so long, until one day the fate is in his arms now. Would he make the girl stay with him? Or he'll cage the girl in his arms obsessively.