Kabanata 1
Guni-guni
"Chacel, can I buy all your ice candy?"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon. Napahinga ako ng malalim, muling bumalik sa akin ang epekto ng boses niya. Ito na naman muli, nandito na naman ako at kinakabahan sa lalaking ito. Pinikit ko ang mga mata, tinatagan ko ang loob para harapin ang misteryusong lalaki na ito. I sighed heavily. Humarap ako sa kanya, pinilit ang sariling kumalma.
"P-pwede." mahina kong sabi.
He look at me tenderly. Kinalma ko ang sarili bago umiwas ng tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin, malagkit pa rin ang tingin. Hinanda ko ang sarili na harapin siya ng matatag.
"Bibilhin ko lahat para matapos ka na sa paglalako." sabi niya.
Tumango ako at ngumiti ng alanganin. Inilahad ko ang lalagyan ng ice candy sa kanya. Mabilis niya iyong tinanggap, napahinga pa ako ng dumampi ang palad niya sa akin. Napahinga ako.
"S-sige. Salamat," nahihiya ko pang sabi.
He smirked. Binitawan ko ang styro foam, nilapag niya muna sa sahig ang lalagyan bago kinuha ang wallet. Napahinga ako ng malalim, nilabas niya ang dalawang libo at binigay sa akin. Alanganin ko pang inabot iyon bago ngumiti ng matamis.
"Keep the change, Chacel. And please, when you sale ice candy, come to me and sell it." he said softly.
I nod hesitantly.
"S-sige po. Thank you," I said thankfully.
Mabilis akong tumalikod ng makita ang ngisi niya sa akin. Naghuhuramentado ang puso ko sa kaba, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagiging ganito kapag kaharap siya. Vizier Costiño, the play boy and serious type of man. Kilala siya sa paaralang ito dahil sa tanyag ng pamilya nila. At kilala din siya dahil sa angkin kagwapuhan. Para naman sa akin, hindi ko siya masyadong nakikita noon. When I was grade nine, I didn't heard about him. Pero ngayong grade ten na ako, ngayon ko lang nakilala at narinig ang pangalan niya.
Bumuntonghininga ako, pagkatapos ko sa classroom namin ay mabilis akong umupo sa silya. Napapikit ako ng maalalang naiwan ko na naman ang lalagyan ng ice candy sa lalaking iyon. Putspa, kailangan ko pang bumalik sa tapat ng room nila para kunin iyon! Umiling ako at kinalma na naman ang sarili. Hinintay kong dumating ang iba ko pang mga kaklase, nang ma-kompleto kami, pumasok ang guro namin para sa asignaturang Filipino. Nakinig ako para matutunan ang mga diskasyon ng titser. Ilang sandali pang oras, natapos kami. Nagpaalam si ma'am kaya sumunod ang mga kaklase kong lumabas sa klasrum.
Nagpaiwan ako para ayusin ang sarili. Kailangan ko pang puntahan si Jonesar sa elementary department. Sabay kaming uuwi ngayon, ayaw pa naman ni papa na hindi kami sabay umuwi. Tumayo ako at lumabas ng classroom, bitbit ang bag at pera para sa ice candy na binenta ko ngayon, lumabas ako. Hindi pa nakakalabas ng tuluyan ng biglang sumalubong sa akin si Vizier na bitbit ang styro foam. Napaatras ako, gulat na gulat sa kanya. Napalunok pa ako bago umiwas ng tingin. Gaya nung una naming tagpo, malagkit ang mga titig niya sa akin.
He smile viscously.
"Dinala ko nalang dito para hindi ka na pumunta sa building namin. May ice candy ka pa na ibe-benta bukas?" he asked.
I sighed.
"H-hindi ko pa alam." sagot ko.
He smirked. Lumapit siya sa akin, binigay ang styro foam. Mabilis ko iyong tinanggap habang naiilang pa sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin.
"Alright. Kapag may ice candy kang ibe-benta bukas, hintayin mo lang ako sa tapat ng gate. Bibilhin ko lahat para hindi ka na mahirapan pa. Is that okay?" he asked gently.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceScylding Vizier Costiño, a crazy and obsess man who fall deeply in love to an ice candy vendor girl. He wait for so long, until one day the fate is in his arms now. Would he make the girl stay with him? Or he'll cage the girl in his arms obsessively.