Kabanata 7

6.4K 220 15
                                    

Kabanata 7

Always

Nag-apply ako sa isang malapit na fast food restaurant dito sa amin, kahit medyo alanganin at kinakabahan, pinagpatuloy ko pa rin lalo na’t kailangan ko ng pera para sa pang-araw-araw. Nakakahiya naman kay Chico kung i-aasa ko sa kanya ang pagkain ko. I need to earn my own money to produce my own food. Kaya iyon ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. Dala-dala ang resume na ginawa ko sa isang computer shop, marahan akong naglakad papunta sa entrance ng McDo. Ngumiti ako sa guard ng tumingin sa akin. I sighed heavily.

“Good morning, manong guard.” paunang bati ko.

He smile politely.

“Magandang umaga sayo, hija. May kailangan ka ba?” aniya sa marahang boses.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

“Manong, balak ko sanang mag-apply ng trabaho. May bakante po ba?” mahina kong sabi.

Napabuntong-hininga ako at naghintay sa sasabihin niya. Ito ang una kong hakbang sa mag-isang buhay. Kailangan kong maghanap ng trabaho para magkaroon ng sariling pera. Kailangan ko ding tumayo sa sariling paa para mabuhay sa mundong ito. Kung hahayaan ko lang ang sarili na makulong kay Vizier, hindi ko alam kung mabubuhay ako ng matagal.

Oo, masagana ako sa pagkain dahil mayaman siya pero hindi ko kayang makasama ang katulad niya. Para talaga sa akin, isa na siyang baliw. Hindi ko kayang makatabi siya sa gabi dahil palagi niya akong inaangkin. Minsan nga nagigising nalang ako sa mga titig niya. Minsan gusto niyang magyayakapan lang kami sa buong hapon dahil iyon ang gusto niya.

Ayaw niyang hindi nasusunod ang gusto niya. What he wants, he will do! I sighed heavily.

“Oo, hija. May bakante pa, sa katunayan ay maraming hinahanap ang manager namin. Ano bang gusto mong pasukan?”

“Kahit ano pong available. Tatanggapin ko naman kung ano ang ibibigay na posisyon sa akin.” sagot ko.

Pinagmasdan niya ako ng malalim.

“Sa mukha mo, maganda ka. Makinis at siguradong ilalagay ka ng manager sa counter. Pwede kang maging cashier.” aniya guwardiya.

Ngumiti ako at mabilis na tumango. Pwede rin naman sa akin ang pagiging kahera. Sa katunayan, iyon din talaga ang gusto kong posisyon sa mga ganitong trabahuan.

“Pwede rin po, manong.”

He nodded. Binuksan niya ang glass door at sabay kaming pumasok sa loob. Napatingin ako sa mga costumer na kumakain. Maraming tao kahit umaga palang. Pumasok si manong sa pinaka opisina, naghintay ako sa paglabas niya. Nakayuko lang ako kaya hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sila at kasama na ang manager. Inangat ko ang ulo at tumambad agad sa akin ang mataas at chinitong lalaki.

Nakasuot siya ng kulay blue na polo, maputi at new haircut. Napahinga ako ng malalim bago ngumiti ng alanganin sa manager yata nila. Napansin ko ang malalim niyang titig sa akin, maging ang lalagukan niya ay sumasabay sa paglulunok niya. Okay, he is handsome.

He smile tenderly.

“So, she is the applicant?” he asked.

Tumango si manong guard.

“Opo, sir. Ito po ang resume niya.” binigay ni manong ang resume.

Tinanggap agad ng manager ang resume ko, he scan it while nodding. Pagkatapos niyang basahin ang resume ko, tumingin siya sa akin ng malalim.

“Follow me, Miss Arraz.”

Tumango ako at sumunod sa kanya. Umupo kami sa isang bakanteng upuan, malayo sa mga costumer. Marahan akong upuan, kinakabahan sa lalaking ito. Umupo siya sa harap ko at binasa ulit ang resume ko.

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon