Kabanata 13

6.3K 180 7
                                    

Kabanata 13

Husband

Nailibing ng matiwasay ang lolo ni Vizier. Gaya ng mga naunang pumanaw, sa family cemetery nila ito nilibing. Hanggang ngayon rinig ko pa rin ang hagulgol ni ma’am Creme habang umiiyak sa huling araw ng asawa niya. Maging ako ay nadala sa iyak ng pamilya nila. Si Vizier ay ganoon din, niyayakap niya lang ako para itago ang sakit na nararamdaman. I couldn’t let him do what he want, masyado siyang mahina ngayon para iwan ko. Kaya hangga’t maaari, palagi akong nasa tabi niya.

Lumipas rin ang araw at nanatili kami sa mansyon nila. Si ma’am Creme ay nanatili rin sa bahay nila dahil iyon ang gusto ng papa ni Vizier. Ayaw niyang mag-isa ang mama niya sa bahay nito kaya ngayon nandito siya at kasama namin. Nanatili rin ang pamilya ni sir Gavino dito ng ilang araw para samahan din ang mama nila. Ngayon, pagkatapos ng isang linggo nakikita ko na rin naman ang unti-unting pagiging maayos ni ma’am Creme.

Though, sa gabi naririnig ko pa rin ang iyak niya pero sa umaga nakikita kong pinipilit niyang maging masaya kasama ang mga apo. Maayos na rin iyon para at least, makalimutan niya ng dahan-dahan ang namayapang asawa. Hindi ko naman alam kung babalik pa ba kami ng Manila. Wala pa kasing nasabi sa akin si Vizier tungkol sa pag-uwi namin e. As of now, maayos naman ako dito. Very comfortable ako sa pamilya niya.

I sighed heavily. Nitong mga nakaraang araw, hindi talaga maayos ang pakiramdam ko e. Kaninang umaga nagmamadali akong tumayo mula sa kama dahil sa pagsusuka. Hindi ‘yun alam ng asawa ko dahil tulog pa siya ng umalis ako sa higaan namin. Nagtaka pa nga ako dahil bakit tubig ang sinuka ko kanina. Hindi naman masama ang nakain ko kagabi kaya ngayon, lubos akong nagtataka sa sarili. Bakit nga ba ako nagsuka ng tubig?

Tapos, pakiramdam ko tumataba ako. Nitong mga nakaraang araw, jusko ang dami-dami kong kinakain. Minsan pa nga’y nagpabili ako ng hilaw na mangga kay Vizier dahil hinahanap ng panlasa ko. I am really wondering why am I acting like this? Masyado akong matakaw ngayon at gusto kong kumakain oras-oras. I tried to avoid sweet food pero gustong-gusto ko pa rin kumain e. Alam kong nagtataka na rin si Vizier sa kinikilos ko. At eto pa, pinaka nakakabwesit yung parteng sa gabi kapag matutulog kami, gustong-gusto kong hinihilod ang binti sa binti niyang mabuhok.

Jusko, this past days I couldn’t sleep if I’m not being touch of his leg hair. Iyon na yata ang nagbibigay ginhawa at saya sa akin sa gabi. Gustong-gusto kong nararamdaman ang buhok niya sa binti. Para na akong sira sa mga kinikilos ko! Hindi ko na alam ang susunod ko pang gagawin. Basta sa ngayon, gusto ko ito at hinahanap ko.

Tumayo ako mula sa kama, lunes ng umaga pagkatapos kong magsuka. Pinagmasdan ko si Vizier na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon. As of now, ang anak ni Ranilo Costiño ang nag-aasikaso sa kompanya na nasa pangalan ng asawa ko. Nasabi sa akin ni Vizier na hindi kami uuwi at dito na kami titira for good. Well, it’s not a problem to me. Okay lang na dito kami tumira, at least I have the chance to bond with my family.
Hinaplos ko ang tiyan, kabadong-kabado sa nararamdaman.

Alam kong may buhay na sa loob ng sinapupunan ko. Alam kong may mini version na ako ng asawa ko. Ramdam ko na iyon at hindi ako pwedeng magkamali. Kahit wala pa mang ebidensya, nasisiguro kong may laman na ang tiyan ko. Pinikit ko ang mga mata, hindi ko na alam ang gagawin sa ngayon. I really need to think better about my condition, hindi ako pwedeng basta magpadalos-dalos. My husband has the right to know about it but I need an evidence to use.

Kinagat ko ang labi bago umiwas ng tingin sa kanya. Ganoon pa rin ang suka ko para sa araw na ito. Kagabi, I’ve research some articles regarding with pregnancy. At some point, there is one sign about being pregnant, and it’s about vomiting liquid. I’m not really sure about this but I have this feeling that it’s real. Kasi bakit ako magsusuka ng tubig kung may laman naman ang tiyan ko? So, I guess I am pregnant.

Costiño Series 7: Slave of Love (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon