Hipo
Masama ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi tinted ang aming Montero kaya kitang kita kung sino ang nasa loob nito. Naguguluhan ang mga naglalakad sa tabi sa naging tingin ko. Pero ang babaeng buntis lang yata ang binigyan ako ng matamis na ngiti sa kabila nang pagiging badmood ko.
Pagkauwi ay nagmano lang ako kina lolo nakaupo sa teresa bago pumasok sa loob na walang ni isang salitang binigkas.
Mabigat ang aking hakbang paakyat ng kwarto. Padabog ko pa ngang naisarado ang pinto at walang tingin na hinagis ang bag sa kama. Sinikop ko ang buhok at madaling tinali sa banda ng batok. I unbottoned my jeans and unzip it. Hinubad ko agad ito pati na ang tops saka nagpalit ng itim na strap sando at isang cotton shorts.
Walang emosyon ang aking mata ng natapat ako sa salamin. Hagip ko ang lamig sa mga iyon. How dare him for insulting my name?! Ayaw ko talaga sa kaniya! Walang modo! Hindi yata tinuruan ng maayos ng kaniyang mga magulang o hindi kaya ay ulila na iyon kaya ganoon?! Leche talaga!
Feeling close na nga, wala pang modo!
Unang araw pa lang ng klase paano na kaya sa mga sumunod na araw?! That was a big blow to me. Siya pa lang ang unang tao'ng nang-insulto sa akin ng ganito. Sa publiko pa talaga!
Biglang nagring ang aking telepono. Matalim parin ang tingin habang kinukuha iyon sa bag. Parang nilipad ng hangin ang galit nang kumalma na lang ako bigla. Seeing the name of my boyfriend on the screen calms me down. Thank goodness.
"Hi, Lane. How's school?" aniya ng sagutin ang tawag. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso kaagad sa nakabukas na balkonahe. Gusto ko makalanghap ng panghapong hangin para na rin mas kumalma ang sistema.
Sa paraan ng kaniyang pagkakabigkas sa aking pangalan ay walang laman. Walang halong insulto at purong lambing lang. I sighed. Nakakababa ng pagkatao dahil sa isang insulto lang ng pangalan ko. Sa palagay ko tuloy ay bumagsak aking tiwala sa sarili. Iyon ang bumabagabag sa akin.
"Jandrei.." I called out his attention.
"Yes? Why do I sense coldness from your voice, hmm?"
"What.." i sighed, "What do you think about my name?" diretso kong tanong, nakatuon ang mga mata sa malayong harap. May iilang kabahayan ang dulo ng mga palayan sa aking harap.
Hindi kaagad siya nakasagot. Siguro ay naguguluhan sa aking naging tanong.
"Pangalan mo? Did I hear you right?"
Umupo ako sa upuang nasa ibang bahagi ng balkonahe. Sumandal ako roon atsaka humalukipkip. "Oo."
"There's nothing wrong with your name, Lane. Simple pero may dating. W-Wait, why did you asked?"
Nagbaba ako ng tingin sa aking walang sapin na paa. Ang nude na kulay nito ay pakupas na. Humahaba na rin ang mga kuko doon. Ginagalaw galaw ko ang mga daliri roon.
"Someone.."
"Someone?"
I sighed once again. Nakatatak talaga sa akin ang natanggap na insulto. "Someone's insulted me. My name to be exact."
"Really?! That fucker! Anong nakakainsulto sa pangalan mo? Ano ba ang sinabi? Tangina."
"Ang sabi ay magkatunog daw ang pangalan ko sa salitang 'landi'. It's my first time being insulted like this kaya I don't know how to deal with it."
"Landi?" suminghap ito sa kabilang linya. "Sino ba ang tanginang 'yan?"
"Taga rito lang rin. Kaklase ko rin sa halos lahat ng subject."
"Fuck! Talaga?!"
Nagtuloy tuloy pa ang tawagan namin makalipas ang ilang minuto. Randam ko rin ang kaniyang pagalala para sa akin. Nagpaalam lang siya nang may tumawag na katulong.

BINABASA MO ANG
Drowned In Something Profound
RomanceHindi naman talaga isang probinsyana si Lane. Ngunit dahil gusto ng magulang nito na samahan ang kanyang lolo't lola ay wala siyang nagawa kundi doon nalang mag-aral. Iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa Maynila pati na rin ang kanyang nobyo. Ayo...