Chapter 5

3 0 0
                                    

Angkas

Unregistered number:

Sorry sa nangyari.

Tinitigan ko ang mensahe na galing sa kaniya. Hawak ko ang phone sa aking kamay pero nakatukod naman ang bottom nito sa ibabaw ng lamesa. Wala akong balak na reply-an ito. Bakit pa? That's just a waste of my time. I don't reply a message to a jerk.

Binitawan ko ang cellphone at nakipag-chat na lang kay Jandrei na online ulit hanggang ngayon. Bukod sa kaniya, nakikipagpalit rin ako ng mensahe sa mga kaibigan na nasa Manila.

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya napabaling ang mata ko roon nang hindi ginagalaw ang ulo. Nakita kong galing iyon sa numero ni Louis. Hindi ko iyon binasa man lang.

I told Jandrei about the sorry message. Nagtanong siya tungkol roon.

Jandrei:

Where did he get your number?

Ako:

I don't know where.

Naisip ko na baka binigyan siya nila Nicole pero baka ay hindi rin. It's hard to point a finger to someone na hindi ka sure.

Jandrei:

How is that possible? Maybe he's your stalker.

Napaangat ang labi ko sa nabasa. Paanong naging stalker ko siya? Hindi ko alam.
Ako:

He's not my stalker, Jandrei.

Baka nakuha niya sa ibang kakilala ko.
Maybe from our classmates..pero hindi rin ako basta nagbibigay ng numero sa random classmates. Maybe, sila Ella talaga ang nagbigay.

Kakaiisip ko lang niyon ng makatanggap ako ng mensahe galing sa kaibigan.

Ella:

Dyk? Nanghingi ng number mo si Louis! Ack, nagtext ba sayo?!

Nagtext dahil binigyan mo! Hindi ako basta bastang namimigay lang ng numero pero ang isang 'to.

Ako:

And why did you gave him my number?! Sinabi ko ng ayaw ko ng kung sino sino na lang ang nakakaalam sa numero ko.

Ella:

Chill, okay? Hindi 'kung 'sino-sino' si Louis. In fact, kakilala at kapitbahay mo siya. Plus, kaklase mo!

Napairap ako. Alam ko naman na hindi talaga sila nagbibigay ng numero kapag may nanghingi sa kanila lalong lalo na sa akin. Pero bakit noong si Louis ang nanghingi, binigay kaagad?

Ako:

tf

Mabilis na nakapagreply si Ella sa akin. Parang nag-aabang talaga siya sa response ko.

Ella:

Hoy, ano ba? Sorry na. Kinilig kasi ako dahil number 'mo' ang hiningi. So, chika na. Nagtext ba? Anong sabi?

Hindi ko siya nireply-an. May pumasok na mensahe galing sa numero ni Louis pero hindi ako nag-abalang lapatan ng tingin man lang iyon.

Ella:

Masakit na sa puwet kakaupo rito pero malapit na kaming makarating sa dorm. I need some distraction. Chika na. Nag-aabang rin si Rica.

Siya ulit.

Ella:

Hoy, Lane!

Binitawan ko muli ang cellphone saka binalingan ang laptop at naghanap ng magandang kanta sa Spotify. I listened to Troye Sivan's Youth. Nakasilent na ang phone ko pero napabaling muli ako rito noong umilaw ito. Nang sinilip ko, si Louis iyon.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon