Chapter 17

6 0 0
                                    

The Endearments

"Where are you going to buy groceries ba? Sa store nila mama o sa syudad? Mas mabuti yatang sa atin na lang, nak. Mas malapit pa." sabi ni mama sa akin isang araw bago ang bisperas sa aming barangay.

Galing ang tingin sa kinakain nang inangat ko ang aking paningin para sulyapan siya. I'm chewing the food in my mouth when our eyes met. Nag-aabang siya sa pagsang-ayun ko kaya tinanguan ko siya.

"Yup, better! Kompleto naman ang mga products doon at hindi mahirap hanapin diba?" nilunok ko ang pagkang nasa bibig. "And why am I in tasked on groceries, anyway?"

I'm not complaining, though. Nagtanong lang ako dahil walang ibang masabi. Even when she's not going to answer that, alam ko na kung bakit. The whole member of the household are getting ready for the upcoming fiesta. Of course, visitors are invited and they are going to come kaya ngayon pa lang ang naglilinis na sila mama. Naghahanda ng palinisin ang bahay. Not that our house is dirty.

"Manang and I will going to replace the curtains of the house! Your papa, however, has some errands to do. Both your lola and lolo are busy as well. Alangan namang ang dalawang kapatid mo ang pabibilhin ko?" ani mama.

Saktong pagkasabi niya noon ay ibinaba ng isang kasambahay namin ang mga plato na ginagamit lang tuwing may okasyon. Isa isa niya iyong nilapag sa lamesa pati na ang mga kutsara't tinidor, mga babasaging baso at iba pang lagayan ng handa. Bumaling ako kay mama na tinuturo si manang. "See? Even Manang Leti is busy."

"Mom, do I sounds like nagrereklamo? I was just asking, God!"

"Whatever! Mamaya ka ng hapon mamimili? Isama mo na si Louis pati ang mga kapatid mo."

"Wow, I'm going to babysit aside buying groceries!" sarkastiko kong sabi.

Kumunot ang noo sa akin ng aking ina. "Hayaan mo na. Hindi naman sila mawawala lalo na at atin ang store. I-text mo si Louis kung available ba siya mamaya. Huwag mong pilitin kung abala rin siya sa kanila para bukas." pagkuwa'y tumayo siya dala ang isang mug ng pinagkapehan. Pinanuod ko siyang hugasan iyon sa lababo.

Mabagal kong naubos ang almusal dahil sa pag-uusap namin ni mama. Tumayo na ako't niligpit ang pinagkainan saka hinugasan na rin.

I already texted Louis pero hindi pa siya nagrereply. Probably busy because of the event coming tomorrow.

Pumanhik ako sa itaas dala ang cellphone. Nasa kalagitnaan pa lang ng hagdan nang nadatnan ko sila Jei Dale na nakatutok sa kanila kanilang gadget. Hawak ni RV ang kaniyang IPad habang si JD ay ang kaniyang cellphone. Hindi nila ako pinansin dalawa.

Dumiretso ako sa kwarto at kaagad na naghanda ng damit para mamaya. Una akong naghanap para sa akin bago ang kanila JD.

Sinarado ko ang cabinet at napansin ang nakasungaw na ulo ni RV. Nakatayo siya sa may pintuan at nakatingala sa akin. Sinulyapan niya rin ang mga damit naming nakalatag sa kama.

"Where are we going, Ate Di?" maliit at malambing na tanong niya.

"We're going to our grandparent's store, RV. Mamimili tayo ng groceries."

"Really?"

Tumango ako at kinarga siya. Kaagad niya namang itinaas ang kamay at niyapos ang maliliit na braso sa aking leeg. "Yes. That's why you need to take a bathe na with kuya Jei and stop using gadgets too much. That's not good for your eyes, baby."

"Am I going to put my phone down now?" ganoon parin ang boses niya, naglalambing.

"Uh-huh. Pati kay Kuya Jei mo."

Sunod sunod ang kaniyang pagtango. "Okay. I'm gonna tell kuya." at nagpababa siya. Hinayaan ko siyang tumakbo sa labas saka ako bumaling sa kama.

I was in the middle of browsing on my Instagram nang makatanggap ako ng message galing kay Louis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon