Done
"Madaya!" magkasabay na sigaw nila Ella at Rica sa screen. Tawa naman ng tawa si Nicole sa kabilang gilid. Inirapan ko lang sila. Why is it big deal to them kung sino ang mauunang makita ang kapatid ko in person?
"Ang epal mo, Nicole! Palibhasa binisita lang!" si Rica na simangot ang mukha.
Mukha namang na-offend si Nicole kaya napatuwid ito ng tawa sa kinasasandalan. "Hoy! Hindi ko naman pinilit na bisitahin ako. Mga inggit!"
"Ang sabihin mo kasi dinaan mo sa pago-order, lintik ka!" singit ni Ella.
Nag-iripan ang mga ito sa screen. Napailing na lang ako.
"Mga losers kasi kayo kaya inggit!" dagdag ni Nicole.
"Guys, stop it!"
After that call, nakatambay na naman ako sa balkonahe. Hawak ko sa kanang kamay ang aking brush pen at nagpahinga muna sa pagka-calligraphy. Vickeens is asleep so I have the time to chill and make some art.
The start of classes is coming. Dalawang linggo mula ngayon at magsisimula na ang klase.
Bumuntong hininga ako saka bumaba ang tingin sa notepad na nakalapag sa lamesa. Wala akong maisip kaya ang buong pangalan ni RV ang inilagay ko. May background design na pinaghalong blue, green, at yellow.
I received no single text from Jandrei the whole day today. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman siya abala ngayong tapos na ang kanilang bakasyon abroad at hindi pa naman pasukan. An idea had crossed on my mind but I don't want to believe it. My other mind won't accept it. I trust Jandrei and I know he's not capable of hurting me. He's a good man. Even when that endearment wouldn't get out of my head. Even when it's bothering me. I trust my Jandrei.
Nang natapos na sa ginagawa, nagpasya akong iligpit na ang mga materials. I gathered all my calligraphy materials all the way from Manila to here para may mapagkaabalahan naman ako rito. I maybe good at making calligraphy but I'm no good at painting. I'm suck at it.
Nilagay ko ang mga materials sa aking organizer box saka na ako pumasok sa loob. Nakabukas ang pintuan ng kwarto ko kaya makikita kaagad kung may tao ba sa loob. Natigilan ako sa bukana ng pintuan nang makitang wala si RV sa gitna ng kama. Pumasok ako at sinuyod ng tingin ang apat na sulok ng kwarto. Walang RV na naglalaro sa playing area nito sa paanan ng aking kama. At walang RV sa kahit saan mang parte ng kwarto ko.
Dahan dahan kong ibinaba ang organizer box sa dapat na kalagyan nito saka isang beses pa muling pinasadahan ang playing area ng kapatid ko. There's no traces of RV here. May gusot naman ang bed sheet ng kama. Napapikit ako ng mariin.
Lumabas ako at nagpunta sa kabilang kwarto para hanapin siya pero wala. Lumapit ako sa kwarto nila mama pero bukod sa madilim, walang tao rito. Napabuntong hininga ako at bumaling sa hagdanan.
Dali-dali akong bumaba mula sa second floor at pinasadahan ang sala. Walang tao roon pero naka-on ang malaking tv. Pinatay ko iyon bago lumabas ng main door. Wala ang kotse dahil lumabas sila lola para bisitahin ang business nila. Wala ang kapatid ko. Pumasok muli ako sa loob at nagpunta na ng kusina at bathroom but I didn't see him.
There's still one place left. Umiinom ako ng tubig habang nakatingin sa nakabukas na pintuan leading to our backyard.
Nang nagtungo ako roon at nakita ang kapatid kong nagbubungkal ng lupa gamit ang laruang pala at madungis ay hindi ko na napigilan ang sarili.
"Roe Vickeens!" sigaw ko. Napaigtad ito sa gulat at dali-daling napatayo habang papaiyak na. "What the heck are you doing?!"
"D-Di!" taranta niyang ipinunas ang maruming kamay sa kaniyang puting sando dahilan kung bakit nadumihan ito lalo. OMG, tutubuan ako ng puting buhok dahil dito!
BINABASA MO ANG
Drowned In Something Profound
DragosteHindi naman talaga isang probinsyana si Lane. Ngunit dahil gusto ng magulang nito na samahan ang kanyang lolo't lola ay wala siyang nagawa kundi doon nalang mag-aral. Iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa Maynila pati na rin ang kanyang nobyo. Ayo...