Cold
"Louis!"
"Hoy, Louis. Ganyanan?"
"Problema mo, boy?!"
Hindi ko sila pinansin. Naglakad pa ako papunta sa tindahan namin dahil kailangan ako roon. Hindi ko alam kung bakit nila ako sinusundan. Binilisan ko ang paglalakad dahil nakakahiya na sa mga taong nasa paligid. Pinagtitinginan na kami rito.
"Hoy, parang tanga lang?" nagpantig ang tainga ko nang marinig iyon. Bumaling ako sa kanilang tatlo at bakas na bakas ang galit ko sa kanila.
"Talagang pinagmukha niyo akong tanga! May boyfriend pala 'yon tapos hindi niyo sinabi sa akin?!" hindi ko na napigilang hindi ilabas ang galit ko. Naalala ko ang mga araw na nilalandi ko si Dei, iyon pala may boyfriend na. At alam nilang tatlo.
Sabay sabay silang napangiwi. "Sorry na."
Hindi ko iyon tinanggap. "Alam niyong may boyfriend pero todo tulak kayo sa akin sa kaniya? Tama ba 'yon?"
"N-Nakalimutan kasi namin."
"Imposibleng nakalimutan niyo na may boyfriend pala ang kaibigan niyo! Anong klase kayong mga kaibigan niya?"
"E kasi gano'n naman talaga. Nakalimutan namin 'yon lalo na dahil alam naming may gusto ka sa kaniya at nakikipagkaibigan ka roon."
Napamura ako sa sinabi ni Ella. Mukhang kasalanan ko pa yata ang nangyari. Nakakalimutan kong babae itong kausap ko kapag naalala ko ang nadatnan kahapon. Nakayakap si Dei sa isang lalaking hindi ko kilala at kung hindi ko pa narinig ang wika ng lola nito, hindi ko pa malalaman na boyfriend nito pala ang kayakap.
"Louis, sorry na. Hindi naman namin sinasadya 'yon." si Nicole.
Napahilamos ako ng mukha. Bumulong ako ng iilang mga malulutong na mura dahil sa inis ko. "Alam niyong gusto ko siya. Matagal niyo ng alam." At liligawan dapat pagdating ng panahon pero may kasintahan na pala. "Alam niyong humahanga ako sa kaniya."
"Nakalimutan naman kasi talaga namin."
"Araw-araw niyong nakakalimutan?!" asik ko sa inis. Hindi sila makapagsalita. Baka nasira ko pa ang relasyon ng dalawa. Napahilamos muli ako ng mukha at tumawid ng kalsada.
"Hoy! Suplado nito!"
Pumasok na ako ng tindahan na nakabusangot ang mukha. Kaagad napansin iyon nila mama at inasar pa ako ni Elme pero hindi ko na iyon pinansin. "Ma, sadboy si kuya. Hiniwalayan yata ng girlpren niya."
"Louis, ayaw mo bang pumunta roon sa kanila?"
"At may gana pa kayong yayain ako?!" iritado na talaga ako.
"Kuya, ano yan?"
Umiling ako sa nanay ko. Nagmano ako sa kanila ni papa at tinulungan sila. "Wala, ma."
"Anong wala? Busangot 'yang mukha mo tapos wala? Sino 'yang mga 'yan?"
Bumuntong hininga ako at kumuha ng maiinom. "Mga kaibigan lang po ni Dei."
Napatingin sa akin si papa at napakunot naman ang noo ni mama. "Bakit? Ano bang sadya nila?"
"Ma, wala po."
"Kuya, kausapin mo sila sa labas. Huwag rito sa loob at may mga customer tayo." humugot ako ng malalim na hininga saka sinunod si mama. Lumabas nga ako at sumunod naman sila Rica. Tumigil ako sa gilid ng tindahan namin at piniling tingnan ang mga dumadaang sasakyan.
"Hindi ka ba pupunta roon sa kanila?"
"Ba't ako pupunta doon?"
"Kasi gustong ipakilala ni Lane sa personal ang boyfriend niya?" Malalim akong napaisip.
BINABASA MO ANG
Drowned In Something Profound
RomanceHindi naman talaga isang probinsyana si Lane. Ngunit dahil gusto ng magulang nito na samahan ang kanyang lolo't lola ay wala siyang nagawa kundi doon nalang mag-aral. Iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa Maynila pati na rin ang kanyang nobyo. Ayo...