Chapter 7

1 0 0
                                    

Umalis

"Dei." bigla akong napalingon sa likod nang may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko at nailang dahil ang mga kapatid ko lang ang tumatawag sa akin ng ganoon.

Tinitigan ko si Louis na papalapit na sa kinaroroonan ko. Sinuklayan nito ang buhok gamit ang kanang kamay habang nakasulyap sa malayo. Bumaling naman siya sa akin matapos ang ilang segundo. Kapwa na kami nakaduot ng uniporme dahil tapos na ang isang buwang pagcivilian.

I arched my brow at him. In exchange, he flashed a smirk at me and when he got closer, his arm made it's way to my shoulder. Napasabay ako sa kaniya ng lakad.

"What?" tinanggal ko ang kaniyang braso sa aking balikat. Nginisihan niya lang naman ako.

"Hindi ka na aangkas sa motor ko?" mahina siyang napahalakhak.

Napaismid ako. "Not anymore."

Lumingon siya sa akin at umaambang ibabalik na naman ulit ang braso sa aking balikat pero sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Oo na." humalakhak muli siya. "Bakit, hindi mo ba gusto?"

"Anong tanong 'yan?" napairap ako sa kaniya. Umakyat na kami sa aming building nang sabay. Maaga pa kaya wala pa masyadong mga estudyante lalo na sa building namin.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga sa gilid ko. Nilingon ko siya at saktong nagbaba ito ng tingin sa nilalakaran namin. Ilang linggo na yata simula noong naging malapit kami. He's so persistent. Ayaw niyang tumigil hanggang sa nakulitan na ako at hinayaan na lang siya sa pambubwesit sakin.

Halos lilima pa lang ang tao sa loob ng room namin. Saglit ko silang sinulyapan saka papasok na nang huminto si Louis sa tapat ng pintuan. Awtumatikong napahinto rin ako sa hindi ko alam na kadahilanan.

"May day-off ba ang driver mo sa paghahatid-sundo sa'yo?" tumitig siya sa aking mata.

"The only day-off he has is when it's weekend." tinitigan ko siya pabalik. Parehas kaming manipis lang ang pilikmata at ang kaniyang itim na mata na tila nakangisi ay himalang seryoso yata ngayon. He has this soft spiky hair too. His skin was the same as mine, between fair and moreno. May mga muscle din sa katawan.

Binaling niya sa ibang direksyon ang paningin bago ko nakita ang pagkagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi. Tumaas ang kilay ko dahil akala ay may sasabihin pa siya. Napasinghap ako saka papasok na sana kung hindi niya lang hinawakan ang pulso ko.

"Sandale, Dei."

"Ano?!" naiirita na ako.

"Sabay ka na sa'kin mamaya pagkauwi."nagulat ako sa biglang yaya nito.

"Bumalik na si manong, Louis. Hindi pwede-"

"Na-miss kitang iangkas sa motor ko." putol niya sa akin. Natigilan ako at napatunganga sa kaniya. What?

Was he flirting with me? What in the world..

"Louis, manong is back. I don't why you said that but that's not my problem anymore."

Sumunod siya sa akin pagkapasok ko. Dumiretso ako sa aking upuan at piniling abalahin nalang ang sarili sa pagsi-cellphone.

Ilang saglit pa nang nasa harapan ko na ito at nakatayo. Hinila niya ang upuan sa aking harapin palapit sa akin saka siya umupo paharap sa banda ko. Ang kaniyang baba ay nakapahinga sa braso niyang nakapatong sa sandalan. Hindi ko siya pinansin noong una.

I already texted Jandrei that ai'm here already at school. Ganoon rin ang reply nito sa akin.

Nakatitig sa akin si Louis. Akala ko kanina ay mangungulit ito sa akin na umangkas muli sa motor niya pero hindi nangyari. Hindi gumagalaw ang ulo ko nang mag angat ako ng tingin sa kaniya habang nasa kamay parin ang cellphone.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon