Chapter 1

8 1 0
                                    

Ngisi

"Di! Saan galing?"

Iyan ang bumungad sa akin pagkauwi ko pa lang sa bahay. Nakaupo siya sa maliit na upuan na para sa kaniya sa labas ng pintuan ng bahay. Nakasandong puti at pajama na ito.

Ewan ko sa batang 'to. Kung makaasta, daig pa tatay ko. Dahil bata pa, Di ang tawag niya sa akin. Matigas ang pagkakasabi dahil syempre bata pa. Minsan lang rin kung tawagin akong ate.

Naglakad ako palapit sa kaniya at nang abot ko na siya ay hinalikan ko ang kaniyang pisngi. Hinaplos ko ang kaniyang noo na pawis na pawis.

"Naglaro na naman kayo ng kuya mo ng habulan? Pawis na pawis ka, o!" ngunit tumawa lang ito.

"Saan galing Di?!"

"Ate Di." pagtama ko.

Tumango siya at hindi na nagsalita. Nag-antay lang ito sa aking sagot. Bumuntong hininga ako at binuhat ito papasok sa loob. "Galing si ate sa labas kasama si kuya Jandrei."

"Labas?" inosente itong nakatingala sa akin.

"Oo." naririnig ko ang boses ni mama sa kusina na inuutusan ang katulong habang si papa naman ay nasa salas at nanunuod ng kung ano sa tv. Hinalikan ko siya sa pisngi at tumabi sa kaniya.

"Kamusta ang lakad niyo?"

"Ayos lang, pa. Masaya..." ngiti ko sa kaniya.

"Ano gawa niyo sa labas?!" hinawakan na ng kapatid ko ang aking magkabilang pisngi para ipaharap sa kaniya.

"Vickeens!"

Sesermunan ko sana kaso nagtanong pa ulit. "Ba't kayo labas?"

"Ang dami mong tanong, RV!"

"Ba't galit si Di?" tuluyan na akong napahilot sa aking sentido. Buti at naalala kong kapatid ko 'to dahil baka nasigawan ko na sa kakatanong.

Inagaw ni papa sa akin si Vickeens kaya hindi ko na naramdaman ang kaniyang bigat sa hita ko.

May binulong si papa rito na nagpakunot ng noo sa kaniya. "Galit siya, papa?"

Napairap na ako ng tuluyan. Ngayon ang second anniversary namin ni Jandrei kaya niyaya niya akong lumabas kasama siya. Isang buong araw naming nicelebrate ang anniv namin kaya sulit. Malapit na rin kasi akong bumalik kina lola dahil kailangan ko pang magpaenrol for college. May mga requirements pa akong kailangan ipasa doon sa school na pinili kong mag aral. I'm taking up Business Ad like what my parents took up when they were young.

Sa buong bakasyon ko rito, kung wala ako sa bahay ay nasa labas ako kasama si Jandrei o hindi kaya ay sila Althea. Sabado at linggo lang ako hindi lumalabas dahil nagdidemand ang bunso kong kapatid sa oras ko. Ni hindi ko siya mahindian dahil nagngangawa pag tumanggi ako.

Nilagay ko na ulit sa maleta na aking dala ang aking mga damit. May binili akong bago kaya isasama ko ang mga damit na iyon sa pag-uwi. Tulog na si Vickeens sa aking kama habang si Jei Dale naman ay nasa sofa at tutok na tuto sa paglalaro. Pitong taon pa lang ito pero sobrang tutok na sa gadget.

"Sleep now, Jei. Tabihan mo si Vickeens sa kama." pinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga damit sa loob ng maleta.

"Maya..."

"Jei Dale." I eyed him coldly.

Bastang binitawan na lang nito ang phone saka nagmartsa na sa kama. Pinagpatuloy ko ang pagaayos hanggang sa matapos. Hindi kagaya sa aking kwarto roon kina lola, ang aking closet ay nasa may paanan ng aking kama. Sa may kaliwang bahagi naman ng kama ay ang study at vanity table ko na hindi ko na nagagamit. Sa tabi noon ay isang couch. Ang aking closet ang unang bubungad pagpasok. Sa tapat ng aking kwarto ay ang comfort room ng buong second floor. Tanging sa kwarto lang ng aking magulang ang mayroong bathroom.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon