Chapter 14

4 0 0
                                    

Try

"Let's give it a try, Louis." saka ko kinagat ang pang-ibabang labi.

Hindi kami magsisimula sa mali dahil hindi na naman ako nagtataksil pa. Matagal na kaming wala ni Jandrei kaya ganoon.

Ang inaalala ko ngayon ay ang yakap niyang hindi pa kumakalas. May dumaang dalawang motor kaya ako na mismo ang kumalas. Nakaramdam na ako ng hiya dahil sinulyapan kami ng driver nito. Humalakhak si Louis nang mapansin iyon.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Saglit lang. Di pa ako tapos yakapin ka." saka pinalupot niya ulit ang braso sa aking bewang. Kumunot ang noo ko at sa isang iglap, hinampas ko ang kaniyang braso.

"Shut up, moron. Let's go back. Baka hinahanap na ako." ang paalam ko pa naman kay mama sa labas lang.

Hindi ko alam kung bakit sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. "Okay, babe." humalakhak ito kaya tinaasan ka siya ng kilay.

And babe? "What the hell?"

"Practice lang. Excited ako e."

Namaywang ako. "And you think sasagutin kita?"

"Asus! Gusto mo rin kaya ako."

My eyes turned into slits. "I may like you but that's not enough to make me say yes. Dream on, Louis."

Bagsak ang balikat nito bigla. "Wala na! Hindi pa nga nakapagsimulang manligaw, may babala na kaagad! Uwi na nga tayo." simangot siya habang sumasampa sa kaniyang motor. He knew that it was just a joke, though.

Pero kahit ganoon, nakuha niya pang bumulong bulong. Pinaandar niya na pabalik ang motor matapos kong makasampa.

Parang gumaan ang kalooban ko dahil sa pag-uusap naming iyon. It was like the heavy load of rock got removed from my heart. I may be just exaggerating things but that's what I've felt.

Marahan niyang pinarada ang kaniyang motor sa mismong tapat ng gate namin. Nilingon ko ang bahay at napansin na nandoon pa rin ang mga bisita ni daddy. Naririnig ko mula sa kinatatayuan ang ingay na nanggaling sa likod ng bahay. Medyo rinig ko rin ang boses ng aking ina. She's looking for me.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Nagkatagpo kaagad ang mata naming dalawa. Ramdam ko kanina pa lang pagkababa ng kaniyang motor ang mga titig niya. Ngayon ko lang nasuklian. Ramdam ko ang changes. It was like something between us improved more. Like we're in another level.

"So.."

Sa sinabi kong iyon, mahina siyang napahalakhak. Pagkatapos ay ngumiti at humalakhak na naman muli. Tinaasan ko siya ng kilay. He's going crazy.

"Ang ganda mo talaga. Pwede pa-kiss?" banat niya.

"What?" alma ko kaagad. Kung ano ano nalang talaga ang naiisipan. "Kiss my ass." umirap ako sa kaniya.

I thought he will get offended but he just grinned widely instead. "Putangina, pwede?!"

Oh, fuck. May tama sa ulo ang lalaking ito. I must be aware of my words next time when I'm with him. Masyadong delikado.

"Uwi ka na." sabi ko sa kaniya nang ilang beses ko na siyang sinamaan ng tingin. May ngisi parin sa labi nang tumango siya sa akin.

"Sige." tinitigan niya ako. Tumingin pa ako sa kaniya bago ako tumalikod.

Isasara ko na ang gate nang tawagin niya ulit ako. Kailangan ko pang sumilip sa pagitan ng bakal ng aming gate para makita ng maayos ang mukha niya. "Matutulog ka na ba? O hindi pa?"

Umiba ako ng tayo. "Bakit?" bigla akong nakaramdam ng antok kasabay ng paghikab.

Umiling kaagad siya sa akin. "Gusto sana kitang i-text pa kaso inaantok ka na pala. Sa susunod na lang. Pasok na." nginuso niya ang loob pero hindi iyon a ng sinundan ng mata ko. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labing nakanguso. Namamasa pa iyon at mapula pula. Inilihis ko kaagad ang mata sa natatanaw.

Drowned In Something ProfoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon